S2-14

149 23 19
                                    

#Past/letting go

Kim

Nasa kwarto na ako at nagkulong,pero naisip ko hindi fair ang nangyayari ngayon. Bakit sa kabila ng lahat lahat na ginawa ko,kulang pa rin.

Hindi ko na kaya,ayoko na,tama na,hindi ako pinalaking mahina nina Mama at Papa at hindi ako nagpakasal para lang ipagpalit sa panandaliang saya.

Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay pinahid ko ang mga luha at tumayo,kinuha ko ang pink na maleta sa gilid ng closet namin ni Vinny,nilagay ko lahat ng makuha kong damit ko at ng matapos ay mabilis na akong lumabas ng pinto.

Naabutan kong nakaupo sa sofa si Vinny,katabi pa rin nito si Stephanie na talagang hinahagod pa siya sa likuran.

Nagtama ang mga mata namin ni Vinny ng mag angat siya ng mukha,bumagsak ang mga mata niya sa maleta ko,kaya napatayo siya at lumapit sa akin.

Hindi ko na hinintay pang makalapit siya dahil umiwas na ako at mabilis na nagtungo sa nakabukas na pinto kung saan naghihintay si Collin.

"Baby please!!"

Oo dinig ko si Vinny,pero pinigilan ko ang sariling lingunin siya dahil alam ko,alam kong isang tawag at pagmamakaawa niya pa ay bibigay na ako.

Pinagbuksan ako ni Collin ng pinto ng sasakyan niya. Luhaan akong tumingin sa kanya at ng tanguan niya ako ay doon na ako tuluyang pumasok sa loob.

Nakikita ko si Vinny,tumatakbo at hinahabol ang sasakyan namin,ngunit mas pinili kong ipikit ang aking mga mata para hindi na siya makita pa.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit,at umiiyak bago ako dumilat.

Namamaga na ang mga mata ko at parang tangang nakatingin sa daan.

"Where do you wanna go?"Collin asked.

Kung hindi siya nagsalita baka hanggang hapon ay space out pa rin ako.

Lumingon ako sa kanya.

"Ha?"

"Sabi ko saan mo gustong magpunta?"He said.Half smile.

Lumingon ako sa bintana at parang sinadya lang din ng tadhana ng mawaring kong abot tanaw ko ang sementeryo kung saan nakalibing si Mama,Papa at Ate.

"Ibaba mo na ako dito."Sabi ko.

"Samahan na kita sa loob."Sagot ni Collin.

"Hindi na."

"I insist."

Hindi na ako sumagot at lumabas na ng sasakyan.

Pagkapasok sa loob ay natanaw ko ang pamilyar na sasakyan sa may di kalayuan.

Nakalapit na kami ni Collin sa puntod kong saan naabutan namin si Kuya Simon na nakatayo at may dalang bouquet of white roses para kay Mama at Papa.

"Kuya?"

Pumihit siya paharap sa amin ni Collin.Nakilala niya agad ang boses ko,ngunit ang kaninang ngiti niya ay napalis ng makita niya si Collin.

Sobrang gwapo ni Kuya Si,sa suot nitong white button down polo na tinupi hanggang siko,at itim na trouser na bumagay sa mahahabang biyas nito.Para siyang CEO ng isang kumpanya,sa porma at tindig niya.

"Where's Vinny?"He asked,sabay pasimpleng tingin kay Collin.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nanubig na ang mga mata ko.

"Kuya...."My voice broke.

"Hey..."Kuya Si,hugged me.

I sobbed.

"Sshh.."

Kumalas ako sa yakap niya at bahagyang tumingala para tumingin sa mukha niya.

"Iiwan ko na po si Vinny Kuya..."

"Wha-what?wait..but...why?"

"Kasi..kasi......"

"He hurt her."Si Collin ang sumagot.

"And who are you?"Kuya Si asked,with a bit of irritation.

"Si Collin kuya,kaibigan ko."Sagot ko.

"Go home now Collin,ako na ang bahala sa sister in-law ko."Kuya Si said.

Nagkatinginan kami ni Collin,magpoprotesta pa sana ito,ngunit ng umiling ako ay nakuha na niyang ayokong makipagtalo pa siya kay Kuya Simon.

Collin sighed and nod.

"Fine,just call me if you need help."

"I can take care of her,with you on the scene mas lalong hindi magiging okay ang kapatid ko at si Kim,so you better know your place."Istriktong saad ni Kuya Simon.

"I will."Sagot naman ni Collin. Sa huli ay tuluyan din siyang nagpaalam at umalis.

Hinawakan ni Kuya Si ang kanang kamay ko at sabay kaming nagtungo sa Mausoleum na pinagawa ni Kuya Simon kay ate Jack.

Nang makapasok kami sa loob ay saka na ako umiyak ng umiyak. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. He doesn't take sides,he just listen.

Pagkatapos kong mailabas lahat ay saka niya ako binigyan ng puting panyo to wipe my tears.

Habang nagpapahid ako ng luha ay nakatingin naman si Kuya Simon sa picture ni Ate Jack.

"I am taking you with me to Kathmandu."Aniya.

"Huh?"

Lumingon siya sa akin.

"I will teach my brother a lesson,ilalayo kita sa kanya so that he will realize his mistake,he needs to learn his lesson."

"Pero Kuya..."

He looked at Ate Jacks picture again at hinaplos ng korteng kandilang mga daliri ang larawan ni Ate.

"I dont want to disappoint B,for letting you stay here while your heart is broken."

"Pero Kuya... "

He smiled."For the last time,let me fulfill my promise to your sister by taking good care of you Kim,before....before I will finally let her go."

Bumagsak ang mga luha ko,hindi dahil sa napakabait ni Kuya Simon sa akin,kundi dahil tuluyan na rin siyang makakapag move on kay ate at masaya ako dahil hindi na makukulong si Kuya Simon sa pait ng nakalipas,sa sakit ng pagkawala ni Ate Jack,because I know,he deserves to be happy.

"Okay Kuya."Sagot kong nakangiti.

Hinapit niya ako sa kaliwa

"I love you,B."Narinig kong usal ni Kuya Simon.

Kuya Simon is finally letting go Ate Jack,ibig sabihin ako ang papalit sa pwesto niya.At katulad niya ay iiyakan ko rin ng paulit-ulit ang masaklap na magiging nakaraan namin ngayon ni Vinny.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now