S2-12

140 23 28
                                    

#AngGulo

Kim

I booked the earliest flight back to Ilocos ngunit na cancelled dahil sa nangyaring lindol kagabi. May aberya sa airport so I have no choice kundi ang magtravel by land. 

Sa hotel ako tumuloy kagabi at sinamahan ako ni Collin,magkaiba kami ng kwarto ngunit hindi naman magkalayo. Honestly,magaan ang loob ko kay Collin at hindi ko alam kung bakit,maybe sa past life ay magkakilala na kaming dalawa. 

Sa kabila ng pagiging seryoso nito ay malumanay naman itong makipag-usap sa akin. He even made sure kagabi na okay na ako bago niya ako iniwan sa silid ko. I tried reaching out to Vinny ngunit nag-umaga nalang hindi niya pa rin sinasagot ang telepono niya. 

Pagkalabas ko ng hotel ay naabutan ko sa lobby si Collin, mukhang paalis na rin ito. 

"Hi."Bati ko. 

He nod.

He is wearing a formal coat and tie,may itsura siya kaya panay tingin ng mga babae sa kanya sa lobby.

"You're going home?"tanong niya.

"Oo,kaso kailangan ko atang magtungo sa terminal ng bus pauwi ng Laoag dahil cancelled yung flight ko."

Tumango-tango siya.

"Ilocos Norte?"he asked.

Tumango ako.

"Sabay ka na sa akin.I am going to Baguio and maybe from there,mas madali kang makasakay ng bus pauwi ng Ilocos.What do you think?"

Nag-isip ako saglit. "Ahh...sige."

"Okay."Seryoso niyang sagot. Nauna siyang lumabas at nagtungo sa parking lot. Nakasunod ako sa kanya. 

Isang expensive red land rover defender ang kotse niya, na bumagay naman sa kanya,dahil matangkad siya at lalaking-lalaki pa. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto. 

"Salamat." sabi ko.

Tumango lang siya at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. 

Hindi na kami nagtagal sa hotel at umalis na agad

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Hindi na kami nagtagal sa hotel at umalis na agad.

Tahimik si Collin habang nagmamaneho, he is not reckless at mukhang mahaba naman ang pasensiya sa mga sumisingit sa daan. 

Hindi kami nag-usap dahil wala din naman akong sasabihin,hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng Maynila. 

Minsan ay nagkakatinginan kaming dalawa at parehong tipid na napapangiti sa isat'isa. 

"Ahh..."

Napalingon ako sa kanya.

"Yes?"

"Nagugutom ka na ba?"tanong niya.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin