21

320 44 22
                                    

#HindiSapat


Kim


Tinaasan ako ng kilay ni Kate.

"Small world?"aniya pa.

Pumasok sila sa loob ng elevator kaya dumistansya na rin ako ng kunti.

Napapagitnaan namin ni Kate si Vinny.

Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na panay ang sulyap sa akin ni Vinny ngunit nanatili akong stiff bahala na magkastiffneck, huwag lang magsalubong ang aming mga mata.

"So?Babe?are you excited to know na the gender of our baby?"maarteng wika ni Kate, alam kong pinaparinggan niya ako.

"1 month palang yan, hindi pa natin malalaman." Matabang na sagot ni Vinny.

Palihim akong napangisi. 

Mas bobo ka pala sa akin girl!

"What are you smiling at?"

Hanep!talas ng mata ng walking filter na'to ah!

Nilingon ko siya.

"Nagdadrugs ka ba?"hindi ko mapigilang tanong.

"What are you trying to say?!"

Namulsa ako at tumingin sa harapan.

"May nakikita ka kasing hindi ko nakikita," sagot ko.

"Babe oh!"sumbong niya kay Vinny.

Hindi umimik si Vinny.

"Babe!"

"What?Kate please, pagod ako, kagagaling lang natin sa kasal at nagdemand ka agad na pumunta ng hospital. So please, stop grumbling."

"What?!!hindi mo lang ba ako ipagtatanggol sa basurang yan?!"

Anak ng!

Napasigaw si Kate ng biglang huminto ang elevator at namatay ang ilaw.

Hindi naman ganun kadilim pero ang oa lang talaga ni Kate.

Nakayakap na siya ngayon kay Vinny at parang batang umiiyak.

"I'm scared Babe..mukhang scared din si Baby natin.."

Sumulyap si Vinny sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Tss, mas nakakatakot ang nanay mo Baby.." usal ko.

"Anong sabi mo?!"asik ni Kate.

Lentek, talas talaga ng pandinig!

"Sabi ko,"suminghap ako,"haist!,tumahimik ka nalang at itigil mo yang kakaiyak mo dahil hindi naman tayo mamamatay dito!"asik ko.

"Ah ganun?!"

Bigla nalang hinila ni Kate ang buhok ko.

"Kate!let go!Kate ano ba?!"Si Vinny na panay awat kay Kate.

Ngunit talagang ayaw bumitaw ni Kate. Ang sakitsakit na ng anit ko at ng leeg ko.

Kung hindi ka lang buntis hayop ka, sinikmuraan na kita.

Bumukas na ang elevator pero hindi pa rin ako binibitawan ni Kate.

Sabunot niya pa rin  ang aking buhok at halos kaladkarin ako palabas ng elevator. 

"Kate!stop!" si Vinny na halos hablutin na sa beywang si Kate,mabitawan lang ako.

Nagkaroon ako ng pagkakataong makawala ng apakan ko ang kanang paa ni Kate.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now