S2-26

126 24 39
                                    

#Rescue

Kim

We've waited until midnight hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa ang maglola.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"Tumakas na po kayo!"Saad ng dalagita na humawak pa sa aking mga kamay.

"Hindi lang kami!tayo!"sabi ko sabay lingon kay Doc Vince na naalarma na rin.

"Let's go!"Doc Vince said.He grabbed my right wrist sabay hila sa akin palabas ng silid.

Mabilis kaming bumaba ng hagdan.

Napalingon ako sa mga tauhan ni Clark.Bagsak ang mga ulo nito sa mahabang mesa at tulog. Nagkalat pa ang mga bote ng alak sa mesa maging sa sahig.Tulog din ang dalawang gwardiyang nakabantay sa paanan ng tatlong baitang na hagdan.

Pero wala si Clark.

"Na-nasaan si Clark?"tanong ko.

"Umalis siya ate kasama ang mga pulis na bisita niya kanina."Sagot ng dalagita.

Napalunok ako. "Saan tayo pupunta ngayon Doc?!"

Nagpalinga-linga si Doc Vince bago bumaling sa akin.

"Hindi tayo maaring tumakbo patungo sa highway dahil tiyak na makakasalubong o maaabutan tayo nina Clark!sa--"Tumingin siya sa masukal na kagubatan,parte ng bundok na nasa may di kalayuan. 

"Don!don kayo magtatago!"

"Sandali!anong kayo?!tayo!"Sabi ko.

Humarap siya sa akin."Hindi Kim!sa highway ako pupunta!susubukan kong makahingi ng tulong sa mga dumadaang sasakyan doon!kaya sige na!"

Umiling ako."Hindi!paano kong mahuli ka nila?!makita ka nila!paano ka?!hindi ako papayag Vince!"

"Kailangan nating subukan Kim!"

"Hindi nga pwede!ayoko!"

Pareho kaming natigilan ng masilaw ng ilaw ng paparating na sasakyan.

"Takbo na!"sigaw ni Vince.

"Hindi!hindi kita iiwan!"

"Kim--"Bagsak si Vince ng tamaan ito ng bala sa kaliwang binti.

"Go Kim!now!"sigaw niya habang nakahiga sa lupa at namimilipit sa sakit.

Hinila na ako ng dalagita palayo kay Vince sabay takbo.Animo'y nakabukas na gripo na ang mga luha ko at hindi na natigil sa pag agos habang tumatakas kaming tatlo.

Dalawang magkasunod na putok pa ang narinig namin habang papalayo na kami sa mansyon. Mabuti nalang at medyo maliwanag ang buwan na siyang nakatulong para maaninag namin ang tinatahak na daan patungo sa kagubatan,paakyat ng bundok.

"Hi-hindi ko na kayang tumakbo apo.."saad ng hapong-hapo ng matanda.

"La..sige na po,subukan niyo pa po,kailangan po nating makatakas dito.."umiiyak na saad ng dalagita.

Hinihingal at bagsak ang mga luha kong nakatingin sa kanilang dalawa.Nawawasak ang puso ko sa nakikita ko.

"Si-sige na Apo..Iligtas mo na si Mam..pa-pabayaan mo na ako.."

Niyakap ng dalagita ang lola niya."Hindi La..hindi ko kayo ii----"

Isang putok ng baril ang narinig namin,at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng matamaan sa likod ang matanda habang nakayakap sa apo nito.

Bahagyang nakabuka ang bibig ko at namimilog ang mga mata ko dahil sa nangyari.

Tulala,lito ang dalagitang hinawakan ang pisngi ng lola niya."Lola?la?!!"Tuluyang niyakap ng dalagita ang katawan ng lola niya.Humagulhol siya,nadudurog ang puso ko sa pagtangis niyang ubod ng sakit.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now