5

459 47 4
                                    

#AngPusoKo


Vinny

Nagtago na ako sa kwarto ko pagkatapos kong halikan si Kim. Ewan ko ba, pakiramdam ko kanina may sapi ako at inaaya ako ng korteng puso niyang labi na halikan ko.

Ginulo ko ang buhok at nagtungo sa banyo. Dahil sa nangyari ay hindi lang pisngi ang uminit sa akin, kundi pati na rin buong katawan ko.

Nagbabad na ako sa tub, ngunit sa tuwing natutulala ako ay ang mukha ng babaeng yun ang nakikita ko. Naalala ko bawat ngiwi niya,simangot, pagtataas ng kilay at pagnguso. Kahit paniningkit ng mga bilugan niyang mga mata ay kabisadong-kabisado na ng utak ko.

"Ugh!this can't be happening!" angal ko sabay tayo at alis sa bathtub at nagbanlaw na rin.

Habang nagbibihis ay naririnig ko pang tinatawag ako ni Manang Lupe para maghapunan, pero dahil nga tinablan ako ng hiya sa mapangahas na ginawa ko kanina ay pinandigan ko nalang na hindi kumain.

Binagsak ko ang pagal na katawan sa kama, inilapat ang mga kamay sa sikmura at tumingin sa kisame.

Natatanga na naman ako,kaya nag-iba ako ng posisyon sa pagkakahiga, tumagilid, dumapa, kulang nalang mag ala spiderman ako sa kisame para matahimik na ang nagugulo kong cells sa utak.

Bumangon na ako, nakapamulsang nag paroo't parito sa kwarto ko. Bored, tama! yan ang tamang definition sa nararanasan ko ngayon. Sa Singapore kasi once bored ako ay lumalabas lang ako, nakikipagblind date o di kaya kasama ng barkada sa bar.

Kukunti lang din kasi ang bars dito sa Batac at nakakapagod ding magmaneho patungong Laoag para lang gumimik.

Wala din si Simon, at si Kuya Sandro, for sure lumabas silang dalawa ni Isabel para magdate. Wala naman silang ginawa kundi magdate, ewan ko ba dun, 4 years na sila pero wala pang balak magpakasal?ano pang hinihintay nila? End of the world?tss!

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama nang makarinig akong may kumakanta sa labas, malapit sa aking bintana.

Tumayo ako at sumilip sa bintana.

Inaninag ko pa kung sino ang kumakanta, at nakita ko nga si Kim, na nasa taas ng punong manggang kaharap lang ng bintana ko. Nakaupo siya sa sanga, kumakanta at tumutugtog ng gitara.

Nagsimula sa aking pusong humihiling
At no'ng ika'y nakita, 'di makapaniwala
At no'ng nakilala, ayaw na kitang mawala
Oh, alam mo ba, gusto kong sabihin na

Nagkubli ako sa gilid ng bintana at umupo na sa sahig habang pinapakinggan siya.

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na
Ikaw lang, sapat na

Ang sarap sa pandinig ng boses niya, medyo manipis, malamig at punong-puno ng emosyon. Sigurado,kung maririnig ito ni Simon ngayon, pareho kami ng magiging reaction.

Napapangiti ako, dahil kahit ang lyrics ng kinakanta niya ay ang cute-cute pakinggan. 

Nahinto bigla ang kanta kaya dahandahan akong tumayo at sumilip sa gilid ng bintana.

Nahuli ko si Kim na nagpapahid ng kanyang luha gamit ang manggas ng malaking tshirt.

Ewan ko ba at nakaramdam nalang ako bigla ng pagkahabag sa kanya.

Sigurado akong masayahin siya at matapang kaya nakakapagtakang nakikita ko siya ngayong umiiyak.

Nag-isip ako saglit kaya hindi ko na namalayang nakatingin na pala siya sa akin.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now