44

319 46 30
                                    

#Live&Leave

Vincent

3 days later.....

Luke is admitted to the ICU, at si Kim, Kim is been with him,looking after him,hindi niya iniiwan si Luke at ni hindi siya umaalis sa labas ng silid nito.Gaya ngayon, nakaupo siya sa 3 seater gang chair sa labas ng ICU. Namumugto ang mga mata at nakatitig sa kawalan.

Mula ng ma confine si Luke dito sa ospital ay hindi na makakain ng maayos si Kim,ni hindi pa nga siya nakakauwi at kahit na anong pilit ni Tita Mel na magpahinga siya,ay ayaw niya.

I want to get mad at her, I wanted to scold her for not taking good care of herself,but how can I do that kung ganitong kahit sa akin ay hindi siya nakikinig.

Hindi ko maiwasang magselos,but I know it's ridiculous,paano ko pagseselosan ang isang taong nakahiga sa kama at nakikipaglaban para mabuhay.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago nilapitan si Kim.

"Baby...." I said bago inalok ang kapeng nasa plastic cup.

Bahagya siyang nakatingala sa akin.

Nanlalalim na ang eyebags niya at namumugto pa ang mga mata niya.

"Salamat." She took the cup in my hand,at hinipan iyon bago uminom.

Tumabi ako ng upo sa kanya. Inakbayan ko siya at hinilig ko ang ulo niya sa aking dibdib.

"Magiging okay din siya Kim... hayaan mo,magigising din siya.."

She looked at me with a sad smile on her lips.

"Naniniwala ka bang magigising pa siya?"

I pressed my lips and nod.

Kim sighed.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Umiling ako.

"Sasamahan muna kita."

Kim nod.

Naghari ang katahimikan and even when we are outside the ICU room ay naririnig pa rin namin ang mga tunog ng machine na tumutulong kay Luke para madugtungan pa ang buhay nito.

Tuluyang nakaidlip si Kim sa aking dibdib,and I am counting her breathing,I love the sound of it dahil iyon ang nagpapakalma sa aking puso ngayon. 

I am suppressing everything inside dahil ayokong makita ni Kim na pinanghihinaan ako ng loob dahil sa pagkakataong ito ay wala siyang ibang makakapitan kundi ako.

Nang biglang...

Code Blue!
Code Blue!

Naalimpungatan si Kim at nataranta ng makitang nagtakbuhan ang mga nurse papasok sa silid ni Luke.

"Sandali!anong nangyayari?!Doc?!"

Hindi agad nakapasok sa loob ang lalaking doctor ng pigilan ito sa kaliwang braso ni Kim.

"Let me through Mam!"

Hinila ko na si Kim,nagpumiglas siya kaya niyakap ko na ang mga kamay sa kanyang sikmura.

"Ano ba?!bitiwan mo ako!kailangan ako ng kaibigan ko!"

"Kim!let the doctor do their job!"

"No!"

"Wala ka ring maitutulong Kim!"

"Meron! dahil kaya kong manatili sa tabi niya habang buhay! mabuhay lang siya!wala na siyang mga magulang Vinny!at ako nalang..ako nalang ang meron siya!" 

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now