48

282 39 6
                                    

#Text

Kim

"Okay ka na ba?are you sure na kaya mo na?"Tanong ni Luke.

Tumango ako.

"Oo Luke,kailangan ko ring pumunta sa burol ni T'yang Lupe,kaya hindi ako pwedeng magtagal dito sa ospital."

Nalungkot na naman ako.Namatay si T'yang days ago dahil sa kagagawan ng mag inang Hector at Helen Ferrer.Tragic ang nangyari ng araw na iyon,kagagaling lang namin nun ni ate Jack sa Sorsogon,mula ng doon nadestino si Ate Jack.Doon na rin nagpagaling si Luke.Kasama namin siya ni Ate Jack na nangupahan sa isang boarding house na pagmamay-ari ng pamilya ni Nurse Aika Medina na siyang kasintahan ng psg ni Sandro na si Ben Liwanag na namatay din ng araw na pasukin ni Hector at Helen ang mansyon ng mga Marcos sa Batac.

Dalawang buhay ang nalagas ng araw na iyon,dahil sa kademonyohan ni Hector at ni Helen.Mag-inang hinulma ni Satanas para makapanakit ng mga inosenteng tao.

Nakuyom ko ang aking mga kamao,na mabilis namang hinawakan ni Luke.

Umiling siya,na para bang sinasabi niyang tama na at wala na kaming magagawa sa nangyari,hindi na maibabalik pa ang mga buhay na nawala,at ang magagawa nalang namin ngayon ay ipagdasal na sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

Hindi kasali sa dasal ko si Hector at si Helen,dahil hindi ko kayang makipagplastikan sa Diyos.Dahil ang totoo?gusto ko silang isumpang mas doble pa ang maramdamang sakit hatid ng maiinit na apoy sa impyerno kung saan sila nababagay.

Hindi pa nga tapos ang pagluluksa namin ni Ate at eto na naman at may demonyo na namang umaaligid sa akin.

"Kim..okay ka na ba?aalis na tayo."

Tumango ako.

Inalalayan ako ni Luke at magkahawak kamay kaming lumabas ng silid.

Pagkababa ay naabutan namin sa entrance ng hospital si Vinny at si Cassy.

Sumikip na naman ang dibdib ko,lalo na at nakikita kong nakahilig na ngayon si Cassy kay Vinny na nakaakbay naman dito at dinampian pa si Cassy ng halik sa noo.

Nagngitian pa silang dalawa,at base sa nakikita ko mukhang ayos naman sila.

Uminit ang sulok ng aking mga mata at bago pa man pumatak ang aking mga luha ay tinakpan na ni Luke ng kanang palad niya ang aking mga mata.

"Huwag mo ng tingnan kung alam mong masasaktan ka lang."Aniya.

Naguilty ako.Si Luke ang kasama ko pero kay Vinny nakatuon ang atensyon ko.

"Sorry."

"Okay lang." Sagot ni Luke.Tumunog ang cellphone niya,kaya saglit siyang nagpaalam para sagutin iyon.

Dahil sa cellphone ni Luke kaya napalingon si Cassy at si Vinny at sa malas ay nakita nila ako.

Puno ng emosyon ang mga mata ni Vinny ng tumingin siya sa akin,si Cassy naman ay tumakbo patungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Natuod ako sa aking kinatatayuan.

"Im sorry Kimmy,I didn't know.."I can sense the sincerity in her voice.

"O-okay lang."Tipid kong sagot.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"How can I make it up to you?hm?"

"Okay lang talaga ako Cassy."Giit ko.

Lumabi siya at lumingon kay Vinny na nakatingin naman sa akin.

"Bunny Babe,come here please.."

Lumapit si Vinny at tumayo sa gilid ni Cassy.

Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.Natutunaw ako at bumibilis ang pintig ng puso ko.

Inangkla ni Cassy ang kanang kamay sa kaliwang braso ni Vinny at humilig sa balikat nito.

"Eto nalang Kimmy,mag sha-shopping kasi ako bukas so I am thinking na para ma forgive mo ako,bibilhan kita ng dress and--"

"Cassy hindi mo na kailangan gawin yun,isa pa,malabo namang magkita tayo ulit.Busy na kasi ako at--"

"Ikakasal na siya Cassy so,for sure wala na siyang time para dun."

Vinny's tone is hard to read.He sounds sarcastic yet sad?

"Tara na Kim."Wika ni Luke na nakabalik na rin at inakbayan ako.

"Bye Kimmy!lets be friends ha? sorry again!" pahabol ni Cassy ng nasa bungad na kami ng entrance ng hospital.

Susugod na sana kami sa ulan ng bigla nalang may humawak sa aking kaliwang palapulsohan.

Natigilan ako ng mawaring si Vinny iyon.

Binawi ko ang kamay ko ngunit may humigpit lang ang hawak niya sa palapulsohan ko.

Kinakabahan akong tumingin sa kanyang mga mata only to realize na kaya niya pala ako pinigilan dahil ibibigay niya sa akin ang payong na hawakhawak niya sa kaliwang kamay.

"Use this.Ayokong magkasakit ka."Aniya sabay talikod.

Natigilan ako at sinundan siya ng tingin.

Bumalik siya kung saan nakatayo si Cassy at inakbayan ito.

"That is my umbrella,use it!"Saad ni Cassy na nakangiti pang kinakawayan kami.

Pineke ko ang ngiti ko at iniwasan ng mapatingin pa kay Vinny. Kinuha naman ni Luke ang payong sa aking kamay, para siya na ang humawak nun at the moment na nabuksan niya ang payong ay saka namang pagtunog ng cellphone ko ulit.

Kinabahan na naman ako sa binasa kong mensahe dahil hindi nakaregister ang number nito sa cellphone ko.

"Nakikita kita,ang galaw mo, ang kilos mo,hinding-hindi mo ako maiisahan,papatayin muna kita bago ka makalamang sa akin!See you in hell soon,Kimberly Marasigan!"

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.Bumilis ang pintig ng puso ko at nabuhay ang takot sa buong sistema ko.

Sa huling pagkakataon ay lumingon ako kina Cassy,and the moment na magtama ang mga mata namin ni Vinny,alam kong nabasa na niyang may bumabagabag sa akin.

Nakikita ko sa mga mata niya ang concern para sa akin but I looked away,sa pagkakataong 'to sisiguraduhin kong wala nang mapapahamak dahil sa akin.

Kaya kung sino ka mang may planong manggulo sa buhay ko ngayon,sisiguraduhin kong hahanapin kita kahit sa impyerno ka man magpunta,susundan kita.

"Sige,hihintayin kita."Reply ko sa estrangherong tauhan ni Satanas.











Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon