S2-13

219 27 53
                                    

#Layas!

Kim

Nagkulong na ako sa kwarto at kahit anong katok ni Vinny ay hindi ko siya pinagbuksan. Sa isang iglap pakiramdam ko naglaho ang pagmamahal ko sa kanya.

Gagu ba siya?sino bang siraulong magdadala ng babae dito sa bahay at ex niya pa?I get it,gusto niya lang makasiguro na okay ang baby sa sikmura ni Steph.Pero what the fu**?paano ako?paano naman ang nararamdaman ko?

Nagtungo ako sa maliit na balkonahe ng kwarto namin ni Vinny para makalanghap ng hangin. Nasusuffocate ako,na parang ang sikip sikip ng dibdib ko.

Umupo ako sa pasimano,at tumanaw sa malayo.Pakiramdam ko nga, kayang butasan ng mga titig ko ang langit dahil sa inis ko.

Hindi na ako nakapagtimpi,nagtungo ako sa closet ko at kinuha sa baba nun ang isang pakete ng sigarilyo.

I am not a smoker pero sa sobrang inis ko ngayon,mukhang kailangan ko ito para kumalma.

Sinindihan ko ang sigarilyo,inipit sa bibig at nilanghap ang usok nun. Naubo ako,yung tipong ubo na pakiramdam ko lalabas ang baga ko.

Tinapon ko ang sigarilyo sa baba at nagmura. Nagpupuyos ako sa galit kung bakit ganito ang nangyayari sa amin ngayon ni Vinny.Sa pangit ng nangyayari ngayon,pati usok ng sigarilyo ay hindi ko masikmura.

Mariin kung ipinikit ang mga mata saka tumayo papasok na ako sa loob ng mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na motor na nakaparada ilang block ang layo sa bahay namin.

Sumikdo na naman ang puso ko. Ngunit ayokong umasa ulit dahil baka yung babaeng nakita ko na naman sa sementeryo itong nakikita ko ngayon,maling akala na naman at masasaktan na naman ako.

Miss ko na si ate Jack, at sa ganitong pagkakataon ng buhay ko,gusto kong kasama ko siya.

Bagsak ang mga balikat kong pumasok sa loob at tumihaya sa kama. Panay kurap ng aking mga mata habang pinapanood ko ang ilaw ng chandelier na nasa kisame.

Nakita ko ang laptop ni Vinny sa mesa kaya tumayo ako para magtungo doon.Wala namang kahina-hinala pero kinukutuban ako.

Lumabas ako ng silid,at bumaba sa sala,naabutan ko si Collin na natutulog sa sofa ,kaya maingat akong nagtiptoe para kunin ang kailangan ko na nakadikit sa wall ng bahay namin.

Tagumpay kong nakuha iyon at pumasok na ulit ng silid.



Kinabukasan...

Nagising akong wala sa tabi ko si Vinny.Malamang hindi ko siya pinapasok.Kayo ba?papapasukin niyo siya?malamang hindi rin.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan nang maamoy ko ang mabangong niluluto sa kusina.

Nagtungo ako doon at nakita ko si Collin,naka plain white shirt at may suot na black apron.

"Hi."Bati niya sa akin may hawak pa siyang sandok sa kanang kamay.

"Nasaan si Vinny?"tanong ko ng makalapit sa kanya.

Kumuha ako ng tinapay at inipit iyon sa bibig.

"Na-nasa guest room,dinalhan ng gatas si Stephanie."

Pagak akong natawa."Wow..magaling."Sarkasmo kong saad.

Collin twisted his lip at huminga ng malalim."I'll try my best na makumbinsi siyang umuwi."Aniya ng mapansin ang pananagis ng bagang ko.

Humila ako ng upuan at umupo doon."Mahalaga ba talaga sa inyong mga lalaki ang magkababy?"

Humalukipkip siya at sumandal sa sink."Hmm.. oo..but it depends,but for me,dapat it should be a mutual decision."

I scoffed at iiling-iling na nginuya ang tinapay sa bibig.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon