50

282 41 24
                                    

#Forgiveness

Vinny



"I'm sorry.."I said.Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at umayos ng upo.

Napansin ko ang sunod sunod na pagdating ng mga tao.Hindi ko inaasahan na hahawakan ni Kim ang kanang kamay sabay hila sa akin patungong kusina.

Dire-derecho kaming lumabas sa nakabukas na pintuang nandoon bago niya binitawan ang aking kamay.

"Halika may pupuntahan tayo."Aniya.

Sumunod ako kay Kim,at kalaunan ay sinabayan ko na rin siya sa paglalakad.May mangilan-ngilang taong nadadaanan namin,na nagbubulungan pa sa tuwing natatapat kami sa kanila.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating kami ni Kim sa bahay nila.May nakalagay na for sale sa labas ng nakasaradong bakud at pansin ko rin ang iilang tuyong mga dahon sa bakuran ng abandonado ng bahay.

Dahil may kadena ang hanggang balikat na bakud ay inakyat na iyon ni Kim,ginaya ko na rin siya  para makatawid sa kabila.

Dere-derecho si Kim sa gilid ng bahay,binuksan ang bintanang naroon at pumasok sa loob.

"Diyan ka lang ha?bubuksan ko ang pinto sa likod."

Tumango ako,nakapagtataka ang mga kinikilos niya.

Nang buksan niya ang pintuan sa likod ay pumasok na din ako,tumambad sa amin ang mga gamit na naroon sa bahay na ngayon ay natatakpan na ng puting mga tela.

"Ahh..Kim?anong ginagawa natin dito?"Sa wakas ay natanong ko.

"Gusto ko lang umuwi dito,namimiss ko na kasi ang bahay."Sagot niya.

Nakatiklop na ang mga tuhod niya sa sahig,at ang pang upo niya ay nasa likod na ng kanyang mga binti.

Ngumingiti siya habang binubuklat ang bawat pahina ng album na tinitingnan niya.

"Eto ang gusto kong picture pag sumama na ako kina Mama at Papa,ang cute ko dito,di ba?"Aniya.

Kumunot ang aking noo.Why is she saying those things?

Lumapit ako sa kanya,yumukod sa tabi niya at hinawakan ang kaliwang kamay niyang may hawak na highschool picture niya.

Nang tumingin siya sa akin ay lubog na sa luha ang kanyang mga mata.

"Hey...."

Mabilis niyang pinahid ang mga luha.

"Namimiss ko lang sina Papa at Mama."

I pressed my lips.

"Kaya ka ba nagpunta dito?"

Tumango siya.

Tumayo siya at inilibot ang paningin sa loob ng bahay bago lumabas ng pinto.

Sinundan ko siya at ganun nalang ang pagtataka ko ng umakyat siya sa punong mangga at kalaunay naupo sa sanga.

"Halika!"

Napangiti ako.

"Alright,hintayin mo ako diyan."

Nakaakyat ako sa puno at naupo sa parehong sangang inuupuan niya.Pinatili ko ang agwat naming dalawa para hindi siya mailang sa akin.

Huminga siya ng malalim at habang pinagmamasdan ko siya ay eto naman siyang nakatingin sa malayo.

"Naalala mo yung punong mangga sa mansyon niyo sa Batac?di ba umupo din tayo doon gaya ng ginagawa natin ngayon?"

Tumango ako.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now