37

348 38 29
                                    

#GwapongMagugulo


Kim

"Baby!"

"Huh?"

"Baby!"

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Luke at lumingon.

Pakiramdam ko ay nalaglag ang panga ko ng makita si Vinny.

May hawak siyang maleta at kunot noong nakatingin sa aming dalawa ni Luke.

Pinasadahan ko siya ng tingin.Ang gwapo ni Vinny sa white button down long sleeve polo paired with navyblue jeans. Yung tipong ang linis at ang bango niyang tingnan,idagdag pa ang medyo mahaba niyang buhok na inililipad ng hangin.

So charismatic!

He spread his arms at ang kaninang nakapinid na labi ay napalitan ng charming niyang ngiti.

Pinahid ko ang mga luha sabay tayo at takbo patungo dito.

Para akong batang nagsusumbong habang yakapyakap niya.

He let go of me, bahagyang yumuko at hinawakan ang aking pisngi.

"Sshhh.. hush baby....hm?"

Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo at niyakap ulit ng mahigpit.

"Vinny."Boses iyon ni Luke.

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Vinny at inakbayan ako.

Pareho na kaming nakaharap kay Luke.

Inilahad ni Vinny ang kamay sa bestfriend ko. Nagdaop palad silang dalawa.

"What are you doing here?"tanong ni Vinny in a casual tone.

"Pinapunta ako ni Ate Jack, para bantayan si Kim." Tumingin sa akin si Luke bago ibinalik ang atensyon kay Vinny.

Bumuntong hininga si Vinny saka tumingin sa akin.

"Buti naman at may nagbabantay sayo dito."

Sincere naman si Vinny at mukhang hindi naman nagalit sa naabutan niya kanina.

Hindi nga ba?hmm.

Nangingilid ang mga luha kong bahagyang tumingala para salubungin ang kanyang mga mata.

Grabe,namiss ko siya sobra!

"Hindi ka galit?"tanong ko.

Umiling siya.

"Bakit naman ako magagalit? I trust Luke!he is your bestfriend after all."

Niyapos ko ang mga kamay sa beywang ni Vinny.

Hinalikan niya ako ulit sa noo.

"Kim?!kakain na!"

Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Tyang Mel na may daladala pang sandok.

"Kain na tayo?" Sabi ko sa kanilang dalawa.

Sabay pa silang tumango.

Nakasunod sa amin si Luke. Tahimik lang siya at halatang nakikiramdam sa aming dalawa ni Vinny.

Pagdating sa bahay ay agad nagmano si Vinny. Si Luke naman ay kinawayan lang si Tyang Mel.

"O hali na kayo at kakain na tayo."

Inaya kami ni Tyang Mel sa hapagkainan. Katabi ko na ngayon si Vinny.Sitting across us ay si Luke at sa kanan ko at dulong bahagi naman ng kwadradong mesa nakaupo si Tyang Mel.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now