30

372 46 3
                                    

#MahalKita


Vinny

Tagaktak ang pawis ko matapos akong magsibak ng kahoy. Habang ako ang nagsisibak ay si Kenneth naman ang nagdadala ng mga pinagsibakan ko sa loob ng bahay.

Hindi ko na pinapatulan ang mga pasaring niya dahil mapipikon lang ako at baka masira pa ang inaalagaan kong reputasyon sa ama ni Kim.

Pagod akong sumandal sa puno ng atis habang nagpapahid ng pawis. Dumating si Kenneth at tumabi ng upo sa akin sabay bigay ng isang mineral water.

"Tanggapin mo na, arte nito!" Anito.

"Tch!"kinuha ko ang tubig, sabay inom.

Nagkibit balikat siya. Inilapat niya ang mga bisig sa mga nakatiklop niyang tuhod at tumingin sa kawalan.

"Alam mo, bagay kayo ni Kim."

Inarkuhan ko siya ng kilay.

"At tsaka, hindi ka dapat mathreatened sa akin dahil hindi naman ako ang totoong karibal mo kay Kim."

"What?"

Lumingon siya sa akin.

"Si Luke, yung kababata niya, yun ang karibal mo sa kanya, tinuturing ni Kim na hero niya yun e."

I nodded.

"E bakit ka pa nagpapasikat dito?" Sabi ko.

"Hm, I am not, Ninong at Ninang ko ang parents ni Kim, kaya nga Mama at Papa ang tawag ko sa kanila, at kaya ako pumunta dito e para magpaalam sa kanila na pupunta na ako ng Korea. May kumuha kasi sa aking agency para maging kpop idol doon."

"Huh?bakit Koreano ka ba?"

"Half breed" aniyang nakangisi.

"Tch!"

"Di ka naniniwala?my Mom is a pure Korean and my Dad siya yung pinoy,so half breed,"

"Yeah, whatever!"

"So, goodluck!sana pumasa ka kay Tito."aniya sabay tayo at alis.

"Hey!"tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin.

"Thank you!" I said it with sincerity.

He winked and smiled, saka tuluyan ng umalis.

Bumalik siya sa loob ng bahay, ako naman ay nanatili na muna sa ilalim ng puno para magmunimuni.

Makalipas ang ilang oras ay umalis na rin si Kenneth, tinawag naman ako ni Mang Jacob kaya tumalima na rin ako.

"Magbihis ka, magsisimba tayo." ani Mang Jacob.

"Ah, okay po." sagot ko. Hinanap ng mata ko si Kim ngunit hindi ko siya nakita. 

Nagpunta ako sa kotse ko at naghanap ng maari kong isusuot sa simbahan. Buti nalang at may natira pa sa duffle bag kong white long sleeve polo at maong pants. 

Pagkatapos kong makaligo at makapagpalit ng damit ay hinintay ko na si Kim sa labas. 

Naunang lumabas si Mang Jacob at Aleng Karen na nakabihis na rin at dumerecho na sa pick up nila. Huminto pa si Mang Jacob sa tapat ko para paalalahanin akong mag-ingat sa pagmamaneho. 

Nakapamulsa at nakasandal ako sa hood ng sasakyan ko habang hinihintay si Kim, kinakabahan ako na nae-excite. Napakamot ako sa noo, hindi na normal 'to Vinny, hindi ka pa naman groom. Haha!

"Baby!"

Mula sa pagkakayuko ay dahandahan akong nag-angat ng tingin at natulala na ako. Huminto ang mundo ko, natigil ang paggalaw ng segundo ng orasan hanggang sa tuluyan ng nag slow mo si Kim sa mga mata ko. 

Si Kim, nakalugay ang wavy na buhok na nililipad ng hangin at ang gandaganda niya sa suot na pink na bestida at white flat pumps. 

Hindi ko na napansin na nakaawang na ang labi ko at nakalapit na siya sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko na napansin na nakaawang na ang labi ko at nakalapit na siya sa akin. 

"Hoy!"

"Ha?"

"Okay ka lang?"

"O-oo naman!"

"Nauutal ka e..ayaw mo ba sa suot ko?"

Pinasadahan ko siya ng tingin. 

"Sobrang ganda mo."Namutawi sa labi ko.

"Tara na!"

"Sure!" 

Pinabuksan ko siya ng pinto. Napakamot ako sa batok ng tuluyan siyang makapasok sa loob. 

Pagkaupo ko sa driver's seat, ay bahagya siyang tumagilid para humarap sa akin. 

Nakangiti siya. 

"Baby? ang gwapo mo." Aniya.

Nakangiti akong lumingon sa kanya. 

"Talaga?"

Tumango siya sabay lapit ng kunti sa akin at hinalikan ako sa pisngi. 

Pinigilan ko ang kilig sa pamamagitan ng pagpigil ng ngiti.

Nakita ko sa gilid ng mata na nanakawan na naman niya ako ng halik sa pisngi kaya inunahan ko na siya, lumingon ako para lumapat ang labi niya sa labi ko.

Natutop niya ang bibig.

"Ang daya ah!"

I winked.

Namula ang pisngi niya at ngingiti-ngiting tumingin sa labas ng bintana. 

Bago ko pa man pinaandar ang sasakyan ay nilingon ko pa siya. 

"I love you," usal ko. 

"Anong sabi mo?"

Iiling-iling akong nagkibit balikat sabay buhay ng makina ng sasakyan. 

"Hoy anong sabi mo?" 

Nakahawak siya sa aking kanang braso at kinukulit ako. 

Nakangiti akong lumingon sa kanya. 

"Sabi ko Mahal kita!"

Natahimik siya.

"Ahh....mahal din kita.."bulong niya, na narinig ko.

Naipreno ko bigla ang sasakyan.

"Anong sabi mo?"

Nanliit ang mga mata niya sa pagkakangiti.

"Ano ngang sabi mo?"ako naman itong nangungulit.

She giggled,"Sabi ko,Mahal kita!Mahal kita!Mwah!mwah!"

Lumubo ang puso ko sa sinabi niya, kaya hindi na ako nakapagtimpi, I grabbed her nape with my right hand and kissed her on the lips. 


Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now