1

799 55 10
                                    

#Bisita

Kim

"Oi solid! eto na ata yung hinahanap ko!"

Lumapad ang ngiti ko ng sa wakas ay matunton ko rin ang pinagtatrabahuan ng tiyahin ko.

"Kuya guard Marcos mansion ba'to?"

Tumigil sa paglalaro ng mobile legend ang guard at badtrip na tumingin sa akin.Infairness may itsura.Matangkad,chinito,medyo maputi at mukhang mabango.

"Ano sa tingin mo?"

Minus 10 agad,mukhang masungit e!

"Sa tingin ko,Marcos mansion na'to."Sabi ko nalang.

"Tss!oh tapos?"

'Di kita papatulan pogi!galing pa ako sa gulo tapos dito gulo na naman aatupagin ko?wag na!gagamitin ko nalang muna ang nakakatangang world peace na palaging sagot ng mga contestants sa tuwing may pageant!'saisip ko.

Huminga ako ng malalim bago muling magsalita.

"Si Lupe Marasigan Dimasalanta po?"

Nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit?anak ka niya sa labas?"

Naningkit ang mga mata ko,mukhang mas lalong kukulot ang buhok ko sa isang 'to ah!

"Pamangkin niya po ako!Kimberly po."Pigil ang gigil na sagot ko.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin,bago tumango.

"Maghintay ka dito,huwag kang papasok may cctv dito."

'Ay grabe siya oh!mukha ba akong magnanakaw?'

Nakapamulsa at sumisipol ako habang naghihintay sa labas ng malaking gate.

"Ay kabayo!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang sunod-sunod na busina ng papalabas na sasakyan sa aking likuran. 

'Nagmamadali?'

Nalaglag ang panga ko ng pagkaharap ko ay makita ko ang napakagarang kotse. 

'Wow!solid ng rides! Yellow BMW chong! pucha richkid!'

Wala na lumipad na ang utak ko at kung saan-saan na napunta,na iimagine ko kasing ako ang nakasakay sa sasakyan na yun. Ang cool ko sa ilusyon ko!sagad!

Nakaharap pa rin ako sa sasakyan ng marinig kong tumunog ang telepono sa guardhouse.

Binusinahan ako ulit ng sasakyan.

Tinuro ko ang sarili.

"Ako?" Sabi ko kahit walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Bumusina ulit ito ng pangalawang beses,yung tipong parang sumasagot lang ng Oo!

Nanliit ang mga mata ko at napakagat labi.

Aba'y power trip din 'tong lokong to ah!

Tinuro ko ang telepono.

Bumusina na naman siya.

Lumapit ako sa guardhouse at iiling-iling na inangat ang awditibo habang nakapako pa rin ang mga mata sa sasakyan.

"Open the gate!"Nailayo ko ang telepono sa tenga ng taasan niya ako ng boses.

Sa inis ko ay pinagbagsakan ko siya ng telepono. 'Tss!mabingi ka ngayon!nautusan pa ako ah!sino ba 'tong gunggong na'to?

Bumalik ako sa harapan ng gate. Pinagkrus ang braso sa dibdib at nakangiwi ang labi. 

'Ano ako?utusan?tss!manigas ka dyan!'

Nakita kong dalidaling tumakbo patungo sa gate ang binatang guard at binuksan iyon.

Mabilis akong nagtungo sa gilid para hindi masagasaan. 

Huminto ang magarang kotse sa tapat ko. Dahandahang bumukas ang bintana sa kanan kung saan din ako banda nakatayo. 

Hindi nagbago ang expression ng aking mukha. Nakangiwi pa rin ako at nakataas ang isang kilay. 

Sumilip mula sa loob ang isang makinis at maputing binata na nakasuot pa ng shades. 

"Sorry Sir Vincent matagal ko kayong napagbuksan ng gate,pinuntahan ko po kasi si Manang Lupe."Saad ng guard na humarang sa aking harapan. 

"It's alright Erl?anyway,sino yan?"

Ako ang tinutukoy ng binata. 

Napakamot sa batok ang guard na nagngangalang Erl.

"Pamangkin daw po ni Aleng Lupe,Sir."

Tumabi si Erl sa akin para makita ako ng boss niya.

Binaba nito ng kunti ang shades at sinilip ako.

Inirapan ko siya. 

"Huwag mo siyang pagbubuksan ng gate."Narinig kong wika nito.

"Po?" Si Erl na takang lumingon saglit sa akin.

"Kung gusto niyang pumasok,paakyatin mo siya ng bakud!"Dagdag ng binata.

Hanep nilakasan pa talaga para marinig ko ha!

Dinilaan ko siya.

"Seriously?" Angil niya sabay biglang baba sa sasakyan.

Napalunok ako.

Aba'y para akong si David na sinusugod ni Goliath ah!

Napagtanto kong ang tangkad pala niya at mukhang hanggang baba niya lang ako. Aba'y kung dadaganan ako nito tiyak madidislocate ang mga buto ko.

Hinubad niya ang suot na shades ng makalapit siya sa akin.Bahagya siyang yumuko para maglibel ang mukha naming dalawa. 

Napaatras ako,ang lapit kasi ng mukha niya at nakaka-nakakatanga ang mga mata niya at ang pulang labi niya.

Sa lapit ng mukha niya pati hininga niya naaamoy ko. Sinuyod ko ng tingin ang mukha niya. 

Wala siyang pores,at literal na kutis palang ulam na!

Ngumiti siya.

Napalunok ako.

"Hmm.."

"Bakit!?" bwelta ko naman.

Natigilan siya saglit. Aba'y kahit maliit ako hindi ko siya aatrasan.

"Tss!curly dwarf!" aniya saka bigla nalang akong tinalikuran at sumakay sa kotse.

Binusinahan niya pa ako ulit, bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan.

"Curly Dwarf?!tinawag niya kong kulot na duwende?!abay!hoy?!bumalik ka dito!kapre!"



KIMVIN COUPLE

KIMVIN COUPLE

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें