49

267 38 7
                                    

#Hug

Vinny

"Are you okay?Bunny Baby?"

"Huh?"

"Tahimik ka kasi...may gumugulo ba sa isipan mo?"

I shook my head.

Hindi na ako sumagot at nagconcentrate nalang sa pagmamaneho. Hinatid ni Manong Ramil ang kotse ko kanina sa ospital kaya may nagamit kami ni Cassy. 

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa condo ni Cassy sa Makati, ihahatid ko pa sana siya sa loob but she insisted na kaya na niya,at magkikita nalang daw umano kami sa dinner mamayang gabi.

Pagkatapos akong halikan ni Cassy sa labi ay lumabas na rin siya ng sasakyan.Kinawayan niya ako,I waved back bago tuluyang umalis.

Pagdating ko sa condo ko sa  BGC ay sinalubong na agad ako ni Mom at Pops.Agad akong niyakap ng umiiyak na si Mom at sinabi sa aking patay na nga daw si Manang Lupe at si Ben.Si Isabel at si Sandro naman ay nasa ospital,pati ang mga pamangkin ko. 

Babyahe kami agad ngayon papuntang Laoag para malaman ang kalagayan ni Sandro at Isabel, isa pa,kailangan din naming dalawin ang burol ni Manang Lupe, na nagsilbi din sa amin ng ilang taon.

Tinawagan ko na si Cassy na ipagpaliban muna namin ang dinner date together with her parents, dahil mas importante ang pupuntahan namin ngayon.

Sakay ng Van ay bumiyahe na agad kami pauwing Laoag.Mahaba ang byahe dahilan para makatulog na si Mom sa tabi ni Pops at si Pops naman ay nakaidlip na rin.

Nakatanaw ako sa labas ng bintana,lumilipad ang aking isipan,naalala ko si Kim,at naisip ko kung gaano ito nasaktan sa paglisan ni Manang Lupe. Nang lumayas kasi si Kim noon sa bahay nila sa San Vicente at mapadpad sa mansyon namin sa Batac ay si Manang Lupe na ang tumayong ina nito.Kaya alam kong walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Kim...." Usal ko.

Makalipas ang halos sampong oras na byahe ay nakarating na rin kami ng Laoag. Ngunit, kailangan pa naming bumiyahe pauwi ng Batac dahil sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center naka confine ngayon si Sandro at si Isabel.

Pagkarating sa nasabing ospital ay nauna ng bumaba si Pops at si Mom, nakasunod ako sa kanila at sabay kaming sumakay ng elevator patungo sa ikatlong palapag ng ospital kung saan naroon ang silid ni Sandro at Isabel.

Pagkabukas ng elevator ay sumalubong sa amin ang nag-aabang na mga reporters. Nasilaw ako sa mga flash ng camera at halos hindi kami makadaan dahil sa siksikan,pinagkaguluhan nila kami para makakuha ng impormasyon buti nalang at lumapit na ang mga pulis para pigilan ang mga nagkakagulong media.

Tinahak namin ang mahabang pasilyo bago tuluyang nakarating at nakapasok sa loob ng silid ni Sandro at ni Isabel.

Pagkapasok ay nakita naming nakaupo si Simon sa couch na agad ding tumayo pagkakita sa amin.

Nagmano siya kay Pops at niyakap naman niya agad ang umiiyak na si Mom.

Nagising na rin si Sandro kaya sabay na kaming lumapit nina Mom sa kanya.

Inalalayan ni Pops na makaupo si Sandro na agad din namang niyakap ni Mom ng mahigpit.

"Mom.." Nanghihinang usal ni Sandro.

Kumalas si Mom sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Okay ka na ba? saan ang masakit anak?patawarin mo kami at hindi agad kami nakauwi,bumabagyo kasi nun at----"

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon