4

468 54 14
                                    

#BabyBunny&Dwarf


Kim

He smirked sabay lapit kay T'yang Lupe. 

"Manang, I need help." aniyang sinulyapan ako. 

Tss!kinukutuban na ako ng masama!

"Oo naman Sir, ano kailangan niyo?"sagot ni T'yang Lupe. 

"Kailangan ko ng tutulong sa aking maghanap ng libro."

Nanliit na ang mga mata ko. 

"Aba'y sige Sir, O Kim, samahan mo si Sir."

"Po?bakit ako?"

Pinagtaasan ako ng kilay ni T'yang. 

"Bakit hindi?!" si T'yang. 

Nakaangat na ang gilid ng labi kong sinamaan ng tingin si Vinny. 

Hay!nananadya talaga!

"Tulungan mo na, amo mo rin yan."Giit ni T'yang. 

"Oo nga, tulungan mo na Kim,"nakangiting sabi naman ni Isabel, na nanunukso pa ang tingin sa aming dalawa ni Vincent. 

Isa din 'to e si Isabel, mukhang enjoy na enjoy din e!

"Let's go!" ani Vincent. 

Lumapit sa akin si T'yang at hinila ako. 

"Sundan mo na!" 

"Ay baby bunny!"utas ko. Tinulak lang naman kasi ako ni T'yang, sa lakas ay nasubsob ako sa likuran ni Vinny. 

Huminto siya at nanliliit ang mga matang humarap sa akin. 

Pinandilatan ko siya ng mata. 

"Huh!"angil niya sabay alis. 

Kumikibot ang bibig kong nilingon si T'yang at si Isabel na ngingiti lang at mukhang nag eenjoy pa sa aming dalawa ni Vinny. 

Sinundan ko si Vinny hanggang sa 2nd floor at dumiretso sa lumang library. 

Pagkapasok ko ay nakasandal na siya sa mesang nasa gilid. Arms crossed at nakaarko pa ang isang kilay. 

Bumuntong hininga ako. 

Hindi ko siya papatulan, dahil unang-una, ayokong magkaroon ng highblood dahil nasa genes namin yun, at ayokong mamatay ng maaga dahil lang sa lokong 'to. 

"Hanapin mo  na," aniya. 

"Ha?anong hahanapin ko?"

"Yung pinapahanap kong libro..tss!"

Sandali ha?naguluhan ako ng slight!

"Anong libro?"ulit ko. 

"Hmm, Noli Me Tangere." 

"Ha?"

Nagkibit balikat siya. 

"I feel like reading Jose Rizal stories now, so hanapin mo na."

I glared at him, ngunit walang nagawa kundi ang nanggigigil na nag umpisang maghanap sa gilid kung saan naroon ang bookshelves. 

Hanep, sa liit ng mga nakasulat na title pakiramdam ko mahihilo ako. Hindi ako nagbabasa ng libro! sinubukan ko naman pero hanggang title lang ako, inaantok na ako. 

Kainis!

"May sinasabi ka?"

Lumingon ako at sinamaan ko siya ng tingin. 

Mula sa pagkakayuko ay tumayo ako at tumingkayad para mabasa pa ang mga librong nasa pangatlong estante. 

Narinig ko siyang tumawa, ngunit ng lingunin ko siya ay patay mali siyang tumingala sa kisame. 

Mahulogan ka sana ng butiki!

Nagdilang-anghel ako!Evil laugh**

"Oh shit!what's that?!" 

Hup**

Natuod ako. 

Paano ba naman kasi ay napayakap siya sa akin sa sobrang takot. 

Bilis niyang nakalapit sa akin ah!The Flash?!

Umubo ako kaya mabilis siyang lumayo sa akin. 

Nagkamot siya ng ulo at dahil maputi siya, ayun kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. 

Ngumiwi ako, saka ngumiti. 

Nagsalubong ang kilay niya. 

"What?"

Nameywang ako,"crush mo ako nuh?"I clicked my tongue at iminuwestra ang daliri sa kanyang harapan. 

"What?!!!"

Lumapad ang ngiti ko. 

"Sige lang!okay lang, crush lang naman.."sabi ko saka ngingiti-ngiting humarap sa mga libro. 

Nang biglang.... 

Hinawakan niya ako sa pulsohan, pinihit paharap sa kanya at idinikit sa mga librong nasa aking likuran. 

Namilog ang mga mata ko, paano ba namin kasi e isang dangkal nalang ang layo ng mga katawan namin. 

Sher?geene ke close?Sarah G. 

Hawak niya pa rin ang kanang palapulsohan ko at nakatunghay na ngayon sa akin. 

Nakatitig siya sa aking mga mata. 

Napalunok ako, at panay kurap ng mga mata kong nilalabanan ang mga titig niya. 

He smirked. 

"Alam mo bang...pag nagkakacrush ako noon,hinahalikan ko agad?"he said in a low tone. 

Nakagat ko ang labi, nagpapanic na ako!bcahcclcqfqhdqfowcwcmwp!!!!

Dahan-dahan niyang tinawid ang pagitan ng mga labi namin, at -------

Namilog na ang mga mata ko dahil.....




Lord God!




TALAGANG NAGLANDING ANG LABI NIYA SA LABI KO!

Lapat lang naman, hindi naman gumalaw ang labi niya pero ang mga cells ko sa katawan nag tamblingan na. 

Panay kurap ng namimilog kong mga mata at panay lunok ko ng ilayo niya ang labi sa akin. 

"Tease me again and I'll kiss you Dwarf!" aniya saka nakangisi akong iniwan. 

Nahimasmasan ako at napahawak sa labi ko. 

"Leche!!ang iniingatan kong firstkiss naging bangungot!!!!!!!!!Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!baby bunny!!este shit! Vinny!!!!"






Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now