S2-25

161 22 14
                                    

#PlanongPagtakas

Kim

"Doc?"baling ko sa kanya matapos makalabas ng pinto ang maglola.

"Yes?"

"Imposible tong naiisip ko,pero sa tingin yung kapatid ko ang nakita nila."

"Kapatid mo?di ba you said,matagal na siyang patay?"

Napalunok ako at nakagat ang labi."Hindi ko alam pero kinukutuban ako na baka buhay siya."

"And what makes it different now?hindi pa rin tayo makakatakas dito."

Binaba ko ang kubyertos sa pinggan.

"Kung buhay siya,tiyak maliligtas niya tayo."

"How is she going to do that?baka sa gate palang nitong mansyon ay mapatay na siya ng mga tauhan ni Clark."

Tumayo ako,sapo ang labi na nagparoot parito sa harapan ni Doc Vince.

"Iba ang ate ko Doc,kaya niyang makipagpatintero kay kamatayan mailigtas niya lang ako."

"If that's the case,mas maigi sigurong mag-isip na tayo ng paraan ngayon pa lang kung paano makakatakas dito,ng sa gayun ay hindi na malagay sa alanganin ang buhay ng kapatid mo.Pero..Kim?paano natin masisiguro kung buhay nga siya?"

Bumalik ako sa pagkakaupo.

"Isa lang ang paraan para malaman natin ang totoo. Yung maglola,tatanungin ko sila at idi-describe ko ang mukha ni Ate Jack sa kanila."

Tumango si Doc bilang pagsang ayon.

Halos hindi ako mapakali sa loob ng silid.Sa tuwing bumubukas ang pinto ay napapatayo ako,ngunit bagsak din ang balikat sa tuwing pumapasok ang nga tauhan ni Clark.

Dinalhan kami ng tanghalian ng maglola ngunit bantay saradu sila.Panay ang dasal ko na sana kahit ilang minuto lang ay mapag-isa kami ng maglola ng sa gayun ay makausap ko sila.

At hindi nga ako binigo ng Diyos,dahil muling bumukas ang pinto sa pagkakataong to ay iniluwa ang dalagita.

May hawak itong paperbag sa kanang kamay at takot na pumasok at lumapit sa akin sa kama.

"Ma-magbihis raw po kayo."Aniya.

Tumingin ako sa bag.May naisip na ako.

Nakatayo sa likuran ng dalagita ang isang tauhan ni Clark at binabantayan kami.

"Kailangan ba hanggang sa pagbihis ko nandiyan ka?"matapang kong tanong sa tauhan ni Clark.

Nagsalubong ang kilay nito.

"Magbihis ka na!"galit nitong saad.

"Paano kong isumbong kita kay Clark na pinapanood mo akong magbihis?alam niyong ayaw niyang pagnasaan ako ng iba.Alam mo ba kung anong nangyari sa huling tauhan niyang tinitigan lang ako?pinatay niya mismo sa harapan ko.Ngayon mamili ka..panonoorin mo ako? o lalabas ka ng bangkay dito sa silid ko?"

Nagtagis ang bagang ng lalaki ngunit hindi pa rin ito gumalaw sa kinatatayuan.

"Magbihis kayo sa banyo!"singhal niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na tumayo.

"Halika ka na.."Sabi ko sabay hawak sa kanang palapulsohan ng dalagita.

Ngunit pinigilan ako sa kaliwang braso ng lalaki.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"asik niya.

Binawi ko ang braso ko.

"Sa tingin mo kaya kong magbihis mag-isa sa damit nato?!"binaliktad ko ang paperbag dahilan para mahulog ang magarang damit sa paanan namin.Isang mala old english outfit na damit iyon,makapal,may nga ruffles,ribbons na may kasama pang corset.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now