24

324 42 18
                                    

#Habulan


Kim

Mahigpit niya akong hinawakan sa baba at sapilitang pinatingin sa kanyang mukha.

"Habang hindi ko pa nababawi si Isabel, ikaw muna ang aking magiging Isabel!gagawin mo lahat ng gusto ko!pag sinabi kong sayaw!sumayaw ka!pag sinabi kong yakapin mo ako!yayakapin mo ako!hahalikan mo ako!"

Dinuraan ko siya ulit sa mukha.

Kinuyom niya ang kamao at akmang susuntukin ako sa mukha ngunit hindi niya alam na inipon ko na ang natitirang lakas ko para sipain siya ng malakas sa ari.

Napahiga si Hector at nakatukong namilipit sa sakit.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makatakas.

Sa pagmamadali ko ay nadapa pa ako, dahilan para tumama ang tuhod ko sa nakausling bakal.

Sapo ko ang tuhod na napahiga sa semento. Namilipit ako sa sakit ngunit pinilit ko pa rin ang sariling bumangon.

Paika-ika akong tumakbo, mabagal ngunit sapat para makalayo ako kay Hector.

Napapikit ako ng mawaring nasa 3rd floor ako ng lumang gusali kaya kailangan ko pang bumaba ng hagdan para makatakas kay Hector.

Mabilis ang mga hakbang ko pababa ng hagdan at hindi na inalintana pa ang nabugbog kong tuhod at ang sumasakit kong sikmura dulot ng pagsipa ni Hector sa akin kanina.

Nasa ikalawang palapag na ako ng biglang tumama ang bala ng pumutok na baril sa gilid ng pader.

Pagtingin ko sa taas ay nakita ko na si Hector. Nakangisi at may hawak na baril.

"Saan ka pupunta Baby girl?iiwan mo ba ako gaya ng pag-iwan sa akin ni Isabel?!"

Umalingawngaw ang boses niya sa buong gusali ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob at hindi na nagpadala pa sa takot. 

Patuloy pa rin ako sa pagbaba.

Nang makarating sa first floor ay agad akong lumihis ng daan. Hindi ako dire-diretsong lumabas ng gusali dahil kung gagawin ko iyon siguradong maaabutan ako ni Hector.

Maraming silid ang lumang gusali na iyon,base sa istruktura at mga kagamitan nawari kong nasa abandonadong ospital ako.

Nakarating ako sa isang lumang silid. May malaking cabinet na may maraming drawer sa gilid at may mga papel na nakakalat sa sahig.

May nakita akong basag na salamin sa sahig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May nakita akong basag na salamin sa sahig.

 Umupo ako sa sahig at dahandahang pinutol ang lubid na nakatali sa aking mga kamay gamit ang basag na salamin.

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay maputol ang lubid.

Mabilis akong tumayo at tinulak ang isang lumang mesa para iharang sa pinto. 

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now