A story of love and forgiveness.
Dropout!spoiled brat! bobo!yan ang malimit na itawag kay Kimberly, kaya lumayas siya sa kanila para makalayo sa panghuhusga ng mga tao. Nakilala niya ang isang anak ng politikong wala ng ginawa kundi inisin siya, per...
Nagising akong nakaupo sa upuan at nakatali pa rin ang mga kamay.
Ginala ko ang paningin at napagtanto kong nasa loob ako ng abandonadong gusali.
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Mariin ko pang ipinikit at idinilat muli ang mga mata para maaninag ang lalaking nakatayo malapit sa isang transparent na bintana.
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Matangkad siya,matikas at nakasuot ng tuxedong kulay itim.
Nakita kong dinala ng hangin ang usok na nagmumula sa sigarilyo nito.
Nabuhay ulit ang takot na kanina ay naramdaman ko.
Sa pagkakaalala ko ay umiiyak ako sa gilid ng kalsada ng may biglang humintong puting SUV sa aking harapan sabay baba ng driver na nakasuot ng diyablong maskara.
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Nang mapagtanto kong ako ang puntirya ng lalaki ay tumakbo na ako, ngunit mabilis niya akong naabutan at hinablot sa buhok kaya nagkaroon ito ng pagkakataong takpan ng panyo ang aking bibig para hindi ako makasigaw.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Tinapakan ng lalaki ang upos ng sigarilyo at dahandahang lumingon sa akin.
Ngayon ay wala na siyang suot na maskara kaya kitang-kita ko na ang mukha niya.