S2-16

126 25 10
                                    

#Meds

Kim

Nakarating na kami ng Kathmandu,Nepal. Hilong-hilo na ako at kanina pa sumasakit ang sikmura ko na napansin naman ni Kuya Si. 

"Are you okay,Kim?"

Tumango ako kahit ang totoo ay umiikot na ang paligid ko.

Inalalayan akong makaupo ni Kuya sa isang coffee shop sa loob ng airport.

"Kimmy,let's go directly to the hospital.."

Kuya Si is really worried,pero ayokong pumunta ng ospital.

"Hindi Kuya,okay lang ako."

"But you're pale!"

"Okay lang talaga ako Kuya."giit ko.

"Alright,ganito nalang,de-derecho na tayo sa hotel okay?para makapagpahinga ka na.Can you stand?"

"O-oo Kuya."Sagot ko,kahit ang totoo ay hinang-hina na ang mga binti ko.

Inalalayan ako ni Kuya Si,hanggang palabas ng airport.Pumara din agad siya ng taxi para maihatid kami sa hotel namin.

Derecho kamo ni Kuya sa Hyatt Regency Kathmandu Hotel,doon kasi siya nakabook at malapit lang din sa airport.Hindi ko na kayang bumiyahe pa ng malayo dahil sa sama na ng pakiramdam ko.

After na makausap ni Kuya Si ang receptionist ay agad na rin kaming sumakay si Kuya ng elevator patungo sa 10th floor kung saan naroon ang mga rooms naming dalawa.

Nakaalalay pa rin si Kuya Simon sa akin hanggang sa makarating kami sa silid ko.Magkahiwalay ngunit magkatabi naman ang unit namin ni Kuya kaya hindi na ako masyadong nag-alala.

"Kim?you sure kaya mo?"He asked.

"Oo Kuya."Sagot ko.

Binuksan ni Kuya ang unit ko at inalalayan niya akong maupo sa malambot na puting sofa,pagkatapos nun ay nagpaalam na rin siyang pupunta sa unit niya dahil may virtual meeting pa siya ng kliyente niya.

Naiwan ako sa silid ko,ni hindi ko maappreciate ang disenyo ng unit ko dahil sa hilo ko.

Sumalampak ako sa sahig at kinuha ang bag ko,naghalughog ako doon ngunit talagang hindi ko makita ang hinahanap ko.Kaya wala akong choice but to get my phone and contact  doctor Arevalo in the Philippines thru Whatsapp.

"Ye-yes I-I forgot to bring my meds. Doc,that is why I am asking you kung may kilala ka bang doctor here in Nepal to check on me,since nakapagtrabaho ka naman dito noon."I weakly said.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko kaya bago pa man ako masuka sa sahig ay mabilis na akong tumayo at pinilit ang sariling makatakbo patungo ng banyo.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now