#Pustahan
Vinny
Kinabukasan......
Maaga akong gumising, feel ko lang bakit ba? kung ano-ano na naman naiisip niyo diyan e!
Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok, saka sumilip sa bintana.
Napangiti ako dahil pagsilip ko ay siya ring pagdaan ni Kim.
"Psst!"
Salubong ang kilay niyang tumingin sa akin.
"Bakit?!"
"Good morning!" bati ko.
Umangat ang gilid ng labi niya.
"Tss!good morning mong mukha mo!"aniya,saka dalidali ng naglakad.
Sinundan ko siya ng tingin.
"What is her problem?!" angil ko.
Mabilis akong nagbihis ng red shirt and black jersey short then white air jordan 2 OG sneakers, saka dumiretso sa banyo para mag toothbrush at magpabango.
Mabilis akong lumabas ng silid kaya muntik ko pang mabangga sina Mom and Dad na kalalabas lang ng silid nila.
"Vinny!what's wrong?saan ka pupunta?"si Mom.
Nasa paanan na ako ng hagdan ng lumingon ako.
"Mag jo-jogging ako Mom, see yah!"
Taka silang nagkatinginan ni Dad.
Tamad akong mag jogging, pero inspired ako ngayon, huwag kayong ngumiti, bakit ba?
"Goodmorning Kuya!" bati ko sa guard.
"Sir?Sir?!saan kayo pupunta?"
"Magja-jogging ako Kuya!sige po!"kumaway ako sa kanya.
Taka itong hinatid nalang ako ng tanaw.
"Good morning Earth!"
"Good morning trees!"
"Good morning dogs!"
"Good morning cats!"
Mapa askal, mapa-pusakal ay binate ko na. Ang ganda ng mood ko, sa tanang buhay ko, ngayon ang pinakamagandang umaga ko.
"Saan na kaya yun?"
Nag ala giraffe na leeg ko matanaw lang si Kim.
Nakarating na ako ng plaza kakatakbo at dumaan ng covered court pero hindi ko mahagilap si Kim.
Hanggang sa makarating ako sa skatepark.
Nakita ko si Kim.
Nag slow mo siya sa mga mata ko habang naglalakad siya papunta sa isang bench.
أنت تقرأ
Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)
عشوائيA story of love and forgiveness. Dropout!spoiled brat! bobo!yan ang malimit na itawag kay Kimberly, kaya lumayas siya sa kanila para makalayo sa panghuhusga ng mga tao. Nakilala niya ang isang anak ng politikong wala ng ginawa kundi inisin siya, per...