11

402 44 13
                                    

#Shower


Kim



Hindi ko alam anong nangyari basta ba nagising nalang akong buhatbuhat ni Vinny patungong banyo.

Muntik pa siyang madulas buti nalang at mabilis niya akong naiupo sa sink, sabay lock ng pinto,at balik sa akin para---

"A---"

Naiwan sa ere ang sasabihin ko ng takpan ng kaliwang palad niya ang bibig ko.

"Ano b-----"

"Ssshh!!keep quiet!will you?!"

Panay kurap niya habang nakatingin sa nakasaradong pinto.

"Ano ba ka----"

"Vinny?are you in the bathroom?"

Nagkorteng O ang bibig ko.

Pinandilatan niya ako ng mata.

Namilog naman ang mga mata ko sabay tango.

"Ye-yes Mom!I'm ---I'm hard!"

Kumunot ang noo ko.

Anong hard?

"What do you mean?okay ka lang ba? Bakit may nakakalat na meds sa table mo?may masakit ba sayo?"

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang napakagat labi at napayukong tiningnan ang ano----

Nag iwas ako ng tingin.

I can see the Everest!😳

Nailang ako sa posisyon naming dalawa dahil bahagya akong nakabukaka dahil nasa gitna ko si Vinny at nakakulong ako sa mga braso niyang nakahawak sa magkabilang gilid ng sink.

Sumikdo ang dibdib ko ng marinig namin ang mga yabag papalapit sa pintuan ng banyo.

"Pihitin mo ang shower.."mahina niyang utos.

Nakaupo ako sa sink, nakasandal ang likod ko sa malamig na salamin at nasa bandang kanan ko ang knob ng shower.

Hindi niya magawang abutin ang knob dahil  nakaalalay siya sa akin,dahil pag iaalis niya ang mga kamay siguradong babagsak ang puwet ko sa madulas na sahig.

"Hi-hindi ko maabot!"angal ko.

Knock**
Knock**

"Vinny?son?okay ka lang ba talaga?"

Ang nangyari ay bigla nalang akong kinarga ni Vinny, dahil sa takot na mabitawan niya ako ay maagap ko ding inangkla ang mga paa sa kanyang beywang.

Humakbang siya patungo sa shower at mabilis na pinihit ang knob ng shower para lumabas ang tubig.

Muntik na akong magmura ng mabasa kaming dalawa.

"Okay Son!now I know you're okay, I heard the shower already!baba ka kaagad ha pagkatapos mo diyan, may bisita ka." Sambit ni Mam Liza.

Panay pa rin ang buhos ng tubig sa shower sa aming dalawa ni Vinny ngunit sa pagkakataong to ay ang kanang balikat na niya ang nababasa dahil humakbang na siya sa kaliwa para maisandal ako sa pader.

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

Paano ba naman kasi e nakakailang na ang posisyon namin ni Vinny. Basang-basa na ako at nagiging trasparent na ang puting bra kong suot. Manipis lang kasi ang spaghetti top na sinuot ko dahil alam kong medyo mainit ang panahon ngayon lalo na at summer.

Gagi mukhang mapapahamak ata ako sa suot ko ngayon ah!

Matangkad si Vinny kaya ng iharap ko ang mukha sa kanya ay kailangan ko pang tumingala ng kunti para makita ang mga mata niya.

At-----

Jsnsjdksbsksndjskansj!

Namumula ang pisngi ni Vinny gayundin ang tenga niya. Kinabahan ako dahil nabasa ko na'to dati, na pag namumula na ang tenga ng lalaki ibig sabihin ay may nararamdaman na siyang intense emotional reaction.

Napalunok ako lalo na ng magbaba ng tingin si Vinny at-------

😳

Tuluyang tinawid ang pagitan ng aming labi.

Bago sa akin ang lahat ng 'to, kahit na sabihing 21 na ako ay wala pa naman akong karanasan sa mga intense na eksenang ganito.

Ni wala ngang makalapit na lalaki sa akin nuon maliban kay Luke dahil nananapak ako,pero pagdating kay Vinny,bakit parang unti unting nagigiba ang mga pader na ginawa kong pananggalang sa sarili ko.

Nanatiling nakaangkla ang mga hita ko sa beywang ni Vinny. Ang kanang kamay niya ay nasa aking batok habang ang kaliwa ay nasa kanang hita ko para suportahan ang bigat ko.

Gusto kong mahinto ang ginagawa niyang paghalik sa labi ko pero, shit!nilayasan na ata ako ng katinuan ko dahil imbis na itulak si Vinny ay inangkla ko pa ang kamay sa kanyang batok at tinugon ang kanyang nakakaliyong halik.

Tengene ang bango ni Vinny!amoy baby!

Kim!tumigil ka!gumising ka!

Lumalim ang halik ni Vinny,his tongue is now reaching mine. Nasabunutan ko na siya  kaya mas lalo niyang idinikit ang sarili sa akin dahilan para maramdaman ko ang sumisigaw na everest sa bahaging iyon ng aking pang upo.

Nakikita ko na ang red flag pero leche ang redflag na nakikita ko ay bitbit na ng lumalayas na kahulihuliang cells ko na nagdadala ng katinuan ko.






Author's note:

🔥It's getting hot in here! 🤭





Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now