19

384 43 17
                                    

#UnwantedGuest


Kim

Pinahid ko ang mga luha ko.

Nang lumingon ako kay Luke ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

I smiled.

Umiling siya.

"No brad."

Umusog ako ng kunti at sumandal sa balikat niya.

"Still No."

Hmmm. MATIBAY!

"Kim iuuwi kita sa inyo sa ayaw at sa gusto mo!di ba sabi mo uuwi ka?"

Lumabi ako.

"Nagbago na ang isip ko."

"Ano?!"

Humalukipkip ako at tumanaw sa labas ng bintana.

"Ang sakit dito e," sabi ko sabay turo sa dibdib.

"E yun naman pala e.. so dapat lang na umuwi ka na,"

Lumabi ako.

"Ayoko."

"Kim!"

"Sasama ako sayo."

"Kim,alam ko na 'tong gagawin mo,magrerebelde ka na naman, bakit ba pag sa tuwing nasasaktan ka ay mas lalo kang nagiging pasaway?!"

"Huwag mo akong pangaralan!masakit pa ang puso ko!"

"Pero Brad---"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung ayaw mo bababa ako!at pag bumaba ako hindi mo na ako makikita ulit!tatalon ako sa tulay at---"

"Oo na!oo na! Pero huwag kang magpapahuli sa ate mo ha!nako Brad ako ang malalagot!"

Nanliit ang mga mata ko.

"Swerte ko talaga sa bestfriend ko!" Sabi ko sabay kurot sa kanyang pisngi.

"Swerte ka dahil mahal----"

Umangat ang dalawang kilay ko.

"Mahal ang magpa ospital pag mabugbog ako ng ate mo!"

"Ahh!okay!hinding hindi niya ako mahuhuli this time!"

Iiling iling nalang na napangiti si Luke.

Napapitik ako.

"Brad yung camera ko pala naiwan doon sa bar,puntahan naman natin oh!"

Ngumiti siya.

"Okay!basta ikaw!"

Ngumiti ako.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa bar,pa close na sila.

Binigay ng bartender ang camera sa akin.

Nahalikan ko iyon sa tuwa.

"Kanino galing yan?"

Tanong ni Luke ng makabalik kami sa sasakyan.

"Kay Kuya pogi!"sagot ko.

"Tss!mas pogi pa sa akin?"

"Oo!"

"Ang honest ah?bakit hindi mo subukang maging honest sa nararamdaman mo kay Vinny!" Binuhay niya ulit ang makina ng sasakyan.

Inirapan ko siya.

Sa kakascroll ko ng mga pictures ay nakita ko ang picture ni Vinny.

Nanikip na naman ang dibdib ko at agad napawi ang ngiti ko.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora