S2-23

189 22 10
                                    

#Bisto

Kim

Pumasok ang isang tauhan ni Clark na may dalang isang tray ng pagkain,na siyang pagsasaluhan naming dalawa ni Doc.

Masarap ang pagkain ngunit bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa sibuyas,ayaw itong tanggapin ng pang amoy ko.

Akmang maduduwal ako ng hawakan ako sa kanang bisig ni Doc,sabay iling.

Nakatingin kasi sa amin ngayon ang dalawang tauhan ni Clark at baka magkaroon pa sila ng hint ng pagbubuntis ko kung hindi ko pipigilan ang sarili.Mapahamak pa kami ng anak ko.

"Kumain ka."Utos ng isang tauhan ni Clark sabay tulak ng pinggan sa aking harapan.

Ang silid namin ni Doc ay may sariling maliit na mesa at dalawang upuan kung saan kami pwedeng makakain.May magkahiwalay din na dalawang kama,sinadya iyon ni Clark ng sa gayun ay bente kwatro oras akong mababantayan ni Doc.

Alam ni Clark ang sakit ko,at dahil may silbi ako sa kanya,siya na mismo ang nag-isip na hindi ilayo sa akin ang doktor.

Espesyalista si Doc Vince at alam kong malaki ang tiwala ni Clark na mapapagaling ako nito.

Pinilit ko ang sariling lunukin ang pagkaing inihain sa amin,ngunit pagkalabas naman ng mga tauhan ni Clark ay takbo agad ako sa banyo para sumuka.

Naghilamos ako pagkatapos kong mailabas lahat ng laman ng sikmura ko.

Hindi maaari 'to.

Inilapat ko ang kaliwang kamay sa sink at pinagmasdan ang sarili,sabay hawak sa aking sikmura.

"Baby..makinig ka,kailangan mong makisama ngayon,kailangan mong makinig kay Mommy para makaligtas tayo dito.Okay?"

Kinakausap ko ang anak ko,nagbabakasakaling maramdaman niyang kailangan ko ang kooperasyon niya para sa kaligtasan naming dalawa.

Pagkalabas ko ng banyo ay may mga naghihintay ng mga medical staff sa loob ng silid.Alam kong bayad sila at pinagbabantaan ang mga buhay kaya napapayag ang mga itong tumulong sa pag gamot sa akin.

Tinanguan ako ni Doc Vince,telling me na kailangan kong makisama.

May mga ginawang check sa akin ng makalapit ako at makaupo sa kama.Pinid ang aking labi habang sinasagawa ng mga ito ang kanilang mga trabaho. Last call pa rin si Doc Vince,kaya sumusunod lang sa kanya ang mga ito.

Natapos ang isinagawang check up sa akin.Makalipas ang ilang minuto ay pumasok  si Clark na halatang galit dahil sa pag iigting ng mga panga at nakakuyom na mga kamao.

"Sa tingin niyo ba?maiisahan niyo ako?!"animo'y dumagundong sa loob ng apat na sulok na silid ang boses niya.

Nanlamig ako,habang bumalatay naman ang takot sa mukha ni Doc Vince.

Naglakad palapit sa amin si Clark at bago pa man ako nakapag reak ay marahas na niyang kinuwelyuhan si Doc Vince.

Tumayo na rin ako para sumaklolo.Ngunit umiling si Doc Vince,kaya napaatras ako.Alam kong hindi ako pwedeng basta nalang sumugod at tumulong dahil sa kalagayan ko.

Bumalya sa sahig si Doc Vince ng bitawan siya ni Clark at sapakin sa mukha.

Dinaluhong ko ang doctor.

"Ano ba Clark?ano na naman bang kasalanan namin sayo?!"

Napatayo ako ng hablutin ako ni Clark sa kaliwang braso.

"Alam mo bang ayokong tinatraydor ako?ha?!"nanlilisik na ang kanyang mga mata.

Lukot na rin ang mukha ko sa sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Ano ba!bitawan mo ako!"

"Akala mo ba hindi ko malalaman ha?!"

"Ano bang ibig mong sabihin?!"

Pinasadahan niya ako ng tingin,at halos mapigil ko ang paghinga ng huminto ang mga titig niya sa aking sikmura.

Jusko!alam na ba niya?mamamatay na ba kami ng anak ko?

Nagtaas baba na ang dibdib ko kasabay ng pangingilid ng mga luha ko.

Tumingin siya sa aking mukha.

"Huwag na huwag kang maglilihim sa akin Kim..kung ayaw mong maubos ang tuwa ko sayo at mapatay kita.Naiintindihan mo?ha?!"

Kinakabahan akong tumango.

"Akala mo ba hindi ko malalaman ang plano niyo ng doktor na yan?ha?ginawa niyo pa akong bobo!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking kaliwang pisngi kaya putok ang labi kong bumalya sa sahig.

Lumapit sa akin si Doc Vince,sabay salo ng tadyak ni Clark na para sana sa akin.

"Tama na please!please!"nagsusumao kong sabi.

Tumigil naman si Clark pero nakakatakot pa rin ang tingin nito sa amin.

May dinukot siya sa bulsa,isang nakalamukos na papel na tinapon niya sa aming harapan.

"Sa susunod huwag na huwag niyong uubusin ang pasensya ko!kung ayaw niyong ilibing ko kayo ng buhay!"Bulyaw niya sabay sipa sa sikmura ni Vince.

"Huwag na huwag niyo akong susubukan!"

Dumura pa siya bago kami tinalikuran at pinagbagsakan ng pinto.

Inalalayan kong makatayo si Doc Vince para mailipat sa kama.Bumuka ang naghihilom na sanang sugat nito sa noo at alam ko ring mangingitim na naman sa pasa ang katawan nito dahil sa mga sipa at tadyak ng demonyong si Clark.

"Doc..alam na ba ni Clark na buntis ako?"naiiyak kong sabi.

Umiling si Vince at hindi ko alam kung makakatulong ba yun na mabura ang pag-aalala ko.

"Hindi niya alam..ka-kaya siya nagalit dahil may isinulat ako sa papel na palihim kong inilagay sa bulsa ng nurse na lalaki kanina,sa kasamaang palad nabisto tayo,malamang kinapkapan pa ang nurse na yun bago nakalabas sa bahay nato."

Bumagsak ang aking mga balikat.Kung ganun ay gumagawa na pala ng paraan si Vince para makahingi ng saklolo. Unfortunately,matalino si Clark,at hindi ito basta-bastang nauuto.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Vince.

"Huwag mo ng uulitin yun,ayokong mapahamak ka pa lalo dahil kailangan ka namin ng anak ko."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Vince,sabay tango.

'Ate Jack,sana buhay ka pa,tulungan mo ako ate..please..kailangan na kailangan kita..'

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now