41

308 41 9
                                    

#AllAboutKimNotes

Vincent

Naramdaman ko ang dahandahang pagtulak ni Kim sa akin.

Ngumuso siya at tumingin sa aking likuran.

Pumihit ako at nakita ko si Luke na nakatayo sa bungad ng pinto at may daladalang isang notebook sa kanang kamay.

"Pwede ba tayong mag-usap Vinny? "

Tumingin muna ako kay Kim, ng tumango siya ay saka lang din ako tumango kay Luke.

"Sandali, hintayin niyo muna ako, may kukunin lang ako sa loob." Paalam ni Kim saka pumasok na sa loob ng bahay. 

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Kim at may dala-dala ng kulay asul na shirt. 

"Suotin mo muna 'to Baby." Aniya.

Ginulo ko ang buhok niya at nakangiting isinuot ang damit. 

"Let's go?" sabi ko kay Luke na nakatayo na sa likuran ni Kim. 

Tumango si Luke. 

"Sige tara. " Sagot niya. 

Kim waved her hand at us ng halos magkasabay pa kaming lumabas ng gate ni Luke.

Tahimik kaming dalawa habang tinatahak namin ang daan na alam kong patungo sa ilog.

Nakarating kami sa riverbank. Maliban sa iilang batang naliligo sa ilog, ay wala ng iba pang naroon.

 Maliban sa iilang batang naliligo sa ilog, ay wala ng iba pang naroon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umupo si Luke kaya ganun na rin ang ginawa ko.

Parehong nakatiklop ang mga tuhod namin, nakayapos ang mga kamay niya sa binti niya samantalang nakalapat naman ang mga kamay ko sa magkabilang gilid.

Bumuntong hininga siya, kumuha ng maliit na bato at itinapon iyon sa tubig.

Lumikha ng maliit na ingay ang batong iyon at kitang-kita ang maliit na nagkorteng bilog sa tubig ng dahandahang lumubog ang maliit na bato sa ilalim.

Saglit akong sumulyap kay Luke bago itinuon muli ang mga mata sa mga batang nagtatampisaw sa ilog.

"Kunin mo 'to." Aniya.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong binibigay niya sa akin ang kulay brown na notebook na hawakhawak niya.

Taka ko iyong tinanggap at binuksan ang mga pahina.

Kumunot ang aking noo ng mabasa ang mga laman nun.

Sa unang pahina ay may nakasulat na "All About My Kim"

Umarko ang kilay ko ngunit patuloy pa rin ako sa pagbabasa.

Animo'y slambook iyon kung saan nakasulat ang mga favorites ni Kim, mula sa kulay, sa pagkain, paboritong lugar, paboritong subject, paboritong artista at pati mga atleta.

Hindi lang iyon, nakalagay din doon ang first kiss niya which is Lamok. Napangiti ako.

Kasunod na pahina ay ang mga bawal kay Kim.

Alam kong bawal sa kanya ang chicken, ngunit ang hindi ko alam ay bawal din pala sa kanya ang crabs, at gatas?

Lactose intolerance si Kim, hindi kayang madigest ng sikmura niya ang mga sugar (lactose) sa gatas, maaring magkaroon siya ng diarrhea or stomach bloating kapag uminom siya ng gatas.

Lumingon ako kay Luke, and he gave me this forced smile na kung saan pinagdikit niya lang ang labi niya.

I closed the notebook at tumingin sa malayo.

"Why are you giving this to me?"tanong ko. 

Luke cleared his throat at nagtapon na naman ulit ng bato sa tubig.

"Kasi pinapaubaya ko na siya sayo."

I glanced at him.

"Pinapaubaya?"

Tumango siya.

"Yeah, nakikita ko kasing masaya siya sayo, at yung ngiti niya pag kasama ka niya, iba, its authentic at nararamdaman ko yun."

Gusto kong matuwa pero there's a part of me na parang bumigat. Maybe because I know na mabuting tao si Luke at alam ko rin na katulad ko ay genuine din ang pagmamahal niya kay Kim.

Huminga ako ng malalim saka nagpulot ng bato at tinapon iyon sa tubig.

"Take this." Sabi ko sabay balik sa kanya ng notes.

Taka siyang tumingin sa akin.

He took the notes and gave me this confused look.

I smiled.

" I don't need that, I don't want to be her force soulmate.Kung kikilanin ko siya,yun ay dahil gusto ko siyang kilalanin,hindi yung dahil may kudigo na ako ng buhay niya.Ayoko siyang dayain dahil mahal ko siya. But thanks Luke, I appreciate what you did." Sabi ko.

Luke shoulders shrug.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. 

"I'm sorry nga pala for the----"

Naiwan sa ere ang sasabihin niya sana ng maglahad ako ng kanang kamay.

Umangat ang dalawang kilay niya at nakangiting tinanggap ang aking pakikipagdaop-palad.

Pinisil ko ang kamay niya ng mahigpit kaya napangiwi siya.

"Huwag mo ng uulitin yun, huwag mo ng hahalikan ulit ang girlfriend ko dahil wawasakin ko na talaga yang mukha mo." Sabi ko sabay bitaw sa kanyang kamay.

Napakamot ito sa batok.

"Yeah...hindi na." Aniya.

Tumayos siya at pinagpag ang puwit.

"O paano? balik na tayo?"

Bahagya akong tumingala sa kanya sabay tango.

Tumayo na rin ako.

Sabay na kaming naglakad ni Luke pauwi.

Hindi ko alam kung bakit sumikdo ang dibdib ko ng papalapit na kami sa bahay.

Bumilis ang aking mga hakbang ganun na din ang kay Luke.

"Kim!" tawag ko sa nobya ko. 

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now