39

350 44 18
                                    

#Halik


Kim


Naiiyak ako habang nakatingin kay Vinny.

Wala namang iba pang pwedeng isagot sa tanong niya kundi.....

"Kelan?"tanong ko.

"Huh?" bakas ang pagkalito sa kanyang reaksyon.

"Ibig kong sabihin kelan tayo magpapakasal?" nakangiti kong sagot.

"Really?you mean? pumapayag ka?"

Ang saya-saya ng mukha niya.

Tumango ako.

"Bakit hindi? so kelan ako magiging Mrs. Marcos?"

Nanliit ang mga mata niya sa pagkakangiti. "Pwedeng payakap muna?"aniya. 

Lumapad ang aking ngiti.

"Oo naman, tumayo ka na! baka may makakita pa sayo, mapagkamalan pa akong lider ng kulto isipin pa nilang sinasamba mo ang kagandahan ko." Biro ko.

"Conceited!" reak niya niya sabay tayo at yakap sa akin ng mahigpit.

Saktong higpit na naaamoy ko ang kanyang pabango at maramdaman ko ang kanyang purong pagmamahal sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata saka ngumiti.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong sitwasyon bago siya kumalas sa akin.

Yumuko siya at ako naman ay bahagyang tumingala para magsalubong ang aming mga titig.

"Pwede ba kitang halikan dito?"Aniya, nakayapos na ang mga kamay niya sa beywang ko. 

Ngumiti ako at tumango.

Dahandahan niyang tinawid ang pagitan ng labi namin ng bigla nalang akong mapaigtad dulot ng pagtunog ng kampana sa simbahang katolika sa may di kalayuan.

Namumula ang mga pisngi kong bahagyang itinulak si Vinny.

"Uwi nalang tayo nangalay ang leeg ko kakatingala sayo eh!"

He smiled, saka inakbayan ako.

"Tara na nga!baka dun sa bahay pwede na unlimited na halik, pumatong ka lang sa upuan para magpantay yung height natin" Aniyang nakangisi.

"Wow ha?!"angil ko."O baka magsawa ka kaagad sa akin?" dagdag ko pa. 

Nilingon niya ako at sinilip ang aking mukha.

"Mukhang hindi naman, sa cute mong yan, baka kahit kumulubot ka na panggigigilan pa rin kita."

Kinilig ako sa sinabi niya.

"Chariz!galawang Marcos ah!"nakangiting angil ko. 

"Oi kinikilig.."

Mahina ko siyang siniko sa sikmura.

"Oi Inlab!" tukso ko naman sa kanya.

Panakaw niya akong hinalikan sa pisngi.

"Hoy ano ba!nasa daan tayo, andami pa namang Marites dito." Angil ko.

"Marites?"

Base sa reaksyon niya, mukhang wala siyang alam sa Mare ano ang latest!

Ngingiti-ngiti akong umiling at binilisan  ang paglalakad.

Naiwanan ko siya lalo na ng tumakbo ako pauwi sa bahay ni T'yang. 

Naabutan niya ako sa gate, napatili ako ng yakapin niya ako sa likuran at kinarga hanggang sa paanan ng pinto. 

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now