42

392 40 11
                                    

#KimsPhotograph

Vincent

Pareho kaming natigilan ni Luke ng makita namin si Kim na nakaupo sa sahig at may tumatagas na dugo sa kaliwang kamay. Hindi lang iyon, may basag ding baso sa sahig kung saan si Isaac naman ang nagpupulot ng bubog.

"Saan ba kayo galing?ayan tingnan niyo nasugatan tuloy si Kim!" asik ni Isaac.

Mabilis akong lumapit kay Kim at inalalayan siyang tumayo.

Iginiya ko siya sa sofa, si Luke naman ay mabilis nakababa mula sa kwarto sa taas at may hawak na ngayong first Aid Kit.

Ibinigay niya sa akin ang kit at umupo sa kabilang sofa. He looked worried too like me.

"Ano ba kasing nangyari Kim?"tanong ko, habang pinupunasan ang dugo sa kamay niya.

Bumagsak agad ang mga luha ni Kim.

"Nahulog yung baso, hindi ko naman sinasadya, iinom lang naman kasi ako ng tubig tapos natabig ko." Paliwanag niya.

I hissed.

"Alright, just stop crying okay, sana hindi mo nalang din pinulot yung bubog, look what happened to you, nasugatan ka tuloy."

Suminghot si Kim.

"Kim, may problema ba?" tanong ni Luke.

Luhaang lumingon si Kim sa kanya.

"Kinakabahan ako, mukhang may masamang mangyayari..Luke, pu-pwede mo bang tawagan si Ate Jack?"

Tumingin ako kay Luke.

Tumango ito at agad kinuha ang cellphone sa bulsa.

Lumapit na rin sa amin si Isaac na may daladalang dustpan na may bubog at walis.

Tumingin si Luke sa amin at umiling.

"Hindi makontak ang ate mo e."Ani Luke.

Pinahid ni Kim ang mga luha.

"Si T'yang Lupe?baka alam niya kung nasaan si Ate."

Tumango ulit si Luke at nagdial ulit ng number.

Natapos ko ng gamutin ang sugat ni Kim, kaya umusog ako sa tabi niya at inilingkis ang kaliwang braso sa likuran niya.Hinahagod ng kaliwang kamay ko ang braso niya para patahanin siya.

"Hindi rin makontak Kim." Sabi ni Luke.

"Wala ba kayong signal doon? "sabat ni Isaac.

"Meron naman, baka may ginagawa lang sila, don't worry Baby, tatawagan ko si Simon.Baka nakita niya ang ate mo." Sabi ko.

Tumahan si Kim, ngunit bagsak pa rin ang mga balikat nito,kaya nagtuloy muna kami sa taas para siya makapagpahinga.

Hindi ko iniwan si Kim, nakaupo ako sa upuang nasa tabi niya habang hawakhawak ang kaliwang kamay niya hanggang sa tuluyan na rin akong nakaidlip sa tabi niya. 

-------------------------------------

Nagising ako sa mahinang yugyog ni Tita Mel sa aking balikat.

"Bumaba ka muna doon, kumain ka na muna at ako ng magbabantay kay Kim." Ani Tita.

Kinusot ko ang aking mga mata bago tumayo saka nagpaalam kay tita.

Naabutan ko si Luke at Isaac na nakaupo sa pasimano ng balkonahe. May maliit na mesang may nakapatong na dalawang bote ng beer sa harapan nila. 

"Oi!ikaw pala tisoy!inom ka?" Sabay alok ni Isaac ng hindi pa nabubuksan na isang bote ng beer na nakalagay sa case na nasa baba ng mesa.

Tumango ako.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now