43

393 44 4
                                    


A

/N: REVIEW THE LAST SCENE ON C42 PARA MASUNDAN ANG KWENTO.
Kung nabasa niyo ang book 3 C22, mas maigi.

--00--
#SadReality

Samantala.....

Kim

'Bakit ako nandito?bakit nasa bahay ako?sa pagkakaalala ko nasa Leyte ako ah!'

Ipinilig ko ang ulo. 

'Nananaginip ba ako?'

Pinasadahan ko ang sarili. 

Suot ko ang uniform ko ng 2nd year college ako,at may nakasukbit na canon camera sa aking leeg. 

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko si Mama na naghahalo ng niluluto sa kusina. 

'Hindi, wala na si Mama, teka!' sapo ko na ang ulo ko. 

'Hoy!pasok ka na at magbihis ka na!' 

Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Papa sa aking likuran. 

Dumaan siya sa gilid ko at pumasok ng bahay. Ibinaba niya ang isang container na tubig sa gilid ng sink at humarap sa akin.

"Kim?!ano na?tutunganga ka lang ba diyan?"tanong ni Papa, nakasandal na siya sa gilid ng sink, ilang pagitan lang ang layo sa naglulutong si Mama. 

Kinuha ni Papa ang sigarilyo na nakaipit sa taas ng kanang tenga nito at inipit iyon sa bibig. 

Lumingon sa akin si Mama at nakangiting sinenyasan akong lumapit sa kanya. 

Pakiramdam ko ay titiklop ang puso ko sa magkahalong pananabik, tuwa, at lungkot dahil alam ko, alam kong panaginip lang ito. 

Bumilis ang hakbang ko at ng makalapit kay Mama ay umiiyak akong niyakap siya ng mahigpit. 

Hinagod ni Mama ang aking likuran at hinalikan ang aking ulo. Pagkatapos nun ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha. 

Ngumiti si Mama, yung ngiting namimiss ko ng makita, yung ngiting nagpapakalma sa akin. 

"Okay ka lang Kim? bakit ka umiiyak anak?"tanong ni Papa. Nakatayo na siya ngayon sa likuran ni Mama. 

Napatingin ako kay Papa at walang pagdadalawang isip na niyakap ito ng mahigpit. 

"Ay nako bata ka!ano bang nangyayari sayo!huwag kang dumikit sa akin at amoy pawis pa ako!" angal nito.

Pero hindi ako nakinig, sa halip ay mas lalong humigpit ang yakap ko kay Papa. 

Hindi ko na maalala ang huling beses na nayakap ko siya, wala din akong alaalang niyakap niya ako noon, actually mukhang namana ni Ate Jack yung ugaling ganun ni Papa, hindi nagpapayakap dahil nakokornehan silang dalawa.

Pero bakit? bakit iba yung nararamdaman ko, bakit parang sa panaginip kong ito ay tila ba parang ito na rin ang magiging huling yakap ko sa ama ko. 

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa at parang batang suminghot sa kanyang harapan. 

"O magbihis ka na?para ka namang uhuging bata, oo!" ani Papa saka iiling-iling na lumabas ng bahay at iniwan kami ni Mama.

Sinundan ko ng tingin si Papa habang papalabas ito ng pinto. 

Biglang nag-iba ang paligid, naging makulimlim at ngayon ay nakatayo na ako sa rooftop ng isang ginagawa pang gusali. Malamig ang simoy ng hangin at nakakabingi ang naghaharing katahimikan ng gabi. 

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora