Book 2-Season 2

233 28 20
                                    

#WelcomeBack
5 years later.....

Kim

"Where do you wanna go first?"Vinny asked.

Kababalik lang namin galing ng Australia.

Lumingon ako sa kanya.

"Gusto kong dalawin si Ate."Sabi ko.

"Alright.."He kissed my temple.

Lulan kami ng phil.airlines flight patungong Laoag.

Nakatingin na naman ako sa labas ng bintana.

"Okay kalang baby?"tanong na naman ni Vinny.

Lumingon ako ulit sa kanya.Nanunubig ang aking mga mata.

"Naalala ko lang si Ate,sana kung hindi siya bumalik sa.....sa...."

Bumagsak na ang mga luha ko.

Niyakap ako kaagad ni Vinny.

"Sshh..tahan na..alam mo,huwag mong sisihin ang sarili mo.Eto na nga ang sinasabi ko e,kaya ayokong umuuwi tayo ng Pilipinas kasi nagkakaganito ka.Nalulungkot ka."

Pinahid niya ang aking mga luha.

"Okay lang naman ako e.."Parang bata akong lumabi.

"Okay ba yan?kahit cute kang umiyak,ayoko pa ring umiiyak ka."

I sniffed and wiped my tears.

"Tahan na,okay?are you hungry?gusto mo bang kumain muna tayo?pagdating natin dun?"

Umiling ako.

"Gusto ko ng dalawin si Ate.Si...si Kuya Simon pala kumusta?"

"Hmm..I am not really sure how is he now,kasi palagi namin siyang hindi nakakausap,mukhang papatayin niya na nga ang sarili niya sa pagtatrabaho, at alam mo kung ano dahilan nun.."

Malungkot akong tumango.

"Anyway,do you remember the property na binili niya for Ate Jack?"

Tumango ako.

"Well his secretary told me na nandun daw palagi si Kuya,at pinapaayos na naman yung bungalow na pinagawa nya para sa ate mo,he is still waiting Kim at nag-aalala na kami sa kanya,kasi wala na siyang hihintayin e.Wala na."

Kinagat ko ang labi.Ramdam ko ang bigat ng kalooban ni Vinny kaya naluha na naman ako.Naaawa ako kay Kuya Simon.Ilang taon na ba mula ng mawala si Ate Jack?limang taon na,pero hanggang ngayon hindi pa rin nakakapag move on si Kuya.

Humilig ako sa dibdib ni Vinny at tahimik na umiyak,siya naman ay panay hagod sa aking kanang braso para patahanin ako.

Makalipas ang isang oras at kalahating minuto sa ere ay nakalapag na ang eroplano namin sa Laoag International airport.

Sinundo kami ng driver ni Vinny at dinala kami sa Laoag floral garden cemetery kung saan nakalibing si Papa,si Mama at si Ate Jack.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now