2

514 50 13
                                    

#BagongBahayBagongBuhay


Kim

"Tiyang!!"

"Kim!"

Niyakap ko si Tiyang at hinalikan ng paulit ulit sa pisngi.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagkamot ako sa batok.

"Lumayas ako Tiyang!"

"Ano?at bakit?"

"Eh gusto akong ipakasal ni Tatay sa anak ni Kapitan e!"

"Ha?e bakit daw?"

"E,para magkaroon daw ako ng silbi."

"Ha?"

Inakbayan ko si Tiyang.

"Tiyang alam mo naman drama ni Itay, kesyo dropout ako, bobo at talagang kulelat sa mga anak niya, kaso namana ko yung ganda ni Nanay, kaya ayun, kung wala naman akong maibibigay na karangalan kay Itay sa larangan ng academics,mas mabuti pa rawng ikasal ako sa anak ni Kapitan. "

"Ganun?o e bakit ayaw mo magpakasal?"

Nakangiwi akong umiling.

"Chararat kasi Tiyang."

"Huh?anong chararat?"

Nagkamot na naman ako sa ulo.

"Pangit Aleng Lupe!" Sabat ng tol ano ang latest na guard,in short, pinsan ni Marites,c Tolitz!alam niyo na yun!

"Hay naku, halika na nga.. asan mga gamit mo?"

"Wala Tiyang, eto lang packbag ko dala ko!lumayas nga ako di ba?alangan naman dalhin ko yung isang baul kong damit, paano ako makakatakbo pag nagkataon?"

Ginulo ni Tiyang ang buhok.

"Loko ka talaga!halika ka na nga!"

"Hehe!shoot!"

Nakangiti si Tiyang, habang nakaakbay ako sa kanya.

Nakarating kami sa bahay sa likod ng mansion.

"Wow!solid!may sarili pala talaga kayong bahay dito Tiyang?"

Tumango si Tiyang ng makapasok kami sa sala.

"Kumain ka na?"

"Oo Tiyang,"sagot kong nakahawak sa nagwewelgang sikmura.

"Sigurado ka?"

Nahihiya akong umiling.

"Sabi ko na nga ba!siya halika,may natitira pang fried chicken dito.."

Napakamot ako sa ulo.

"Tiyang allergic po ako sa manok,kumikinis po lalo ang balat ko.."

Kabaliktaran iyon, maniwala kayo, natutubuan ako ng kabute sa katawan pag kumakain ako ng manok.

"Aba'y ano uulamin mo?"

Lumapit ako sa bilog na mesa.

"Kape Tiyang,isasahug ko sa kanin, solid na yun!"

"Aba'y ikaw ang bahala, pero teka, saglit ,hatid muna kita sa silid mo."

"Naks!may sariling room ako!totyal!"

Nakangiting napapailing si Tiyang sa akin.

Pumasok kami sa isang bakanteng silid.

"Oh dito ka matutulog, dating silid ito ni Isabel at ni Sabel, kasu lumipat na sila sa Laoag ng maging attorney si Mam Isabel,kaya sana ikaw magsipag ka rin ng sa ganun e matulad ka kay Isabel, aba'y naging tagalinis din yun dito dati,pero dahil matalino at masipag ayun nakatapos ng pag-aaral.Feeling ko mga tatlong taon agwat niyo nun."

Tumango lang ako, sa ganda ng pagkakadescribe ni Manang Lupe kay Isabel, gusto ko na tuloy itong mamet in person. Baka mahawaan ako ng katalinuhan, maging beauty queen pa ako. Hehe!

"O siya baba muna packbag mo diyan at kumain ka na, mamaya,ipapaalam ko kay Mam Imelda na pansamantala ka munang maninirahan dito,"

Hinalikan ko si Tiyang sa pisngi.

"Bait mo Tiyang, sana kunin ka na ni Lord,"

Kinurot niya ako sa tagiliran.

"Siraulong batang to ah!"

"Peace yow!"

Pinagtimpla na ako ng kape ni Tiyang, na agad ko namang sinahug sa kanin at kinamay.

"O maiwan na muna kita ha?"

Papalabas na si Tiyang ng tawagin ko siya.

"Chang,chandele! "

May kanin ako sa bibig huwag kayong ano!

"Ano?"

"Aahh.. wa-wala Tiyang!sige na larga na po kayo!" Sabi ko.

Iiling-iling itong tuluyang lumabas ng bahay.

Itatanong ko lang naman sana kung sino yung matangkad na lalaki kanina. Baka kasi dito yun nakatira, aba'y patay ako.

Kakalipat ko palang may kaaway na agad ako. Tsk3 tsk3 tsk3.

May balat ba ako sa puwit?sinusundan kasi ako ng kamalasan e! Hmm! Check ko nga mamaya kung meron nga!haha!

'Gagi!' Nakangiting kastigo ko sa sarili.

Wew,Bagong Bahay, Bagong buhay!

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now