S2-2

228 24 12
                                    

#Stranger

Kim

Paalis na kami ni Vinny ng may mapansin akong taong nakatayo sa may puntod nina Mama at Papa. Nakasuot siya ng itim na hoodie at pantalon.Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Ate??"usal ko.

"What is it Baby?"Si Vinny

"Stop the car!"sigaw ko saka dali-daling binuksan ang pinto ng sasakyan.

Hinuli ni Vinny ang kaliwang braso ko at pinigilan akong bumaba.

"Kim?ano yun?"

Lumingon ako sa kanya.

"Si..parang..parang nakita ko si Ate!"saad ko,sabay lingon muli sa loob ng sementeryo.

"Baby that's impossible!"

"Hindi!sandali lang ako!babalik ako agad!"Sabi ko sabay labas ng kotse.

Lakad takbo ang ginawa ko pabalik sa loob ng sementeryo. Panay linga ko ng mawaring wala na doon ang taong nakatayo sa harapan ng puntod nina Mama at Papa.

Nakita ko ang bulaklak na nakalapag sa puntod. Isang puting hyacinth na alam kong paborito ni Mama.

"Shit!"Inatake na ako ng kaba,iba na rin ang kutob ko,pero imposible,imposibleng si Ate Jack yun. Pero ang tindig niya ang ayos niya,parehong pareho talaga.

Nakarinig ako ng pag-andar ng isang motor,kaya napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. Napanganga ako ng makitang papalabas na ito ng sementeryo.

Kinutuban na ako ng masama,mukhang si Ate Jack nga ang nakita ko.

"Oh shit!"

Tumakbo ako pabalik ng sasakyan.

"Kim!what's wrong?!"Si Vinny.

Para tumahimik si Vinny ay hinalikan ko siya sa labi.

"Wha-----"

"Kuya Bilis!sundan mo yung motor!"

"Yes Mom!"

"Baby?what on earth is happening?"Vinny asked.

I smiled at him. "I think I saw her!"

"Who?!"

"Basta!"

Panay busina namin kaya tumatabi rin ang mga sasakyan. Nagcause kami ng muntikan ng banggaan at traffic sa sobrang pagmamadali.

"Bilisan mo kuya!"

"Yes Mam!"

120 kph na ang takbo namin at bawal iyon sa national highway. Pero bahala na!Kailangan kong malaman kung si Ate Jack ba iyong nakita ko,at kahit lumipad man tong sasakyan namin para makalapit sa kanya wala akong pakialam.

Umilaw ng red light ng makarating kami sa intersection,huminto din ang motorsiklo kaya tanaw ko rin pa rin ito mula sa kinaroroonan namin ni Vinny.

I am tapping my fingers in my knees,ni mga paa ko ay hindi na mapirmi at gustong-gusto ng makalapit sa estrangherong nakamotor.

Nang biglang...

Shit!

Hindi pa man nag ge green light ay tumawid na ang estranghero dahilan para muntikan na itong mabundol ng isang delivery van.

Natumba ang motor kasabay ng pagbagsak ng sakay nun sa semento.

"Oh god!"Vinny exclaimed.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis ng lumabas ng sasakyan at tinakbo ang kinaroroonan nito.

Napalibutan na ito ng mga nakikiusyusong mga tao,kaya kailangan ko pang makipagsiksikan para makalapit lang sa kanya

Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko,hindi lang sa hingal kundi dahil na rin sa sobrang kaba.

Hindi ako tuluyang nakalapit sa kanya sa dami ng mga tao at hindi ko rin maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at nakasuot pa rin ng helmet.

Bumaba ang driver ng delivery van. Nagpupuyos ito sa galit dahil unang-una wala itong kasalanan,dahil kusang tumawid ang motor na hindi pa nakagreen light.

Pigil ko ang hininga ng dahandahang maghubad ng helmet ang driver.

Katulad ni Ate Jack,maikli din ang buhok niya.

"Anak ng tinapa!babae ka?!muntik na kitang mabundol ano ka ba?!matatanggalan pa ako ng lisensya dahil sa katangahan mo!"bulyaw ng driver dito.

Pigil ko na ang hininga ko.

Umiling ang babae,sabay gulo ng buhok at tingala sa tumatalak na driver sa kanyang harapan.

"Pocha ang ingay."Anito

Umawang ang aking labi. Kaboses niya si Ate Jack!

I swallowed hard saka dahandahang lumapit sa likuran niya.

"A--ate?"tanong ko.

Animo'y naka slow mo ang paglingon niya sa akin kaya ng magtama ang aming mga mata ay tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha.

"Sino ka naman?"tanong niya sa maangas na pananalita.

Naiyak ako dahil para akong pinagbagsakan ng langit ng mapagtanto kong hindi siya si ate.Nagkamali ako.

Pinahid ko ang mga luha.

"Na-nakita kita sa puntod ng mga magulang ko.."I said.

She smirked.

"Ganun ba?magulang mo pala yun?"

Nanikip ang dibdib ko,ibig sabihin....

Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumayo.

Tinayo niya ang motorsiklo niya at sumakay doon.

Bahagyang nakatabingi ang kanyang ulo ng tumingin siya sa'kin. Pati ang mga mata niya parang si Ate Jack,blangko,at ang kilos niya,maangas ding katulad ni ate.

May multo ng ngiti sa labi niya na tila ba may  ibig sabihin.

"Alam mo bang?maraming napapahamak sa maling akala?"tanong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo bang?maraming napapahamak sa maling akala?"tanong niya.

Hindi ako nakasagot.

She shook her head sabay suot ng helmet niya at paandar ng motor.

Huminto pa siya sa tabi ko ko sabay angat ng salamin ng kanyang helmet.

Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa aking mukha,sabay takip ulit ng salamin niya at tuluyang umalis.

Hinatid ko siya ng tanaw.

May kakaiba akong nararamdaman at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon