Kabanata 1

618 74 14
                                    

SINALUBONG ng malaking pulutong ng Avaerian ang pagdating ng prinsipe. Nasa labas pa lamang ng palasyo, nakahanay na ang mga ito at nakasuot ng matitibay na kalasag bitbit ang kanilang mga espada na animo'y sasabak sa isang digmaan. Sa unahan, isang kawal ang may bitbit ng bandera ng kaharian. Nahulaan na kaagad ng prinsipe na nakatunog na ang kaniyang amang hari sa kaniyang pagkawala. Hindi na rin siya nagtaka ng wala nang sinumang panauhin ang kaniyang nakikita. Marahil ay maagang tinapos ng hari ang kasiyahan.


Yumuko ang lahat nang makita siyang paparating. Diretso lamang din ang tingin ng binata nang pumasok sa loob.


Pagkarating sa bulwagan, dinaluhan sila ng isang grupo ng mga babaeng tagapagsilbi na kung tawagin ay mga mandala. Akmang lumapit ang isa sa mga ito nang makita ang sugat sa balikat na kaniyang natamo.


"Ya Alhi!" usal ng pinunong tagapagsilbi na si Neema. "Ano ang nangyari sa iyo, mahal na prinsipe?"


Tinakpan ng lalaki ang kaniyang sugat sa braso gamit ang kaniyang palad ngunit kaagad itong winakli ng matanda. Hindi na bago sa binata ang reaksyon nito. Si Neema ang punong mandala ng palasyo. Buhat nang mawala ang kaniyang inang reyna, ang matanda na ang tumayong ina sa kaniya. Malapit si Arkin sa kaniya kaya't naiintindihan niya ang pag-aalala nito.


"Wala ito, Neema," kontra niya. "Napuruhan lamang ako ng kaunti."


"Hindi maaari! Kailangan natin itong gamutin ngayon din! Halika!"


Akmang hihilain na sana siya ng matanda ngunit pinigilan niya ito sa mga kamay. Takang napatingin naman ito sa kaniya. Kita ni Arkin ang pag-aalala sa mga mata ng matanda. Hindi na niya matandaan kung kailan ito nagsimulang manilbihan sa palasyo ngunit ang mga nakikita niyang pamumuti ng buhok nito ay sapat upang masabi niyang narito na ito buhat pa man na siya'y isinilang. Minsan ay sinusugid siya ng kaniyang konsensya 'pagkat wala siyang ibang ibinigay rito kundi ang mga alalahanin.


"Naiintindihan kong nag-aalala ka sa akin ngunit kailangan ko nang magtungo sa punong bulwagan, naroon na ang amang hari."


Pawang naglaho naman ang pagtataka sa mukha ng matanda nang mapagtanto ang sinabi ng binata. Tunay ngang naghihintay na ang hari sa punong bulwagan. Kanina pa mainit ang ulo nito buhat nang mawala ang prinsipe sa kaniyang paningin. Lalo itong maghihimutok sa galit kung patuloy nila itong paghihintay.


"O, siya, puntahan mo na lamang muna ang mahal na hari. Ngunit, ihanda mo na ang iyong sarili sapagkat galit ito sa iyo, mahal na prinsipe."


Bumuntong hininga ang binata. "Inaasahan ko na iyan, Neema."


Nilingon ng prinsipe ang lalaking nakasunod sa kaniya. Umayos naman ng tayo ang heneral.


"Aticus," tawag niya rito. "Ako na lamang ang magtutungo sa punong bulwagan. Tiyakin mong maipupuslit mo ang libro ng Catharsis at lahat ng mga gamit na naiwan ni Alira patungo sa aking silid."


"A-Alira? Sinong Alira?" sabad ng matandang mandala.


Tumikhim ang prinsipe nang mapagtanto ang pagdulas ng kaniyang dila.


"Ng mga taong-ligaw," bawi niya sa kaniyang sinabi.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now