8

440 49 22
                                    

#Babe


Vinny

Hindi natuloy ang pustahan namin ng may dumating na mga pulis at isa-isang hinuli ang mga kaalitan namin ni Kim.

Langya! Nakaw pala yung mga daladala nilang skateboard sa isang shop dito sa Batac.

Nakahinga ako ng maluwag.

Marunong naman akong mag skate, ang ayaw ko lang ay ang pustahan nila.

May kakain ng putik tapos may pamigay pa ng pera. Kalokohan!

Humalukipkip si Kim at nanunuya pang kinawayan ang mga kaaway naming nakaupo na ngayon sa loob ng mobile patrol car ng police.

Habang nakatuon ang mga mata ni Kim sa mga lalaki ay nakita ko naman ang papalapit na binatang police sa aming dalawa. 

Nakangiti siyang tumingin kay Kim na nakatingin pa rin sa mga lalaking hinuli ng mga police, aliw na aliw itong nakikitang iniinis ni Kim ang mga lalaki.

Nakangiti siyang tumingin kay Kim na nakatingin pa rin sa mga lalaking hinuli ng mga police, aliw na aliw itong nakikitang iniinis ni Kim ang mga lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinasadahan ko siya ng tingin.

Matangkad din siya kagaya ko, singkit ang mga mata, maputi at fine!gwapo!pero mas cute at charismatic ako!tss!

I cleared my throat saka pasimpleng inakbayan si Kim.

Bumagsak ang mga mata ng police sa kamay kong nakapatong sa kanang balikat ni Kim.

Ano ka ngayon?!

"May problema ba Sir?"

Hindi ako pinansin ng police.

"Brad!"aniya.

Tumingin si Kim sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha ni Kim, nagulat, excited, halohalo na!

Tss!

"Brad?!hoy!!"

Nag fistbump ang dalawa.

Ngumiti si Brad Whatever!

Nanliit ang mga mata ko.

"Bakit ka nandito?dito ka na ba nakatira?"tanong ng police.

"Hindi!nagbakasyon lang ako dito,sumibat ako sa amin e, alam mo na,"ani Kim.

Lumapit pa ng kunti ang police kay Kim at kinuha ang maliit na dahong sumabit sa buhok ng Kim ko. 

Aba!no-touch Brad!

"May dahon." Aniya sabay pakita kay Kim.

Nasapo ni Kim ang ulo.

"Ay ..heheh,salamat." ani Kim, nagpacute pa!

Napipikon na ako sa panay ngitian nilang dalawa.

Sumulyap sa akin ang police na para bang hinihintay niyang ipakilala ako ni Kim sa kanya.

Sa wakas na gets din ng dwarf!kainis!

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now