54

256 41 14
                                    

#doppelganger?

Kim

Hinatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan nina Vinny. Ang totoo ay napansin ko kaninang mukhang nagkasamaan ng loob ang dalawa, hindi ako tanga para hindi maisip na ako talaga ang dahilan ng biglang pagtabang ng pakikitungo nila sa isa't-isa. 

Nang mawala sa aking paningin ang sasakyan ay dinial ko na ang number ni Ate Jack, kailangan ko siyang makausap dahil mukhang may hinala na ako kung sino ang taong nagbabanta ng buhay ko. 

( Phone Convo: ) 

Ako: Hello Ate? 

Jack: O.

Nakagat ko ang labi, ewan ko ba pag si Ate Jack ang kausap ko, parang binabambo ang puso ko. 

Ako: Saan ka ate?

Jack: Bakit?

Ako: ( Nag-isip saglit) Ah.. inum tayo. (Napalunok ako, first time ko kasing ayaing uminom si Ate.) 

Jack: Bakit?

Ako: A-ano ka-kasi Ate ah...

Jack: Sige.

Ako: Talaga Ate Jack?nasaan ka ba ngayon?

Jack: Pilipinas.

Ako: Ate naman e!

Jack: Tss!nasa likod mo ako. 

(END CALL) 

Hindi pa man ako nakakasagot ay may umakbay na sa akin. 

Namilog ang mga mata ko. 

"Ate?!"

Umangat ang gilid ng labi ni Ate Jack sabay gulo ng buhok ko. 

"Ate ano ba..masisira ang hairstyle ko!" angal ko. 

Mas lalo niyang ginulo ang buhok ko,sinubukan kong iiwas ang ulo ngunit mabilis si Ate Jack, na animo'y parang angkla ng barko agad ang kanang braso sa aking leeg,sabay halik sa aking bumbunan. 

Lumipat sa kanang braso ko ang kamay nito at kinabig ako palapit sa kanya. Tuloy para akong dikyang nakadikit sa katawan niya. 

"Ate salamat at pumunta ka."

Tumango lang si Ate Jack. 

Ganito talaga siya, kahit alam kong proud siya sa akin ay hindi niya pa rin iyon masabi at dinadaan lang niya sa kilos niya, gaya ngayon, bigla nalang siyang dumating sa exhibit ko kahit alam kong may trabaho pa siya. Ngayon ko tuloy mas napatunayan pa na mahal talaga ako ng kapatid ko. 

Nanatili na akong tahimik hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nauna na siyang naglakad sa akin patungo sa nakaparada niyang ducati sa unahan. 

Binilisan ko na rin ang lakad para makalapit sa kanya. 

"Sakay." Aniya. 

"Talaga ate?!" 

Tumango siya. Kaya ganito ako kasaya dahil mabibilang lang kasi sa daliri ko ang pagkakataong nakasakay ako sa motor ni Ate.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot, buti na nga lang at nakabihis na ako ng itim na pants kanina. 

Hinagis niya sa akin ang isa pang itim na helmet,black gloves at jacket na maagap ko namang nasalo. Pagkatapos makapagbihis at tuluyang makaangkas  sa likod niya ay nagmistulang race track ang daan sa bilis niyang magpatakbo. Hindi naman ako takot,unang-una magkapatid kami at pagdating sa motor o sasakyan, parehong mainit ang mga kamay namin. Sabi nga ng nakakasabay sa amin para daw byaheng langit palagi pag kami ang magmamaneho. Natutoto silang magdasal dahil sa amin at dahil na rin sa takot na baka sumakabilang buhay sila dahil sa maling disesyon nilang umangkas sa amin.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant