34

315 42 2
                                    

#BagongMakikilala


Kim

"O Kim, maiiwan na muna kita at pupunta muna ako ng palengke ah,dito ka lang sa bahay at kabilin-bilinan ng ate mong huwag kang lalabas."

"Opo T'yang Mel,pe-pero pwede po ba akong manood ng basketball league sa covered court?malapit lang naman po yun dito."

Halatang nagdalawang isip si T'yang.

"Sige pero Kim, tumawag ka kaagad sa akin kung may napansin kang----"

Lumapit na ako kay T'yang at niyakap siya.

"Okay lang ako T'yang."

"Sige,aalis na ako.Mag-iingat ka dito."

Umalis na si T'yang, pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng pinggan at ng matapos ay nagbihis na rin ng simpleng shirt at ripped jeans para magtungo sa covered court at manood ng basketball league. Fiesta na kasi kaya may palaro ang barangay.

Pumwesto ako malapit sa ring kung saan mapapanood ko ng maayos ang laro.

Nagtawag na ang referee ng mga team,kaya isa-isa naman nagsipasok ang mga manlalaro.

Biglang nagtilian ang mga babae sa paligid kaya napalingon naman ako sa direksyon kung saan nakatuon ang halos atensyon ng lahat.

Napatango ako ng makita kung sino ang tinitilian ng lahat.

A tall,dark and handsome guy na nag-uumapaw ang karisma ang nakita kong pumasok. He is wearing a white jersey at halatang nahihiya dahil nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Isaac Rivero!!" Tawag ng referee sa matangkad na lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Isaac Rivero!!" Tawag ng referee sa matangkad na lalaki.

Halos mabingi ako sa tili ng mga babaeng katabi ko.

Nagsimula na ang laro at aminado akong magaling maglaro ang nagngangalang Isaac.
Slamdunk, lay-up,  fadeaway,freethrows walang mintis.

Sa tuwing nakakashoot siya ay halos magwala lahat ng mga kadalagahang nanonood.

Napapansin kong sumusulyap siya sa akin kaya agad akong nag-iiwas ng tingin.

Tingintingin mo jan?!

Naiilang na ako kaya mas ginusto ko nalang tumipa sa cellphone ko keysa manood ng game,ng biglang------

"Woooppss!Sorry!"

Natihaya ako sa upuan at nakubabawan ako ni Isaac. Pagitan namin ang bolang hawakhawak niya kaya nagkaroon kami ng distansya at hindi nagkadikit ang dibdib naming dalawa.

"Sorry!"

Napalunok ako.

"Ah.. o-okay lang, pwede tumayo ka na, ang bigat mo kasi." Angal ko.

Maagap siyang tumayo sabay lahad ng kamay sa akin na tinanggap ko naman.

Tinukso kami ng mga nanonood sa amin, at inirapan naman ako ng mga babaeng mukhang may gusto kay Isaac.

"Alis na ako!"sabi ko saka dalidaling umalis sa kumpulan ng mga tao.

"Hey anong pangalan mo?!Miss?Miss?!"

Hindi na ako lumingon at halos lakad takbo ang ginawa makarating lang ng bahay.

Nagkulong agad ako sa kwarto ko. Namroblema dahil may kumukuha ng picture sa amin kanina nong Isaac,natatakot akong baka ma viral ako at matunton ako ni Hector.

Oh Gad Kim! Disaster 'to!mukhang sikat pa naman yung lalaking yun!

Kailangan kong idelete ang lahat ng social media accounts ko, kailangan kong maging invicible sa social media gaya ng ate ko. Para iwas tag at iwas gulo.

Hinanap ko ang phone ko,ngunit hindi ko ito mahagilap.

Shit!saan na ba yun?!ugh!!

Nahilamos ko ng palad ang mukha.

Natutop ko ang bibig.

Shit!mukhang naiwan ko yun sa court!oh gad!ang tanga mo Kim!paano ba ako babalik dun?!haistt!!




Samantala...



Vinny

"Oh thank God!finally nasa Pilipinas na ako!"

Nakalapag na ang eroplano ko sa Naia and babyahe nalang ako from Manila to Ilocos.

Susunduin ako ng family driver namin para hindi na ako mapagod sa pagmamaneho.

Sinubukan kong tawagan ulit si Kim,but same old story ayaw niya pa ring makipagvideo call sa akin.

Kalaunan ay dumating na ang sundo ko.

"Thanks Manong Luis."sabi kong tiningnan siya sa rearview mirror ng makapasok ako sa loob ng Van.

"Okay lang po yun Sir, akala ko magtatagal pa kayo sa Singapore?"

Umiling ako sabay buntong hininga.

"Nope Manong, may namimiss ako kaya umuwi na ako agad."Sagot ko habang iniscroll at tinitingnan ang mga photos ni Kim na nakasave sa phone ko.

Tinawagan ko ulit ang phone ni Kim through Messenger at na excite ako ng sinagot niya iyon,kasu nakaharap ang phone sa mga tao, seems like nasa basketball court siya.

"Ay tange!baliktad!"

Narinig kong boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Excuse me?who are you?!"

Nakaharap na ang camera at mas lalong nagyakapan ang kilay ko ng makita ang mukha ng lalaking may hawak ng phone ni Kim.

"Who the hell are you?"

Nalukot ang mukha ng lalaki.

"Isaac, bakit sino ka ba?"

"I am the boyfriend of the owner of that phone!"galit kong sabi.

Lumabi ito.

"Hmm, nahulog niya to e,ibabalik ko pa sa kanya.Bye!"

End Vc**

What the hell?!

Sinubukan kong i-vc ulit si Kim, pero naka off na ang phone nito.

Kainis!sino ba yung lalaking yun?!damn it!

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now