27

341 52 6
                                    

#Sobra

Vinny


Nakapasok ako sa loob ng bahay nina Kim.

The house is cozy, malinis at nasa ayos ang lahat.

May mga certificates at frames akong nakikita sa wall pero halos kay Jack lahat yun.

Kay Kim naman ay ang senior high graduation photo nito na nakasimangot pa siya.

"Ang cute mo dito."Sabi ko kay Kim na nakatayo sa aking gilid.

"Tss!cute?eh ang pangit-pangit ko jan!ang payat payat ko!"

Nakangiti ko siyang nilingon.

"Cute ka pa rin." Sabi ko.

Iginala ko ang paningin sa loob ng bahay bago naupo sa kulay kremang sofa.

"Pinapaupo na ba kita?!"

Mabilis akong tumayo.

Lumapit sa akin ang Papa ni Kim na dala-dala ang basi Ilocanong sugarcane wine na binili ni Kim kanina para dito.

"Upo ka!"

Napalunok ako.

"O-okay po."

Huh!

Pabagsak niyang inilapag ang inumin sa bilog na mesang nasa aking harapan, bago humila ng wooden stool chair,ngayon ay ang mesa lang ang tanging pagitan naming dalawa.

Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Umiinom ka?"

Napalunok ako.

"Ku-kunti po,"sagot ko.

Tumingin ako kay Kim na nakatayo sa gilid ng Papa nito.

Umiling siya.

"Mahina ka pala Boy!ikaw yung tulad mo, pampered pa ng mga magulang,ano ka?bunso ka di ba?"

Tanong niya sabay tungga ng alak.

"Ah—yes po I am the youngest, but I am not a pampered kid sa katunayan po---"

Pabagsak niyang inilapag ang baso kaya nabitin sa ere ang sasabihin ko.

"Patunayan mo!uminom ka!"

Problemado akong tumingin kay Kim, na nag-aalala na ring nakatingin sa akin.

"Hindi mo kaya?sige pwede ka ng umalis!"

"Hindi po, kaya ko po!"wika ko at nanginginig ang kamay na nagsalin ng alak sa baso.

"Pasmadu ka?"

"Po?"naguluhan ako.

"Aba Boy, nanginginig ka?maginaw?"

Umiling ako.

"Hindi po!"

Humalukipkip ang Papa ni Kim at maangas akong tinanguan.

I swallowed hard habang tinitingnan ang laman ng baso, sa amoy pa lang ay parang masusuka na ako.

Umiiling si Kim, pero wala akong choice , kailangan kong mapatunayan sa Tatay nitong hindi ako basta-basta sumusuko.

Gumuhit ang init ng alak sa aking lalamunan ng lunukin ko iyon.

Naubo pa ako sabay suntok sa dibdib ng maramdaman kong masusuka ako.

Ngumisi ang Papa ni Kim.

"Isa pa!"

Ang kaninang kalahating laman ng baso, ngayon ay puno na.

"Bottoms up!"utos niya.

"O-opo Si-Sir!"sagot ko sabay kuha sa baso at uminom ulit. 

Ipinilig ko ang ulo.

Dalawang baso pa nga lang pero parang nalalasing na ako.

"Kaya mo pa?"

Nagsalute ako.

"Ka-kaya pa si-sir!"

Shit!naiiwan na ang mga letrang binibigkas ko.

Namumungay ang mga mata kong tumingin kay Kim. 

Nanatili siyang nakatayo at walang imik sa tabi ng Papa niya. Takot talaga siya dito.

Kawawa naman ang baby ko!

Uminom ang Papa ni Kim pagkatapos ay inilapag ang baso sa mesa.

"Boy, tatapatin na kita, ikakasal na'tong anak ko, sa anak ni Kapitan, kaya patunayan mo sa akin, na karapat-dapat ka sa anak ko para bawiin ko ang disesyon kong ipakasal siya sa iba.Naiintindihan mo ba?"

Sumulyap ako kay Kim bago tumango.

"Yes po, gagawin ko po ang lahat, mapatunayan ko lang pong nararapat ako sa anak niyo."

Tumango ang Papa ni Kim.

"Hm, alam mo Boy, matigas ang ulo nitong anak ko."

"Okay lang po,mahaba naman po ang pasensiya ko."

"Hindi to marunong magluto!"

"Ako po ang magluluto!"

"Hindi pa 'to nakakatapos sa pag-aaral!"

"Maghihintay po akong makatapos siya ng pag-aaral bago ko po siya pakakasalan!"

"Hm, hindi siya matalino."

"Alam ko po, pero madiskarte po siya, minsan nadadaig po ng madiskarte ang matalino."

"Hindi kami mayaman."

"Okay lang po, kaya ko po namang mag adjust sa simpleng buhay basta kasama ko lang anak niyo." sinsero kong sabi. 


Sumeryoso ang mukha ng Papa ni Kim, uminom ulit ng alak bago nagsalita. 


"Gusto mo ba talaga ang anak ko?"

Ngumiti ako.

"Hindi ko po gusto ang anak niyo."

Kumunot ang noo ng Papa ni Kim.

"Dahil mahal ko po ang anak niyo,Sir." Sagot ko. 

Nagtama ang mga mata namin ni Kim at sa isip ko binigkas ko ang mga katagang-- 

"Mahal kita..sobrang mahal kita, Kim."





Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum