S2-24

132 23 16
                                    

#SanaBuhayKa

Kim

Unang linggo ng ikapitong buwan na nasa poder pa rin kami ni Clark Gonzaga. Alam kong maimpluwensiya ang pamilya ni Clark kaya wala man lang nakasaklolo sa aming dalawa ni Doc Vince.

Ang kinakabahala ko ay habang tumatagal ay nagiging klaro na ang umbok ng aking tiyan na madalas kong tinatago sa pamamagitan ng pagsusuot ng malalaking damit.

Hindi naman sa natutuwa ako dahil ni minsan ay hindi ako ginalaw ni Clark.Napagtanto ko kasing baliw lang si Clark sa aking maamo at inosenteng mukha.Turing niya sa akin ay isang subject,isang bagay na makapagbibigay sa kanya ng inspirasyon para makagawa ng mga obra maestra.

Nasa mga portrait ko na gawa niya napupunta ang mga pagnanasa niya.Isa siyang baliw at obsessed na tao.Ni minsan ay hindi niya ako pinaghubad ngunit ilang beses ko ng nalaman na habang tulog ako ay nasa tabi ko siya,nakaupo at pinagmamasdan ang aking mukha saka bigla nalang kukuha ng mga gamit at iguguhit ako ulit.Marahil nasira na ang utak ni Clark dahil sa pagkahumaling niya sa aking mukha.

Nakabihis na ako ulit ng malaking shirt pagkalabas ko ng banyo.Naabutan ko si Doc Vince na nakatayo sa harapan ng bintana at nakatingin sa labas.

"Doc?"

Lumingon siya sa akin."Kailangan na nating makatakas dito Kim."

Huminga ako ng malalim,kinuha ang nakabalot na tuwalya sa ulo at isinabit iyon sa gilid.

"Alam ko,nababahala na rin ako Doc dahil lumalaki na ang tiyan ko."

"Kaya nga,kailangan na nating gumawa ng paraan.."

Natahimik kami ng biglang bumukas ang pinto.

Isang matanda at isang dalagita ang nakita naming itinulak papasok ng dalawang tauhan ni Clark.

Halatang takot na takot ang dalawa.

Pumasok si Clark at nakapamulsang humarap sa amin.May multo ng ngiti sa labi nito.

"Sila ang kapalit ng mga taong itinalaga kong magpapakain sa inyo."Saad ni Clark.

Nag-angat ng mukha ang dalagita at isang matandang babae para tumingin sa akin.

Naaawa ako sa dalawa.Malamang kinidnap na naman ito ng mga tauhan ni Clark para magsilbi sa amin.Ang huling tagapagsilbi na kinuha niya ay pinatay na rin niya ng magsawa siya.Ganun siya ka demonyo at hindi malabong pareho rin ang mangyayari sa maglola ngayon pag nabaliw na naman si Clark.

"O! makinig kayo sa akin!sa oras na patakasin niyo ang dalawang yan!gigilitan ko kayo ng leeg!naiintindihan niyo?!"

Maagap na tumango ang dalawa.

"Sige labas!"Singhal ni Clark sa dalawa dahilan para mabilisang lumabas ang maglola.

Kinuyom ko ang mga kamao at sinamaan ng tingin si Clark.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking mukha."So..darling..ready ka na ba? binili kita ng bagong damit para sa bagong obrang maestrang iguguhit ko.Suotin mo ha?"

Iniwas ko ang mukha ngunit mahigpit niya akong hinawakan sa baba at sapilitang pinaharap sa kanya.

"Tumingin ka sa akin pag kinakausap kita!"Bulyaw niya sabay sampal sa akin.

Bumagsak ako sa kama dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa aking kaliwang pisngi.

Dinaluhong ako ni Doc Vince."Okay ka lang Kim?"

Tinadyakan ni Clark si Doc Vince kaya bumalya ito sa sahig.

Dinuraan pa ito ni Clark bagay na mas lalong ikinagalit ko.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن