9

430 45 40
                                    

#MeetTheSister

Vinny

"We're here!!!"

I spread my arms habang malapad ang ngiting binate si Manang Lupe si Simon at---

Napalunok ako ng pumihit paharap sa akin ang maangas na babaeng naka black leather jacket at pants. Nakaboots din siya ng itim na animoy action star.

Salubong ang kilay niyang nakapako ang tingin kay Kim na nag-aayos ng sintas ng sapatos.

"Ate??!!"

"Kimberly Marasigan!!"

She's gritting her teeth at halatang nagpipigil ng galit.

Humakbang siya papalapit sa akin ngunit nagtago na sa likod ko si Kim.

"Kim!"

Hahablutin niya sana si Kim ngunit hinarang ko na ang sarili.

"Sister-in-law wait!"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ng babae.

"Anong sabi mo?!"maangas niyang tanong.

Matangkad siya kaya halos magpantay na rin ang aming mga mata.

"Sis--Mam!" Bawi ko sa sinabi.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ate!pabayaan mo na ako!"si Kim.

"Pabayaan?lumayas ka sa bahay Kim!at ngayon si Papa ang namomroblema!ano na naman ba kasing ginawa mo?!"

"Wala ate!"

Tinabig niya ako ngunit pinrotektahan ko pa rin si Kim na nagtatago sa likuran ko.

"Umalis ka kundi tatadyakan kita!"

Napalunok ako.

Nakakatakot naman tong ate ni Kim!aba'y may dugo ba silang amasona??!!

"Isa!"

"Ate!!ayoko ngang umuwi dun!"

"Anak ng--"

Hahablutin niya na sana si Kim ng pigilan ni Simon ang braso niya.

The lady glared at Simon sabay hablot ng braso.

Ngayon ay sila ng dalawa ang magkaharap.

Mabait si Kuya Simon, tahimik at mukhang hindi nakakabasag ng pinggan. Sa aming dalawa ni Kuya Sandro siya lang ang hindi palasalita.Kaya malimit ay hindi naman nababasa kung ano ang iniisip niya.

"Listen to her first..baka may dahilan siya kung bakit ayaw niyang umuwi sa inyo." Mahinahong sabi ni Simon.

Kinabahan ako ng humakbang papalapit ang babae sa kanya.

"Listen?seryoso ka?e ni ayaw nga niyang makinig sa amin?sige subukan mo,kung mag eexplain siya sayo,palalampasin ko ang kalokohan niya!"

"Ate jack!ano ba?!" Mangiyak ngiyak na wika ni Kim.

Matalim siyang tiningnan ni Jack.
Bago binaling uli ang nanunubok na tingin kay Simon.

"Kim, come here.."wika ni Simon na hindi inaalis ang mga mata kay Jack.

Animoy maamong tupang sumunod si Kim kay Simon.

Nagpahid ng luha si Kim.
Naantig naman ang puso kong nakatingin sa kanya.

"Kasi Kuya, ano--"

"Ano?!"sabat ng ate niya.

Iminuwestra ni Simon ang daliri sa harapan ni Jack kaya natahimik ito.

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now