14

405 49 26
                                    

#CoffeeOrMe?

Kim

Sobrang badtrip ako!

Napipikon ako sa maarteng si Kate at naiinis ako sa pagmumukha ni Vinny.

Kung makaawat kay Kate parang ----

Ugh!

Ipinilig ko ang ulo.

Pakialam ko ba!kahit na yakapin pa niya yung maarteng filter na yun!wala akong kebz!

Naglakad ako patungo sa guard house, sabay upo sa upuang nasa gilid.

"Pst!" Sitsit ng epal na guard.

Sinamaan ko ng tingin ang binatang guard na si Erl.

May itsura din naman ang gunggong,matangkad,chinito,matangos ang ilong,yun nga lang nuknukan lang ng epal.

"Ano?pinalayas ka na?" Anitong natatawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano?pinalayas ka na?" Anitong natatawa.

Wala akong planong makipaglokohan sa kanya dahil badtrip ako.

Sumandal siya sa poste ng gate.

"Alam mo,magkahawig kayo ng ate mo,pareho kayong bastos kausap."

Tumayo ako at kinuwelyuhan siya.

"Oh!oh relax!ano ba kasi problema?"

Binitawan ko ang kwelyo niya at bumalik sa pagkakaupo.

"Wala!"

"Tss!meron yan!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ngang pangalan mo?" Tanong ko.

Mayabang siyang ngumisi.

"Erl." Sagot niya.

"Yung fullname mo?"

Alangan siyang sumagot.

"Erlyoterio!"

Natawa ako sabay duro sa kanya.

"May pa Erl Erl ka pa!Erlyoterio ka pala!bantot ng pangalan mo chong!"

Dinuro niya ako.

"Hoy pangalan ng Tatay ko yan!"

"Bakit sinabi ko bang hindi?"

"Loko to ah!"

Iiling-iling akong ngumiti.

"Motor mo?" nakaturo ang nguso ko sa  Xrm blue na nakaparada sa gilid.

"Oo bakit?"

"Pahiram!"

"Yoko nga!"

"Eto 5k,deal?"
Pakita ko ng pera sa kanya.

Nag isip pa siya.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon