S2-19

129 22 10
                                    

#Hibang

Kim

Yes I breathe again after a long dream. Nagpakita si Ate sa akin sa panaginip,then I found out na muntik na pala akong bawian ng buhay and the doctor and nurses just revived me.

But where are they?bakit parang wala na ako sa silid ng ospital,instead I am lying in a bed with an open window on my right.

Dahandahan akong bumangon na masakit ang ulo when suddenly the door open. 

Naguluhan at may halong pagtataka ang reaksyon ko ng makita ang lalaking pumasok ng silid.

"Good morning,Mrs.Kim Marasigan Marcos."bati nito sa akin.

"What--what are you doing here?"

He grinned."Oh honey,I just wanted to give you a comfortable home."

"Gagu ka ba?anong comfortable home!at bakit ako nandito?!"

"Ssshh..relax...gusto ko lang makita ka."Sagot niya.

"I don't understand Clark..you are supposed to be in the Philippines..paano ka nakarating dito sa Nepal?"

He laughed."Nepal?we are not in Nepal Honey,we are in Cebu,my hometown."

"Ano?!"

Tengene!iikutin ko ba ang mundo para magtago,o maging hostage ng mga tarantadung tao?!

Sinamaan ko siya ng tingin.

He snapped his right fingers.

"Oh wait.someone will gonna explain to you what happen..Lorde?!ipasok niyo si Doc!"

Nagsalubong na ang aking mga kilay,at kakaiba na rin ang pagsikdo ng puso ko.

Bumukas ang pinto at ang bugbog saradong si Doc Vince Arevalo ang pumasok.Nakaluhod na siya ngayon sa sahig at nakagapos pa ang mga kamay sa likuran.

"A-anong ibig sabihin nito?!Clark?anong ginawa niyo sa kanya?!"

"Hmm..nanlaban siya,sabi ko sa kanya huwag na huwag siyang papalag habang nilalabas ka namin sa ospital sa Kathmandu,pero hindi siya nakinig!kaya dini-disiplina ko lang naman siya.Okay ba?"

Awang-awa ako kay Doc,dahil ni halos hindi na nito maidilat ang kanang mata sa sobrang pamamaga.

"Doc Arevalo,why don't you explain to her what happened in Nepal?"Nakangising saad ni Clark.

Dahandahang nag-angat ng mukha si Doc Vince.

"You were unconscious ng bumiyahe tayo pabalik dito sa Pilipinas Kim,pi-pinatulog kita gamit ang isang gamot,para madala ka pabalik dito,Clark threatened me,at wala akong magawa kundi ang sumunod sa lahat ng ipag-uutos niya."paliwanag ni Doc.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Clark.

"Ano?hindi ko maintindihan Clark?!bakit mo ba 'to ginagawa ha?!"

"Hmm..kasi..kailangan ko ng bagong inspirasyon sa obrang gagawin ko.At gusto ko ikaw yun..ikaw ang iguguhit ko,your innocence is what I am looking for."

"Ano?!sinundan mo ba ako sa Ilocos hanggang Kathmandu?ha?paano mo nagawa yun?!"

"Simple,mayaman kami,I can buy you if I want too,ships?plane?we have it,kaya hindi imposibleng masundan kita kahit sa ibang planeta ka pa pumunta!"

"You can just talk to me,papayag naman ako kung gagawin mo lang naman akong subject sa painting mo!"

"Then where's the thrill?sa tingin mo ba,papayag ang asawa mo?"

"Jezz!wala na kami!"

"He is still into you,maramot pa naman ako,I want you all for me."

"Alam mo baliw ka na!at walanghiya ka pala talaga!"

Pagak siyang natawa,sabay turo sa sarili."Me?sa tingin ko mas walanghiya si Stephanie dahil inahas niya ang asawa mo,ang asawa mong marupok na bumigay din sa asawa ko!mas bagay tayo Kim?pareho tayong ayaw magkaanak?parehong tayong magaling sa larangan ng sining,hindi mo ba nakikita?tayo ang itinadhana Kim,tayo!"

"Lumuwang na ba lahat ng turnilyo diyan sa ulo mong gagu ka?!nahihibang ka na!"

"No I am not!tuso ako!matalino at magaling,mas magaling pa sa asawa mo!"

"Nagpapatawa ka ba?matalino?sa tingin mo ba ikinatalino mo tong ginagawa mo?!bobo ka at wala ka sa kalingkingan ng asawa ko!"

Nagdilim ang kanyang paningin, sabay lapit sa akin. Marahas niya akong hinawakan sa pisngi. 

Naghahamon ang mga tingin ko,hindi ko siya aatrasan.

"Matapang ka ah!"Aniya sabay bitaw sa mukha ko.

Sinubukan kong bumangon at umalis sa kama,ngunit hindi ko magawa dahil parehong nakagapos ang mga kamay at paa ko sa kama.

"Pakawalan mo ako dito!"sigaw ko.

"Pakawalan?no babe..I will tame you first my masterpiece!huwag niyong pakainin ang isang yan para magtino!"Aniya.Tinalikuran niya ako at tuluyan siyang lumabas ng pinto.

Marahas ding pinatayo ng mga tauhan ni Clark si Doc Vince,at halos kaladkarin ito palabas ng silid.

"Pakawalan niyo ako dito!pakawalan niyo ako!ugh!!!!"




Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang