38

357 43 15
                                    

#TheFastForward


Vinny


Nagkabanggaan pa kaming tatlo sa gate ng mag-unahan kami para sundan si Kim.

"Eps!sandali!sandali!"

Lumapit at umawat na sa amin si Tita Mel.

Hinila niya sa manggas ng mga damit si Luke at si Isaac.

Napatingin ako kay Tita Mel, ganun din si Luke at si Isaac.

"Sige na Vinny, sundan mo na si Kim."Ani Tita Mel.

"Pero Ninang..."

Umalma pa si Isaac ngunit pinandilatan na ito ng mata ni Tita.

"Hindi kayo ang boyfriend, kaya matuto kayong lumugar kung saan kayo nararapat. Luke, pasensiya na, pero sa tingin ko, mas may karapatan si Vinny kaysa sayo para kay Kim."

Tumango si Luke.

Tumingin siya sa akin without saying anything, pero kita kong bagsak ang mga balikat niyang pumasok ng bahay.

"Ninang..baka mapano yun?" si Isaac.

Piningot ni Tita si Isaac sa tenga.

"Aray! Ninang!aray ko!"

"Pasok sa loob at ubusin mo ang pagkain mo!" Hindi naman galit si Tita, kinindatan niya pa nga ako habang hawak sa tenga ang umaalmang si Isaac.

Honestly, natuwa ako, dahil sa ginawa ni Tita.

I took a deep breath bago nagsimulang maglakad. I don't know kung nasaan si Kim, pero nang may dumaang mga bata ay agad nilang tinuro kung saan posibleng nagpunta si Kim. 

Nakarating ako sa isang simbahan na may Victory church na nakapaskil sa gilid ng nakabukas na gate. 

Pumasok ako at dumerecho sa nakabukas na pinto, kung saan natanaw ko at narinig ang nakatalikod na babaeng kumakanta sa harapan ng may edad na lalaking nagtitipa ng tiklado ng piyano. 

It's gonna be me baby..
It's gonna be you baby...


Time, I have been patient for so long
How can I pretend to be so strong?
Looking at you baby,
Feeling it too baby,
If I'm asking you to hold me tight
Then it's gonna be all night

Namulsa ako habang nakangiting nakatingin sa babaeng nakatalikod sa akin. 

It's gonna be love
It's gonna be great
It's gonna be more then I can take
It's gonna be free
It's gonna be real
It's gonna change everything I feel
It's gonna be sad
It's gonna be true
It's gonna be me baby
It's gonna be you baby



Samantala...


Kim


It's gonna be it's gonna be love.................

Ramdam kong may nakatingin sa amin kaya lumingon ako. 

Animo'y nag volume down ang boses ko ng magtama ang mga mata namin ni Vinny na ngayon ay nakapamulsa at nakatayo sa bungad ng pinto.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang dahandahan siyang humahakbang papalapit sa akin.

Hindi ko alam pero tila ba bumaliktad ang sitwasyon.

Nag slow mo ang paligid ko, huminto ang ikot ng orasan at animo'y tumunog ang wedding bells sa kalangitan. 

Nag fast forward ang lahat sa paningin ko dahil nakikita ko na siya ngayong nakasuot ng suit at naglalakad papalapit sa akin at ako itong bride na naghihintay sa kanya sa altar. 

Lunok**

Ang gwapo ni Vinny, ang gwapo-gwapo ng baby ko.

Ang------------

"Kim?Baby?Baby okay ka lang?"

"Ha?"

Hindi ko namalayang nakatayo na sa harapan ko si Vinny.

Bahagya siyang yumuko para maglevel ang aming mga mukha.

Ngumiti siya. Napakagwapong ngiti.

"Sabi ko, okay ka lang ba?"

"Ha?ah----Oo?"

Sumimangot siya. 

"Hindi ka sure kung okay ka?"

"Ah....he..." napakamot ako sa ulo. 

"Girlfriend mo Kim?"Tanong ni Pastor Cesar. 

Lumingon ako kay Pastor ganun din si Vinny. Tumayo ito at lumapit sa amin.

Naglahad siya ng kamay at nakipagkilala kay Vinny. 

"Pastor Cesar." 

Ngumiti si Vinny at tinanggap ang pakikipagkamay nito. 

"Vinny po." 

Tumango si Pastor Cesar.

"O Kim?aalis muna ako ah, may kukunin lang ako sa likod, mamaya na natin ipagpatuloy ang kantahan." Ani Pastor Cesar,umalis siya at nagtungo sa likod ng altar. 

Humarap ako kay Vinny na ngayon ay nakapamulsa na at nakatingin na sa malaking krus na nasa altar. 

Habang nakatuon ang atensyon niya doon ay malaya ko namang napagmasdan ang kabuuan niya.

May kakapalan ang kilay ni Vinny, na bumagay sa kanyang magagandang mga mata.Matangos din ang kanyang ilong at pula at manipis ang kanyang labi. Maganda ang kutis niya at kahit ang height niya ay nagpapadagdag sa karisma niya. 

Perfect!

Ang gwapo ni Vinny at inaamin kong ang swerte-swerte ko sa kanya dahil napatunayan kong mahal na mahal niya ako dahil hindi siya basta-bastang sumuko kahit na pinagtulakan ko na siya palayo. 

Humarap siya sa akin sabay hawak sa aking kamay. 

"Kim?baby?"

"Hmm?"

Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi, naipikit ko ang mga mata ng dampian niya  ng halik ang aking noo. 

Pagkatapos ng halik ay naramdaman ko ang kanyang bahagyang paglayo. 

Dahandahan akong nagmulat ng mga mata at agad nangilid ang aking mga luha ng mapagtantong nakaluhod na ang kaliwang tuhod ni Vinny at may hawakhawak na siyang singsing. 

Napalunok ako at literal na bumilis ang tibok ng puso ko. 


"Baby?please marry me."


"Oh God!" Usal ko hanggang sa tuluyan ng naglandas ang mga luha ko. 





PLAYLIST: 

"It's gonna be Love"




Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon