#MyGirl
Kim
Social distancing kami ni Vinny sa loob ng taxi.
Keri ngang maupo ni Satanas sa pagitan naming dalawa.
Nakahalukipkip siya,salubong ang kilay at nakatingin lang sa labas ng bintana.
Napalunok ako. Alam kong matapang ako pero pagdating sa isang to tumitiklop ang tuhod ko.
Ahem!
Sinubukan kong magpapansin pero nanatili siyang walang imik.
Ubo**
Wala ring epek!
Kinagat ko ang labi.
"Ang layo mo sa akin ah!"sabi ko.
He glared at me sabay tingin ulit sa labas ng bintana.
"I hate the smell of alcohol."aniya.
Inamoy ko ang sarili.
Aisshh amoy alak pa nga ako.
Humilab ang tiyan ko.
Shit!huwag ngayon!mainit pa ulo ni Vinny baka masipa ako palabas ng taxi.
Naramdaman ko ng masusuka ako.
"Vinny.."
Hindi siya sumagot.
"Vinny ano....ahh—-"
Gagi masusuka na talaga ako.
"Vinny!"
Galit siyang lumingon sa akin.
"What happen to Babe?!"asik niya.
Nakagat ko ang labi.
Lumuwang ang turnilyo sa utak ko.
"Babe?ayoko na ng Babe naiintindihan mo ba?di ba Babe ang tawagan niyo nong walking filter na yun?!"bwelta ko.
Humalukipkip siya at hindi na madrawing ang mukha. Halos magyakapan na ang kilay niya sa inis sa akin.
"Then huwag mo akong kausapin!"angil niya.
'Anak ng!!eehh!!William Vincent Marcos!!!'Tinitiris ko na siya sa utak ko.
"Manong para!bababa ako!"
"No Manong!"
"Manong para sabi!kundi tatalon ako!"
"You brat!huwag kang hihinto Manong!"
"Ano ba!nasusuka na ako!--- Baby ko!!!"
Natigilan siya,napakurap at —-
"Manong stop!"
Huminto ang driver.
Mabilis na lumabas ng sasakyan si Vincent,at umikot para pagbuksan ako ng pinto sa kabila.
Bwisit!gusto lang pala magpatawag ng baby ko ang hinayupak!
"Slowly baby..."
Takte!talagang inalalayan pa ako.
Hinawakan niya ang buhok ko habang sumusuka ako sa gilid ng kalsada.
Ang sakit ng sikmura ko!walangyaaa!!!!
"Baby....okay ka lang?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay?okay ba tong halos ilabas ko na ang bituka ko!"
BINABASA MO ANG
Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)
RandomA story of love and forgiveness. Dropout!spoiled brat! bobo!yan ang malimit na itawag kay Kimberly, kaya lumayas siya sa kanila para makalayo sa panghuhusga ng mga tao. Nakilala niya ang isang anak ng politikong wala ng ginawa kundi inisin siya, per...