S2-22

136 25 17
                                    

#TheTruth

Kim

"Kim... makinig ka..."

Nag-angat ako ng tingin.

"Papatayin ka ni Mr.Gonzaga sakaling malaman niyang buntis ka."

Napalunok ako.

"Isa hanggang apat na buwan matatago pa natin ang umbok sa iyong tiyan,ngunit..pagsapit ng lima kailangan na nating gumawa ng paraan para makatakas."

"Pero..pa-paano tayo makakatakas dito doc.Bantay saradu tayo."

Lumingon siya sa may bintana.May grills iyon at kahit tanggalin man iyon,mababalian pa rin kami kung tatalon kami dahil sa sobrang taas.

"Gagawa ako ng paraan."Aniya ng tumingin sa akin.

"Hindi niyo po ba matatawagan ang daddy niyo to help us?"

Umiling siya.

"They forced me to talk to my dad and said na umalis ako papuntang Australia.My dad was convinced na nasa Australia nga ako.Kaya hindi niya tayo matutulungan Kim."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.Ngunit,nangilid pa rin ang aking nga luha lalo na ng ilapat ko ang kamay sa aking tiyan.

Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi. Sa kabila ng pag-ayaw ko na magkaroon kami ng anak ni Vinny dahil sa karamdaman ko ay binigay pa rin ng Diyos ang pinakainiwas iwasan ko.

May sakit akong leukemia na matagal ko ng iniinda.Patago akong nagtutungo sa doctor habang nasa Australia kami ni Vinny kaya hindi ito lumala. Limang taon kong ininda at nilihim ang lahat sa kanya sa takot na masaktan siya.

Inaamin ko na sa tuwing nakakakita ako ng mga bata ay parang tinatarak ng punyal ang puso ko,at mas lalong bumabaon iyon sa tuwing nakikita ko si Vinny na nakikipaglaro sa mga ito habang umaasam na sana siya din ay magkaroon ng mga supling.

I know I am selfish for not telling him the truth but If being selfish means not hurting him and not making him worry then I'll take it. Mas maigi ng tawagin akong sakim basta makasama ko lang si Vinny ng matagal,ng panghabangbuhay kahit kapalit man nito ay hindi maibigay sa kanya ang anak na inaasam niya.

Pero naging masalimuot ang lahat dahil sa paglilihim ko sa kanya,kaya hindi ko siya masisisi kung sa kabila ng pagmamahal niya sa akin ay nagawa niya pa ring lumingon sa iba,sa isang babaeng kaya siyang mabigyan ng anak.

Bumagsak ang aking mga luha habang iniisip ang mga sana namin ni Vinny.

Kumusta na kaya siya?kumusta na ang bunny babe ko? kumain na kaya siya?sana sa kabila ng pagkawala ko ay aalagaan niya pa rin ang sarili niya.

'Baby?kapit ka lang ha?susubukan ko ang lahat ng paraan para gumaling at mabuhay ka.Uuwi tayo kay Daddy okay?uuwi tayo."usal ko sabay pahid ng mga luha.

Hinawakan ni Doc Vince ang aking kaliwang kamay na nakalapat sa gilid ng kama at buong pang unawa siyang ngumiti.

"I will help you."Aniya

"Thank you,Doc."

He pressed his lips and smiled."We will get through this.Okay?"

"Okay Doc."

Tumahan na ako,kailangan kong lakasan ang loob ko para kay Vinny at para sa magiging anak naming dalawa.

Samantala....
1 month later..


Vincent Pov:

My life is a mess.Nakikita iyon sa itsura ko,sa  gulo ng bahay ko at sa estadu ng negosyo namin ni Kim na kung hindi dahil sa tulong ngayon ni Kuya Sandro at Isabel ay matagal na iyong bumagsak.

I am ruined.Hindi na ako nakakapag ahit,at nanlalalim na ang eyebags ko dahil hindi makatulog sa kakaisip sa kalagayan ni Kim.

Doble-doble ang disappointments sa tuwing sinasabi ng mga imbestigador na wala pa ring lead at hindi pa rin nila mahanap ang asawa ko.I have the best detectives in town pero wala silang magawa!

