16

392 44 16
                                    

#Secret


Kim

Nakahilig ako sa dibdib ni Vinny habang lulan kami ng taxi patungo kung saan.

Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta dahil kahit sumakay pa kami ng kintoun clouds at makarating sa planet namic ay wala akong pakialam basta kasama ko lang siya. O di ba hanep nadamay na ang dragon ball z sa mga ilusyon ko. Hehe!

Ayoko ng walang label pero kung ganitong nakakasama ko naman siya palagi?sige keri na!

Bahagya akong tumingala.

Napangiti ako ng dampian niya ako ng halik sa noo.

"I dont want you to get near with that guy again." Aniya.

"Okay." Nakangiti kong sagot.

Ngumiti siya at hinalikan ulit ako sa noo.

Tinuro ko ang labi at ngumuso.

Lumapad ang ngiti niya sabay pa smack akong hinalikan sa labi.

"Baby?" Tanong kong namumungay ang mga mata.

"Hm?"

"Gusto kitang tunay!"

Kinurot niya ako sa pisngi.

Hindi siya sumagot at nanatili lang walang imik.

Nagtaka ako sa reaction niya pero pinalampas ko nalang at humilig nalang sa dibdib niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa may tabing dagat kung saan tanaw namin ang dalawang yate.

"Anong ginagawa natin dito?sasakay tayo diyan?" Sabay turo ko sa mga yate

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


"Anong ginagawa natin dito?sasakay tayo diyan?" Sabay turo ko sa mga yate.

Tumango siya at hinawakan ang aking kamay.

Nagpatianod na ako, hindi ko maiwasang mapanganga lalo na ng makaakyat kami at matanaw ko ang magandang loob ng yate.

"Ang ganda!"bulalas ko.

"Kim!"

May tumawag sa akin kaya lumingon ako.

"Kuya Simon??"



Vinny Pov:

Akmang yayakapin niya si Simon ngunit mabilis kong nahawakan ang manggas ng shirt niya kaya napabalik siya sa aking tabi.

Umarko ang kilay ni Simon at makahulugan akong tiningnan.

I smirked. Nagkibit balikat si Simon at iiling iling na ngumiti.

Kumuha siya ng dalawang can ng beer sa mini ref na nasa gilid.

"So Si?tuloy na talaga?"

Tanong ko habang sinusundan si Simon palabas patungo sa deck.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن