S2-29

128 21 13
                                    

#AyokoNa!

Kim

I woke up crying.

Hindi ko matanggap na wala na ang anak ko,I tried my best to protect her but damn!nawala pa rin siya!namatay siya!iniwan na niya ako.

"Kim..."lumapit si Vinny sa akin,I knew na kanina pa siya nakaupo sa couch at naghihintay ng pagkakataong makalapit sa akin.

"I'm sorry..."aniya.

Puno ng hinanakit akong tumingin sa kanya.

"Where is my child?"I asked kahit alam kong senyales na yung panaginip ko na wala na ang anak ko.

"She's.. she's gone.."sagot ni Vinny.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata bago nangingilid ang mga luhang tumingin kay Vinny.

"You made the wrong choice.."I said.

Naluha na naman siya."It's a tough one Kim,hirap na hirap akong mamili..but I know hindi ako nagkamaling piliin ka..."

"Hirap na hirap ka?dapat lang!dahil hindi nangyari 'to sa amin kung hindi ka naging mahina!"

"I know its all my fault,but can you give me a chance..just one chance!"

Nakuyom ko ang aking mga kamao."You missed your chance Vinny.Dahil ayoko na!"

"Kim..please..I beg you.."

Nag-iwas ako ng tingin.Galit ako sa kanya at malaking posibilidad na lulubog ang relasyon namin dahil sa lahat ng nangyari.

Its too painful to see him..to look at him,dahil naaalala ko lang ang anak ko.

"Where is my child?I wanna see her!"

Lumapit siya sa akin,sinubukan niya akong hawakan pero sinalya ko ang kamay niya.

"Huwag mo akong hawakan!I wanna see my child!"

Hindi siya nagsalita.

"What Vinny?!nasaan ang anak ko?!"

"Hindi ka pa magaling Kim..kailangan mo munang magpahinga.."

"The hell I care!gusto kong makita ang anak ko!"

Halos magwala na ako sa loob buti nalang at pumasok si Ate Jack.

Pinalabas niya si Vinny at naiwan kaming dalawa.

Niyakap ako ni Ate.

"Please Ate,gusto kong makita ang anak ko..please..."

"Okay Kim,pero kailangan mong huminahon.Apat na araw ka ng hindi nagigising at nag-aalala na kami sayo."Saad ni Ate.

"Apat na araw?I was in a coma for 4 days ate?"

Tumango siya.

"God!kung ganun---ibig bang sabihin na..nilibing niyo na ang anak ko?"

Umiling si Ate.

"Ililibing pa namin siya bukas.Hindi na pwedeng matagalan pa Kim."

Nagpahid ako ng mga luha."Fine then!pupuntahan ko ang anak ko!"pinal kong saad.

"Sige,pero tatawag ako ng nurse at doctor mo,kailangan nating makasiguro na okay ka na talaga."

"Hindi ako magiging okay ate hangga't hindi ko nakikita ang anak ko!"giit ko.

Hindi na sumagot si Ate,ayaw niyang nakikipagtalo kaya mahinahon siyang nagpaalam at lumabas ng silid para tawagin ang doctor ko.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Ate Jack kasama ang  babaeng doctor.Nagkaroon pa ng ilang test bago ako pinayagang makauwi ng Ilocos kung saan naroon ang lamay ng anak ko.

From the hospital ay nagtungo kami sa paliparan kung saan naroon ang private plane nina Jake Elizalde,mayamang kaibigan ni Kuya Simon.Its so kind to him na pinayagan niya kaming makagamit ng eroplano niya para makauwi agad kami ng Ilocos.

May IV pa sa kanang kamay ko to support my system. Medyo nanghihina pa kasi ako at nahihilo.

Hindi ko pinayagang tumabi sa akin si Vinny.I hate him,at hindi ko alam kung kelan ko pa siya mapapatawad.

Nakatulog ako sa eroplano at nagising nalang na nakalapag na kami sa pribadong paliparan ng mga Elizalde sa Ilocos.

Sinundo kami ni Kuya Simon,at dinala sa isang  mamahaling funeral home kung saan naroon ang anak namin ni Vinny.

While ate Jack is pushing my wheelchair ay humagulhol na ako,I have to cry it all out kundi mababaliw ako sa sobrang sakit.

Lumapit sa akin si Mommy Liza at Daddy Bong,but their presence and condolences doesn't ease the pain na nararamdaman ko.

I knew they tried their best to help me,to look for me,pero sadyang tuso si Clark,maraming galamay kaya naitago pa rin ako ng mabuti kahit na sa mga magagaling na detectives na kinuha ng First lady at ng Presidente.

I am hugging my daughter's coffin.She is so tiny and soo beautiful,pero hindi ko na siya mayakap pa,hindi na!

Nanatili ako sa tabi ng anak ko,Vinny is standing beside me,he is crying too pero wala na akong lakas na kausapin siya. Pagod na pagod na ang puso ko.

Tomorrow ang burial ng anak ko,iisipin ko pa lamang yun parang mamamatay na ako.How could I bury my child na matagal kong inalagaan sa tiyan ko!how?!

Hindi na ako nakatulog at tulala nalang na nakatingin sa kabaong buong gabi.Pero hindi ako iniwan ni Vinny kahit hindi ko siya kinakausap ay nanatili pa rin siya sa aking tabi.



Kinabukasan....

Bumuhos ng luha sa libing ng anak ko,gusto kong maglupasay sa sobrang sakit ngunit pinigilan ako ni Ate Jack na mahigpit na ngayong nakahawak sa kamay ko.

I cried, Vinny cried at kahit gusto ko mang lapitan siya,yakapin siya,ay hindi ko magawa.

Natapos ang libing pero hindi pa rin ako makaalis-alis sa puntod ng anak ko.Panay pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha na tila ba wala na iyong katapusan.

Ate Jack stayed,ganundin si Kuya Simon at Vinny.

Pero kalaunan ay nagpaalam din si Ate at kuya Simon,leaving just me and Vinny.

"Vinny...."usal ko.

Parehong namumugto ang aming mga mata ng magkatinginan kaming dalawa.

"Ye-yes baby?..." aniya.

Suminghap ako at nagpahid ng mga luha.

"Maghiwalay na tayo..ayoko na."Saad ko.

Umawang ang kanyang labi at hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya.

He knelt down,cried and begged.

"Kim..please..no..hindi ko kaya..I cant lose you!hindi ko na kakayanin..please I beg you..please!!"

Pumikit ako,nabato na ata ang puso ko at wala na akong maramdaman.

Umatras ako at tinalikuran siya.

"Ayoko na."Pinal kong saad at naglakad na ng tuluyan palayo sa kanya.

"Kim!please!Kim!"

I shut my ears and closed my eyes.Ayoko ng marinig,ayoko ng lumingon,dahil ang sakit sakit na parang mababaliw na ako sa sobrang sakit.

Mahal kita Vinny!pero pagod na ako..pagod na akong magpatawad,pagod na akong umiyak,pagod na akong masaktan.Ayoko na!tama na!

Napahawak ako sa puno ng makaramdam ako ng pagkahilo.Sinapo ko ang ilong ko,only to find out na nag no-nosebleed na ako.

Yes I am still sick and I'd rather die to be with my daughter!

Umikot na ang mundo ko hanggang sa tuluyan akong bumagsak at nawalan ng malay sa mismong bisig ng asawa ko.




Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon