S2-11

149 23 12
                                    

#Danger

Stephanie

I am very annoyed.Ang tanga ni Vinny,alam ko naman e,alam kong may gusto pa siya sa akin ayaw niya lang aminin dahil sa impokritang asawa niya.

Hindi na nga ako naka first base kay Vinny may nagtatangka pa sa buhay ko. Ayokong magpunta ng pulis dahil natatakot akong may kasabwat doon ang taong gustong mawala ako sa mundo.

Bwisit talaga!

Nakauwi ako sa lumang bahay namin dito sa Ilocos. I am an orphan now,mula ng mamatay si Lolo na siyang naiwan nalang din sa akin. Kaya ko lang naman pinakasalan si Clark Gonzalo  para  isalba ang lupa ni Lolo sa Cebu na nakasangla sa pamilya nila.Oo sinulot ako ni Clark kay Vinny nuon,ang hindi alam ni Vinny kaya ko lang naman nagawang sumama kay Clark dahil ako ang gusto ng pamilya niyang maging kabayaran ng utang ng lolo ko sa kanila. I love my granddad kaya isinakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa kanya.

And I am miserable dahil si Vinny pa rin ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko habang buhay.

Binuksan ko ang ilaw ng bahay namin,at umupo sa sofang nakabalot pa ng puting tela. This is an old ancestral house kaya amoy alikabok na rin at sobrang luma na ng bahay.

Napapitlag ako ng makarinig ng kalabog mula sa hagdan at bago pa man ako makatayo sa sofa ay may nakatutok ng patalim sa aking tagiliran.

"Tayo."Utos ng estranghero,na bumulong pa sa aking tenga.

Nanginig ako sa takot at bago pa man ako makasigaw ay may bumaon ng patalim malapit sa sikmura ko.

Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa tagiliran ko habang dahandahan akong napahandusay sa sahig. Ngunit bago pa man ako mawala ng ulirat ay nagawa ko pang tawagan si Vinny para makahingi ng saklolo.

Samantala...


Vinny Pov:

Nakahiga ako sa kama ng makarinig ng pag ring ng aking cellphone. Hinugot ko iyon sa bulsa ko,expecting na si Kim ang tumatawag sa akin.Ngunit hindi pala dahil si Stephanie iyon.

Sinagot ko siya para patigilin na siya sa kung ano mang pinaplano niya. Ngunit bago pa man ako makabigkas ng isang salita ay narinig ko  ang paghingi ng tulong at paghihingalo ni Steph sa kabilang linya.

"Vi-Vinny..tu-tulungan mo a-ako..."

"Steph?!What happen?!nasaan ka?!"

"Sa-sa lu-mang ba-bahay na-namin..tu-tulungan mo a-ako Vinny..tu--"

"Steph?!Steph?!..... shit!"

Hindi na ako nagdalawang isip na lumabas ng bahay,sumakay sa kotse para puntahan si Stephanie.

Ilang minuto lang ang tinagal ko sa daan at nakarating na agad sa lumang bahay nina Stephanie. I rushed inside at nakita ko si Steph na duguang nakahandusay sa sahig.

"Steph?!Steph?!" I tried to wake her up.
Nakaluhod na ako at kinalong na siya sa bisig.

"Vi-vincent..."aniya at tuluyan ng nawalan ng malay.

"Shit!" mabilis akong tumayo,I carried Steph patungo sa sasakyan ko at isinakay siya sa likuran.

Buti nalang at madaling araw at walang traffic kaya madali ko siyang naisugod sa ospital.
Agad kaming sinalubong ng staff ng ospital at inihiga si Steph sa stretcher.

Tumulong pa akong nagtulak ng stretcher hanggang sa makapasok kami sa emergency.

"Sir!dito lang po kayo,kami na po bahala sa kanya."Ani ng nurse.

Nahilamos ko ang mga palad sa mukha.

"Please gawin niyo ang lahat.Shes-"napalunok ako."She's pregnant..please save them!"pagsusumao ko sa nurse.

"Yes sir.Kami na po ang bahala."

Naiwan akong hindi mapakali sa labas.Tatayo,uupo at sisilip sa loob ang ginawa ko.

"Save them,oh God."usal ko.

Makalipas ang halos isang oras ay lumabas ang doctor.

"Doc? hows the patient?"nag-aalalang tanong ko.

"The patient is stable sir.."Sagot ng lalaking doctor.

"How...how about the..the baby?kumusta ang baby?"

Ngumiti ang doctor. "Your child is okay Sir.Don't worry,malakas ang baby mo."Sagot ng doctor na tinapik pa ako sa balikat bago niya ako iniwan.

I admit,hinaplos ang puso ko ng mapagkamalan ako ng doctor,na ako ang ama ng baby.

Nangilid ang aking luha at hindi ko alam kung bakit. Ganito ba?ganito ba ang pakiramdam ng isang ama lalo na at nasa delikadong sitwasyon ang kanyang anak?ganito ba?

Pumasok ako sa loob,matapos akong sabihan ng nurse na maari ko ng lapitan si Stephanie.

Stephanie is unconscious ng pumasok ako. May swero siya sa kanang kamay at mukhang nakatulog dahil sa anesthesia.

Pinagmasdan ko siya,I know wala na yung pagmamahal ko sa kanya dahil si Kim na ang mahal ko,ngunit masyadong marupok ang puso ko sa batang nasa sinapupunan niya at kahit hindi pa lumalabas ang bata ay naaawa na ako dahil lalaki itong walang ama at tanging si Stephanie lang ang kasama.

Lumapit ako sa kama ni Stephanie,umupo sa gilid at bahagyang yumuko saka hinalikan ang sikmura ni Stephanie para iparamdam sa bata na masaya akong nakaligtas silang dalawa ng mama niya.

Bumagsak ang aking mga luha na mabilis kong pinahid. "I am glad you are safe.Good job,baby."I said.

Samantala in Manila...

Kim Pov:

Nakalabas na kami ng condo at nasa parking lot na.Nakaupo ako sa may gutter at katabi si Collin na hinahagod pa ako sa kanang braso para patahanin ako.

Hindi pa rin humuhupa ang takot at pagsikdo ng puso ko dahil sa nangyari.

Muntik na kami doon,muntik na kaming mamatay kung hindi nabuksan ang elevator at hindi kami nakalabas.

"Drink.."Saad ni Collin sabay alok ng mineral water sa akin na ininom ko naman.

"Salamat."sabi ko.

He pressed his lips and nod.

"Tatawagaan ko muna ang asawa ko."Sabi ko.

"Go ahead."Tugon niya.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko to call Vinny pero nadismaya ako ng walang sumasagot sa kabilang linya.

Takot na takot ako at kailangan ko siya,dahil ang marinig lang ang boses niya ay kumakalma na ako,pero wala, dahil hindi niya sinasagot ang kabilang linya.

Hindi ko maiwasan ang pagbagsak ng aking mga luha.Naghalo na kasi ang emosyon ko at hindi ko na mapigilan.

"Here.."Saad ni Collin sabay bigay ng puting panyo sa akin.

I sniffed and wiped my tears.

"Sa-salamat ulit."Sabi ko.

Tumango siya at lumapit pa sa akin,hindi ko na rin napigilan ang tuluyang pag-iyak kaya hinigit niya ako palapit sa kanya at hinayaan akong umiyak sa dibdib niya para mabawasan ang naghalo-halong bigat na pinapasan ng aking dibdib.

Gusto ko ng umuwi kay Vinny.Gusto ko ng umuwi sa asawa ko.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now