52

234 38 8
                                    

#Hukay

Kim

Pagkalabas ko ng pinto ay agad kong dinial ang number ni Luke.

"Luke?sa'n ka?"

"Nasa bahay ako nina Trixie,bakit?"

Si Trixie ay ang doctor ni Luke sa ospital na pinaglipatan namin sa kanya sa Sorsogon.

Nakapagpalagayan sila ng loob. Dahil matapos kong sabihin kay Luke na si Vinny talaga ang mahal ko ay sinubukan niya na ring ibaling ang atensyon sa iba. Kaya eto nga naging girlfriend niya si Doc Trixie Samonte,at ikakasal na sila sa susunod na buwan.

"May gusto akong kilalanin."Sabi ko.

"Ano?sino?teka sandali--may problema ba Kim?may gumugulo na naman ba sayo?"

Kinagat ko ang labi.Sa pagkakataong 'to ayoko ng may madamay sa gagawin ko.

"Wala..ah..ano..gusto ko lang sabihin na pagkatapos ng burol ni T'yang Lupe,uuwi na agad ako diyan sa Laoag,hihiramin ko sana kotse mo."

"Kim?ano na naman ba ang gagawin mo ha?"

"Aish..gusto kong mag travel na hindi ka kasama kaya pahiram ng kotse mo."Giit ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Oo na!basta ba magpaalam ka kay Ate Jack."

"Paano?nasa Basilan siya ngayon Brad,walang signal."

"Brad namin e..patay ako kay Ate Jack nito."

Napangiti ako.Halos lahat ata ng lalaki takot sa ate ko ah,maliban lang kay______.

Sayang nga lang dahil...bumuntong hininga ako,sabay patay ng cellphone.

Ilang hakbang bago ako muling lumingon sa silid ni Vinny.

Sa tingin ko may closure naman kaming dalawa,at sapat na muna yun para makaiwas na rin siya sa gusot na papasukin ko.

Hahanapin at kikilanin ko ang misteryosong taong nagsesend sa akin ng kung ano-anong mensahe,na may kalakip na pagbabanta sa buhay ko.

Sa pagkakataong to ay kailangan ko ng mag-ingat,wala ng dapat magbuwis pa ng buhay,wala ng dapat pang masaktan.

Paliko na ako sa pasilyo ng marinig ko ang pagtawag ni Cassy sa akin.

Huminto ako para lingunin siya,tumakbo siya patungo sa akin sabay umiiyak na niyakap ako ng mahigpit.

"Cassy?okay ka lang?"

Hinahagod ko ang likod niya para patahanin siya.

"Oo,okay lang naman ako,masaya lang ako kasi,binigyan ako ni Vinny ng pagkakataong mahalin siya."

Parang biglang piniga ang puso ko sa narinig.

"Ma-mabuti naman kung ganon.."

"Salamat Kim."

"Sa-saan?"

"For being my one true friend kahit sandali lang tayo nagkakilala."

"Walang anuman yun Cassy."Sagot ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking kamay sabay pahawak sa akin ng isang shopping bag.

"Ano to Cass?"

Nangislap ang kanyang mga mata.

"Gift ko sayo,gusto kong suotin mo yan sa birthday ko nextweek."

"Huh?"

"At tsaka pasalamat ko na rin kasi tinawagan mo ako agad ng maaksidente si Vinny."

"Ahh..karapatan mong malaman ang kalagayan niya dahil girlfriend ka niya."

Lumapad ang ngiti niya at bago pa man siya nagpaalam ay niyakap na niya pa ako ng mahigpit.

Hinatid ko siya ng tanaw hanggang sa makapasok siya ulit sa silid ni Vinny.

Derecho akong umuwi sa bahay ni T'yang Lupe,para makatulong sa pag-aasikaso ng mga bisita.Bukas na kasi ang libing niya kaya kailangan ni T'yong Ramil ng tutulong sa kanya ngayon.

Nang makarating sa bahay ay saglit akong nagpahinga,kailangan kong umidlip para manatiling gising mamayang gabi para sa huling lamay.

Habang nakahiga ay panay ang titig ko sa picture na sinend sa akin sa messenger ng taong nagbabanta sa buhay ko.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip hanggang sa tuluyan na rin akong dalawin ng antok.

Kinabukasan........

Marami ang nagluksa sa pagkawala ni T'yang Lupe dahil mabait din ito nong nabubuhay pa.Gayunpaman kailangan pa rin naming tanggapin na kapiling na nito ang Diyos at kasama na nito sa langit si Mama at si Papa Jacob na kapatid nito.

Habang nakatingin ako sa binababang kabaong sa hukay ay naisip ko ang lahat ng nangyari.Tatlong buhay ang kinuha ni Hector sa amin. Si Papa,si Mama,ngayon ay si T'yang Lupe,kahit patay na si Hector ay hindi pa rin sapat ang pagkamatay nito bilang kabayaran sa kawalanghiyaang ginawa niya sa pamilya namin ni Ate Jack at Ate Isabel.

Kung saan saan ako napadpad makalayo lang sa kanya,ngunit nasundan niya pa rin ako,kahit na si Luke ay muntikan ng mawala sa akin dahil kademonyohan ni Hector,at dahil sa nangyari kay Luke ay kailangan kong iwan at saktan si Vinny.Hindi man namatay ang pisikal kong katawan pero namatay naman yung puso ko sa labislabis na poot,lungkot at sakit na idinulot ni Hector sa buhay namin ni Ate Jack.Sa sobrang kasamaan at itim ng budhi niya siguradong mapapalitan niya sa trono si Satanas sa impyerno.

Ngayon ay meron na namang nanggugulo pero sinisiguro kong hindi niya ako makakanti dahil uunahan ko na siya.

Tumunog ang cellphone ko.Ang misteryoso na namang tao ang nagsend ng mensahe,at laman ng mensahe ang mga katagang...

"MAS MATUTUWA AKO KUNG IKAW ANG NASA LOOB NG KABAONG!PERO HUWAG KA MAINIP!SUSUNOD KA NA RIN!"

Humigpit ang hawak ko sa telepono ko at nagpupuyos ang kaloobang tumingin sa nababa ng kabaong sa hukay.

Malakas ang kutob kong may nagmamasid sa akin kaya pasimple kong iginala ang paningin.

Nahagip ng mga mata ko ang maroon na van na alam kong hindi kasama sa convoy kanina paghatid kay T'yang.Nakahilera ito sa hulihan ng mga nakaparadang mga sasakyan sa may di kalayuan..

Kumabog ang dibdib ko,kaya sigurado akong nasa loob ng van ang misteryosong taong iyon.

Pasimple akong umatras ngunit pakiwari ko ay napansin na rin kung sino mang nasa loob ng van ang ginawa kong paglayo sa kumpulan ng tao,kaya bago pa man ako makahakbang patungo sa kinaroroonan ng sasakyan ay mabilis na itong umalis.

Wala akong nagawa kundi ang nagpupuyos sa galit na ihatid ito ng tanaw hanggang sa tuluyan din itong naglaho sa aking paningin.



"Kung sino ka man,sisiguraduhin kong ako mismo ang magbabaon sayo sa hukay!"usal ko.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now