Wala silang magawa!

I threw my phone on the floor and everything on my table. I am frustrated,I am in pain!

Sinabunutan ko ang sarili. How can I find you Kim?please baby come back...please...

My eyes welled up ng makita ang basag na picture frame ni Kim sa sahig.

I wiped my tears sabay yuko para pulutin iyon.

"Hi my baby....."usal ko habang hinahaplos sa kanang mga daliri ang mukha nito.

"I miss you so much my dear..bumalik ka na please..please..."my heart is longing to hug her,to kissed her.Oh god! I miss her so much!

I felt so sorry for myself,I know I deserved all this pain pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit,yung parang wala kang laban,walang gamot kundi ang indahin nalang lahat.

Tumunog ang telepono kaya saglit na nawala ang atensyon ko sa larawan ngunit ng ibaba ko ito ng patalikod sa mesa ay napansin kong may nakaumbok sa likuran nito.

Out of curiosity ay binuksan ko ang likod ng frame kung saan tumambad sa akin ang isang nakatuping papel.

Bumilis ang tahip ng aking dibdib habang dahandahang binubuksan iyon at pigil ko ang hininga ng mabasa ang unang mga katagang nakasulat dito.

"Dear Vinny,"

My throat hurts sa pagpipigil kong umiyak ulit lalo na ng mabasa ang mga sunod pang mga katagang nasa loob ng liham ng asawa ko para sa akin.

"I am sick,I have leukemia at sorry kung wala akong lakas ng loob na sabihin sayo 'to.Pero paano?how can I tell you by not breaking your heart?

Ayoko..ayokong masaktan ka,dahil mahal na mahal kita.Vinny,hindi sa ayaw kong bigyan ka ng anak,dahil gusto ko,gustong gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka,pero sadyang malupit ang tadhana at ito na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi ko maibigay sayo ang pamilya na ninanais mo.

Lihim akong lumuluhang mag-isa sa tuwing nakikita kong masaya ka habang nilalaro sina Uno at Dos.Alam mo ba,sa tuwing pinapanood kita at naiiyak na ako,gumagawa ako ng dahilan na kesyo may aasikasuhin ako saglit pero ang totoo umaalis ako kasi ayokong nakikita mo ang pagbagsak ng mga luha ko.I dont want to ruin your happiness because of my misery.

Maaari akong mawala Vinny kung sakaling magdadalangtao ako,dahil baka hindi kayanin ng katawan ko ang magbuntis.At maaaring hindi lang ako ang mawala sayo kundi pati na rin ang anak natin.Kaya ayoko,ayokong domoble ang sakit na mararamdaman mo.

Ayokong saktan ka,dahil nangako ako sa Diyos na papasayahin kita.

Pero hayaan mo,magpapagaling ako,gagawin ko ang lahat gumaling lang ako dahil gusto pa kitang makasama,hanggang sa pagtanda,hanggang sa panghabangbuhay.

Mahal kita Vinny,at sa oras na gumaling ako ibibigay ko sayo ang bagay na makapagpapaligaya sayo at yun ay ang magkaroon ng anak at bumuo ng matatag na pamilya kasama ako.

Pero kung sakaling hindi ko maibigay yun..sana..sana maging sapat ako para mapasaya ka.

Lalaban ako Vinny,lalabanan ko ang sakit ko sa abot ng aking makakaya. pero kung sakaling hindi ko man kayanin,gusto kong magmahal ka ulit,magmahal ka ng taong maging sapat at kayang bumuo ng pamilya kasama ka.

Patawad kung hindi makakarating ang liham na ito sayo.Sadyang sinulat ko 'to para maibsan man lang ng kunti ang bigat na pasan ko.

I love you Vinny.

Always,forever

Kim

I closed my eyes,sabay bagsak ng mga luha.

"I am terribly sorry Kim,I didn't know that you are hurting....hindi ko alam that while I am longing to have kids and have a family with you,you are secretly fighting to live and be with me..I am so sorry my love..I am soo sorry...sorry....."

I sobbed.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now