3

495 53 14
                                    

#Titig

Kim

"Sarap ng buhay!!!" sabi ko sabay higa sa malambot na kama. Double deck iyon, sa baba ako kung saan may makapal na kuchon.

Ginawa kong unan ang mga braso habang nakatingin sa kawalan.

Naalala ko sina Itay at Inay habang palihim akong tumatakas kagabi. Kahit na malupit ang trato nila sa akin ay nagawa ko pa rin silang halikan sa noo habang natutulog sila. Paraan ko iyon ng pamamaalam sa kanila, kasi mahal na mahal ko pa rin sila kahit na sabihing tinuturing nila akong malas sa pamilya namin.

Nakagat ko ang labi ng bumagsak ang luha ko.

Malungkot akong ngumiti sabay pahid ng luha.

Dumapa ako sa kama saka tumili. Wala lang trip ko lang para maibsan ang bigat na nararamdaman.

Itinagilid ko ang ulo saka naghikab at di ko na namalayan na tuluyan na kong dinalaw ng antok.

----------------

Nagising ako sa yugyog sa akin ni Tiyang Lupe.

"Magbihis ka na Kim, at papasok tayo sa mansyon, ipapakilala kita kay Mam Imelda."

Kinusot ko ang mga mata.

"Si-sige po Tiyang, sandali lang po."

Bumangon na ako at naghanap ng masusuot sa packbag kong dala. Napakamot ako sa batok dahil maliban sa ripped jeans at malaking white shirt ay wala na akong iba pang masusuot.

Wala akong nagawa kundi magbihis, dyahe naman kung hindi, dahil amoy tambutso na 'tong damit ko. Paano kung may besobeso pala mamaya?ako  pa maging dahilan maubo ang amo ni Tiyang.

Nilukot ko ang buhok, wala kasi akong suklay kaya larga na.

Naghintay na si Tiyang sa akin sa labas ngunit agad akong hinarang at umiiling na pinasadahan ng tingin ang suot kong damit.

"Bakit may punit punit yang pantalon mo?"

"Uso to T'yang!" dahilan ko.

"Hay naku naman, o siya!bahala na!halika na at ipapakilala na kita kay Mam Imelda."

Sumunod ako kay Tiyang, dumaan kami sa kusina, sa malawak na sala, na solid ang ganda! Saka umakyat sa hagdan at pumasok sa isang-----

"Library?ang cool!" Bulalas ko.

Napalakas ang boses ko kaya nasiko ako ni T'yang sa tagiliran.

"Magandang hapon Mam Imelda, eto nga po pala ang pamangkin kong sinasabi ko sa inyo, ipapaalam ko pa sana kong pwede makitira muna siya sa amin sa likod bahay, kahit ngayong bakasyon lang po." Ani T'yang.

Nasiko na naman niya ako ulit ng matulala ako sa ganda ng amo ni T'sang, ang ganda ng suot niyang Filipiniana, at ang amo ng mukha niya.

Ngumiti siya sa akin.

Yumuko ako at nagbigay galang.

"Hanep po ang ganda niyo!" Sabi ko.

Umangat ang dalawang kilay niya saka napangiti.

"Gusto mo bang magkaroon ng part-time job habang nagbabakasyon? "Tanong niya.

Ang sarap sa tenga ng boses niya.

"Ay opo! Magkano po sweldo?---aray ko!"

Strike 3 na yang  siko mo T'yang ha?!

Mahinhin na tumawa ang ginang.

"Minimum ang sahud mo, ang gagawin mo lang e maglilinis ka nitong library."

Nailibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid aklatan. Sa dami ng libro mukhang aabutin ako ng dekada malinis lang ang lahat ng 'to.

Hilaw akong ngumiti.

"Si-sige po," sagot kong labas sa ilong.

Ngumiti siya at tumango.

"Who is your favorite author?" Tanong niya.

Nasamid ako sa laway ko. Biglaan kasi ang tanong. Nako!

"Otor po? Ah, ano si-si Jose Rizal po," alanganin kong sagot.

"Really?good for you,what is your favorite story na sinulat niya?"

Napahawak ako sa leeg.

Takte!ang bobo ko pa naman sa history!

"A-ano po, yung Crispin?!Basilio?! Crispin?Basilio?!"

Para akong tangang ginaya si Sisa na nabaliw na karakter sa story ni Rizal.

Natawa ang Ginang.

"Napakamasayahin mo Hija, gusto ko yan," Aniya.

Nahihiya naman akong ngumiti.

"Sige, Lupe  bukas ng alas singko ng hapon pwede na siyang maglinis dito." aniya.

"Sa-salamat po Mam. Sige po, mauna na po kami."paalam ni T'yang.

Mabait na tumango ang Ginang saka ngumiti.

Lumabas kami ng silid at tinahak ang daan pababa. Nauna na sa kusina si T'yang kaya ng tumunog ang doorbell ay ako na ang nagbukas.

Pagbukas ko ng pinto ay literal na napanganga ako ng makita ang magandang babaeng nakatayo sa harapan ko. May dala-dala siyang isang basket na may lamang prutas at ang gandaganda niya sa suot na simpleng bestida, maayos din ang tuwid at lampas balikat niyang buhok.

Ganda oh!

"Hi!"

Boses anghel pa.

"He-hello."

"Bago ka dito?"

Tumango ako.

"Isabel,"aniya sabay lahad ng kamay.

So siya si Isabel?ganda nga,at ang hinhin pa.

Napakamot ako sa leeg at nahihiyang tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Nagagalak akong makilala ka?----"

"What are you doing here?!"sabat ng lalaking nasa likuran niya.

Nagsalubong ang kilay ko ng magkatinginan kaming dalawa.

Si Goliath!

"Ikaw anong ginagawa mo dito?!" Bwelta ko.

"I live here dwarf!" Pabalang niyang sagot.

Umusok ang tenga ko sa inis.

Tinawag na naman niya akong duwende????!!!aba'y hindi naman ako ganun kaliit ah!!!

Ang medyo kulot kong buhok ay mas lalo atang kumulot sa inis ko sa kanya.

"Ang cute niyo. " nakangiting sabi ni Isabel.

"Tss!excuse me?!ako lang ang cute!" Sagot nito saka nilampasan ako.

Sinundan ko siya ng tingin. Paakyat siya ng hagdan.

May mens ba yun?init ng ulo ah!

Tumingin ako kay Isabel.

Nagkibit balikat lang ito saka nagtuloy na sa pagpasok ng bahay.

Nag alok akong tulungan siya sa dala niyang prutas, pero umiling siya, aniya, hindi daw siya amo dito para pagsilbihan, bisita lang din daw siya dito.

Da ba?ang ganda na ang bait pa! Solid!

Sabay kaming nagtungo sa kusina, hindi agad siya umalis at nakipagkwentuhan pa kina T'sang. Ako naman ay parang nakakakita lang ng artista, na napapangiti din habang ngumingiti siya.

Nagulo lang ng biglang dumating si Goliath na  nagbukas ng ref, sumandal doon at hindi inaalis ang mga mata sa akin habang umiinom ng tubig.

Kung makatitig wagas ah? Ano na naman kayang problema niya?tss!

Book 2: Always Forever,Kim(Season 1&2 Completed)Where stories live. Discover now