22

319 44 23
                                    

#TheTruth


Vinny

Wala akong nagawa kundi ang ihatid nalang ng tanaw si Kim. God knows kung gaano ko sya kagustong habulin, pigilan at yakapin ngunit tama siya, sa sitwasyon ko hinding-hindi magiging sapat ang gusto ko lang siya, dahil kung pipiliin ko siya, tatanggalan ko naman ang magiging anak ko ng karapatang magkaroon ng ama.

I was not raised by my parents to runaway from an obligation,kaya kung sakali mang akin ang bata, palalakihin ko siyang kumpleto ang pamilya. It is not about me anymore, it is about the future of my kid.

Nanghihina akong napaupo sa bench na nasa gilid. Sabunot ang sarili at ang bigatbigat ng dibdib.

Kim... usal ko sa pangalan ng babaeng nag-iisang laman ng puso ko.

"Sir?are you the guardian of the patient?"

Nag-angat ako ng mukha at nakita ko ang lalaking doctor na nakatayo na sa aking harapan.

Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Yes Doc? I am the guardian. How's the baby?"

Umiling siya.

Mariin kong naipikit ang mga mata.

Oh God no.....

"Ibig sabihin, wala na ang baby Doc?wala----"

"What baby?"

Natigilan ako.

Anong ibig niyang sabihin?

Sumikdo ang dibdib ko.

"She's pregnant Doc, what happened to her is a miscarriage, right?"

Mas lalong kumunot ang noo ng doctor.

Umiling ito.

"SHE'S NOT PREGNANT!"

Pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok ang puso ko.

Umawang ang aking labi. "Wha-what?"

"She's not pregnant, kaya may excessive bleeding siya it is because of her condition meron siyang Uterine polyps.."

Umiling ako.

"Wha-what do you mean Doc?"

Bumuntong hininga ang doctor.

"Uterine polyps are growths attached to the inner wall of the uterus that extends into the uterine cavity. Uterine polyps range in size from a few millimeters — no larger than a sesame seed — to several centimeters — golf-ball-size or larger,but don't worry Sir, it is not benign, what  I mean is,it is not cancerous. She'll be fine." Anito.

Hindi na ako nakasagot dahil unti-unti ng umuusbong ang galit sa puso ko para kay Kate.

Lumingon ako sa emergency room.

She lied to me!at dahil sa kasinugalingan niya ay nasaktan at lumayo sa'kin si Kim.

"Sir?are you okay?"

Nakakuyom na ang aking mga kamao at halos magyakapan na ang kilay ko.

"What happened to the patient is an excessive menstrual bleeding, but don't worry Sir, may pinainom na kaming gamot sa kanya, and you can now see her."

Seryoso akong humarap sa doctor.

"Thanks doc."

Tumango ito at nagpaalam na rin.

Kinalma ko ang sarili kahit ang totoo ay gustong gusto ko ng sipain ang upuan at ang mga bin na nahahagip ng mga mata ko.

Pumasok ako sa loob ng ER at nakita ko si Kate na agad ngumiti ng makita ako.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz