#Soyo
Kim
Saan na kaya nagpunta yun?hay nako naman kasi Kim!hindi ka nag-iingat! E paano naman ako mag–iingat?bakit?mahuhulaan ko ba na trip pala akong halikan ng bestfriend ko? ang alam ko, isa lang naman ang dapat ika guilty ko at yun ay ang matulala ako sa abs ni Luke at wala ng iba.
Nakalabas na ako ng gate pero hindi ko pa rin tanaw kung nasaan si Vinny.
"Hoy!mukha kang giraffe jan?!"
Sinamaan ko ng tingin ang bigla nalang sumulpot sa aking tabi na si Isaac.
"Ay alam ko, hinahanap mo yung tisoy at richkid na boyfriend mo nuh?"
"Tss!nakita mo ba siya?"
Sumandal siya sa gate at pinagkrus ang braso.
"Oo, ayun nagtutulak."
Kumunot ang aking noo.
"Nagtutulak?"
"Nagtutulak ng sasakyan,nabaon kasi sa putik yung gulong ng jyip ni Kapitan kaya ayun tumulong siya, nandun malapit sa court." Anito.
"Ba't ka nandito?bakit di ka tumulong?"angil ko.
Nagkibit balikat siya.
"Aalis ako e, pupunta ako ng Samar, dumaan lang ako dito para magpaalam sayo."
"Tss!bakit ka naman magpapaalam sa akin?!"
"Baka mamiss mo ang kapogian ko." Aniya sabay kindat.
Naningkit ang mga mata ko.
"Pwede ba?tumigil ka na!may boyfriend na ako okay!"
"Alam ko, hindi mo pa naman asawa yun e!"
"Bahala ka sa buhay mo!" asik ko saka siya nilayasan.
Nagtungo ako sa covered court at hindi nga nagsisinungaling ang gunggong, dahil nakikita ko na ngayon si Vinny na nakasuot na ng red shirt at tumutulong sa mga kalalakihang nagtutulak ng jyip ni Kapitan.
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kung saan na naman siya pumunta. Ang totoo natakot ako baka umuwi na siya ng Ilocos at iwan ako, nako talagang iiyak ako ng todo!
Nakapameywang at nakangiwi ako habang pinapanood si Vinny na mukhang tuwang-tuwa pa sa ginagawa kahit tumatalsik na ang putik sa damit niya.
YOU ARE READING
Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)
RandomA story of love and forgiveness. Dropout!spoiled brat! bobo!yan ang malimit na itawag kay Kimberly, kaya lumayas siya sa kanila para makalayo sa panghuhusga ng mga tao. Nakilala niya ang isang anak ng politikong wala ng ginawa kundi inisin siya, per...