12

371 44 11
                                    

#Girlfriend


Kim

"Babe!"

"Babe!"

"Im here!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Ang nagbabagang apoy na kanina ay lumulukob sa akin ay agad agad namatay at napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin.

Natigilan din si Vinny at agad lumuwag ang kaliwang kamay na nakahawak sa aking hita.

Dahandahan kong binaba ang mga paa at umayos ng tayo.

"Si-sino yung tumatawag sayo ng Babe?"

Lumunok siya at nag iwas ng tingin.

"Si Kate."

"Ahhh.."

"Sinong Kate?"

"MY GIRLFRIEND."

Parang pinompyang ang tenga ko sa narinig.

Napalunok ako.

"Ahh..lumabas ka na." Sabi ko. Shet!bakit parang naninikip ang dibdib ko.

"Ha?" Bakas sa mukha niya ang pagkalito.

"Sabi ko lumabas ka na.."kalmadu kong sabi.

Hinawakan niya ako sa braso,"I-I can explain Kim.."

Ngumiti ako.

"Anong explain?ano ka ba?joke joke lang naman yung sa atin,huwag ka mag alala cool ako!"

Bumagsak ang mga kamay at nagsalubong ang mga kilay niya.

"What did you just say?"

Napalunok ako.

Bakit siya galit?

"Wala naman talagang tayo,kasi joke lang naman yun!"alanganin ang ngiti kong sagot.

Scoffs**

"Fine!joke lang pala yun?!!nice joke then!" Sarkasmo niyang tugon.

"Babe!matagal ka pa jan?!"

Masama ang tingin ni Vinny sa akin.

"I am coming Babe,just wait for me downstairs!"

Naiilang na ako sa titig niya,dahil kitang kita ko sa mga mata niyang galit siya sa akin.

"But I wanna kiss you now Babe!"maarteng sambit ng babae sa labas ng pinto.

Bumuntong hininga ako.

"Lumabas ka na Vinny,kaya ko na ang sarili ko, magaling akong magtago at umeskapo,sige na!"

"Magaling ka ngang magbiro e!sa sobrang galing mo napaniwala mo ako!"

Kumunot ang aking noo.

Teka nga!problema neto!

"Galit ka ba sa akin?"

"Bakit may karapatan ba akong magalit?"

Pareho kaming pinipigilan ang sariling magtaas ng boses.

"Babe!come here na! "

"Kate!sa baba mo na ako hintayin pwede ba?!"

"Ugh!fine!pero bilisan mo ha?!namimiss na kita!"

Narinig namin ang nagdadabog na hakbang ni Kate palabas ng pinto.

Nang tumahimik ang paligid ay tinabig ko na si Vinny para makalabas na rin ako ng banyo.

Maagap niya akong napigilan sa braso.

"Ano ba?!"

"Mag-usap tayo Kim!"

"Anong usap?!tapos na tayong mag-usap!"

Fu**!!

Nagmura siya.

"Kate is my girlfriend!"

"Narinig ko!sabi ko nga okay lang di ba?! Ano bang ini expect mo?magselos ako?maglupasay ako sa kakaiyak?!ganun?!"

"No!"

"E ano Vinny?!ang labo mo naman!"

"Huh!ako pang malabo?di ba ikaw nga ang nagpapakilala sa akin na boyfriend mo?tapos bigla nalang sasabihin mo Joke lang yun?!are you toying with me?"

"Toying?laro?tinatanong mo ako kung pinaglalaruan kita?!di ba malinaw yung usapan na ginagawa lang natin to dahil bored tayo!o e ngayon anjan na ang girlfriend mo,so wala ka ng dahilan para mabored pa?okay?hindi mo na ako kailangan!"

"So that kiss is just a product of boredom?!ganun ba?!"

"Huwag kang mag ingles hindi kita naiintindihan!"

Pagak siyang tumawa.

"Talaga ba?!hindi mo naiintindihan o ayaw mo lang intindihin?!"

"Bakit ba?ano bang pinagpuputok ng boche mo ha?!ano bang gusto mo? Totohanin natin to?wow!hindi ko alam gusto mo palang mag collect ng girlfriend?BABE?!!"diininan ko ang Babe sa huli!tengene nanggigigil na ako!

Hindi siya nakapagsalita.

"See?hindi bebenta sakin yang collect and collect mo!nandyan na ang girlfriend kaya ibig sabihin tapos na tayo!"

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot,dahil lumabas na ako at dire-diretsong nagtungo sa silid aklatan. Binuksan ko ang pinto ng lumang library saka nagtago na doon.

Hinihingal akong nakapameywang dahil sa sagutan namin ni Vinny.

Leche!muntik ko pang maisuko ang bataan kanina!

Ugh!hindi ka lang bobo Kim!marupok ka!Bwisit!

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon