S2-27

119 21 43
                                    

#ToughDecision

Kim

But...

Agad napalitan ang saya ng pagkabahala dahil......

Habang buhat ako ni Vinny pababa,ay naramdaman kong may lumabas sa maselang bahagi ng katawan ko, na kahit si Vinny ay natigilan din ng mapansin ang bahid ng dugo sa kanyang braso.

Kasunod nun ay parang sinuntok ang tiyan ko,sumakit na parang malalagutan ako ng hininga sa sobrang sakit.

"Ate!!!!!"sigaw ko sabay hawak ng mahigpit sa braso ni Vinny.Wala na akong pakialam kahit mabaon man ang kuko ko sa braso niya.

"Kim?!oh god!Ate Jack!she's bleeding!"sigaw ni Vinny.

Sumigaw na ako sa sobrang sakit.Nakababa na kami at kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa luha ko ay malinaw pa rin sa akin ang ilang mga kapulisan na nasa harapan ng bahay ni Clark. Bahay na nagsilbing bilangguan ko sa loob ng pitong buwan.

"Hindi ko na kaya!!ahhhhh!!ang sakit!!!"impit na sigaw ko.

Mabilis ang galaw ni  Vinny at Ate Jack.Naisakay agad ako ni Vinny sa suv at si Ate Jack naman ang nagmaneho.

Kalmadu si Ate Jack,pero ramdam ko ang pag-aalala niya dahil halos paliparin na niya ang sasakyan,madala lang ako sa pinakamalapit na hospital sa Cebu.

"Vinny....hi-hindi ko na ka-kaya.."nanghihina kong saad.

Sa tuwing napapapikit ako ay hinahawakan ni Vinny ang pisngi ko para magising ako ulit.

"Ahhhhhh!!!!!"sigaw ko na naman,parang mababali na ang spine ko,ang mga buto ko sa balakang!hindi ko na kaya!

"Baby!kunti nalang!please lumaban ka!"si Vinny na tagaktak na ang pawis at balisa na rin.

Panay paling ko ng aking ulo habang kinakaya ang sakit na parang bumabaon na sa mga buto ko.

"Manganganak na ako Vinny!ahhhhh!!!"

Tumunog ang preno ng sasakyan ng halos mag drift ito sa harapan ng emergency ng hospital.

Mabilis na bumaba si Ate Jack at tumakbo sa loob ng emergency room.

Hinang-hina na ako,nag e echo at unti-unting ng humihina ang boses ni Vinny sa pandinig ko."Hi-hindi ko na kaya..hindi----"

Bumukas ang pintuan ng sasakyan ngunit bago pa man nila ako mabuhat palabas ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

---

"Mommy?mommy wake up!"

Dahandahan akong nagmulat ng mga mata.

And I saw a sweet little girl in front of me,wearing a yellow flowery dress.Pakiwari ko ay nasa tatlong taong gulang ang batang babaeng kamukhang-kamukha naming dalawa ni Vinny.Bilugan ang mga mata ng bata na namana niya sa akin,ang tangos ng ilong at charming na ngiti naman ay namana niya kay Vinny,ngunit ang hugis ng mukha at kulot na kulay mais na buhok ay sa akin.

Ang ganda ng anak namin ni Vinny.Ang ganda-ganda niya.

"Mommy?hi!"

Dahandahan akong bumangon.Napagtanto kong nakahiga pala ako sa malinis at luntiang damuhan.Na parang sadyang ni landscape ng pagkaganda na para bang natutulog kalang sa iyong kama.

"Hi baby..."sa wakas ay naiusal ko.

"Hi Mommy!"

"What are we doing here?"tanong ko.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now